Kabanata 19

197 7 0
                                    

AMARIYAH'S POV //

"sige na Amariyah! Pumunta ka sa kasal namin! Magdadamdam talaga ako pag hindi ka pumunta!" sigaw sa akin ni Neomi, Nandito kami ngayon sa opisina ni Elizard, inimbitahan niya kasi ako, ikakasal na kasi sila and I envy her.

Malaki na din ang tiyan na, buntis kasi, six month na buntis siya, busy silang lahat sa gaganaping kasal.

"oo pupunta ako ano ka ba? Ahahah" sabi ko sa kanya.

"salamat Amariyah!" sabi niya, ang ganda talaga niya,napadako naman ang tingin ko kay Elizard na busy sa kakatawag ng mga staff.

"Amariyah? Asan si Elijah? Kasama mo ba?" baling sa akin ni Elizard, ngumiti naman ako sa kanya.

"siguro nasa bahay pa niya, kumusta ka na Elizard?" tanong ko,ngumiti naman siya at nilapitan si Neomi bago hinimas ang tiyan nito.

"eto, masaya, kailan kayo magpapakasal ni Elijah? Balita ko engaged na kayo ah" tumili naman si Neomi, at tumawa si Elizard, ang sweet nila.nakakainggit.

"si Elijah lang ang hinihintay ko, by the way, ang sweet nyo naman" sabi ko, hinalikan ni Elizard si Neomi sa pisngi dahilan para mamula siya, hindi ko naman mapigilan na hindi kiligin sa kanila, bagay na bagay talaga, gwapo at maganda.

"sige, dito muna kayo, busy pa ako e!" sabi ni Elizard at umalis na. Napangiti naman ako kay Neomi.

Pagkatapos kong pumunta sa opisina nila Elizard at kaagad akong umalis doon at naghintay ng masasakyan. Hindi na kami nagkikita ni Elijah sa loob ng tatlong buwan, ewan ko kung ano ng nangyari sa kanya. Nag focus nalang muna kasi ako sa sarili ko at nagtatrabaho ako ngayon sa isang hotel, bilang manager.

Masaya naman ang naging buhay ko, hindi na rin nagtatanong sila papa sa akin tungkol kay Elijah, kasi alam nilang cool off muna kami. Hindi din naman ako pinupuntahan ni Elijah, kaya eto.

Nang makasakay na ako ay Dumiretso ako kila Gracel na nasa trabaho parin, kinakabahan ako kasi, matagal na akong hindi nakakabisita sa building ni Elijah. Kung hindi lang talaga ako kailangan ni Gracel ay hindi talaga ako pupunta, pinilit lang din ako.

Ng makarating na ako ay nakita ko si Gracel na hinihintay ako. "hi!!!" sigaw niya at niyakayap ako.

"hello! So? Anong nangyari?" tanong ko at bumitaw sa yakap.

"lasing si Sir e,tulungan mo ako! please? Malapit ng gumabi oh! Alangan namang iwanan ko 'yun!" nakaramdam naman ako ng sobrang kaba.

"ahh okay" sagot ko, nanlalamig ako.

"palagi kasi 'yang naglalasing e, kasama sila Sir Ezekiel, ewan ko sa kanila mga alagad talaga ng alak! Pft"

Pumasok na kami sa Elevator papunta sa floor ni Elijah "talaga bang hiwalay na kayo?" napatingin naman ako kay Gracel.

"hindi ko rin alam, hindi naman namin napag-usapan na hiwalay na kami, basta hindi nalang kami nag usap bigla, ang dami din kasing problemang dumating" sabi ko.

Bigla namang tumunog ang elevator at lumabas na kami "wait Kath" sabi niya at tumunog ang cellphone niya.

"wait sagutin ko lang" tumango naman ako at lumayo siya kunti.

"ano?! Depungal ka! Oo sige! Wait lang!" bumalik naman kaagad siya sa akin, at desmayado ang mukha.

"sorry Kath, May emergency sa bahay, kailangan ko na talagang umalis"

"a-ah ganun ba? Okay lang Gracel, sige na ako na ang bahala"

"salamat talaga"

Umalis na siya at ako naman at eto kinakabahan, kaagad ko namang tinatagan ang loob ko at pumasok sa opisina niya. Nakita ko siyang tulog sa sahig at bahagyang nagusot ang damit. He's wearing a white long-sleeve. Damn! Bakit ang gwapo niya palagi? Mas gumwapo yata siya ngayon.

"Elijah?" tawag ko sa pangalan niya at tinapik tapik ko ang mukha niya.

Makailang ulit kong tinawag ang pangalan niya, hanggang sa makadilat siya, tiningnan niya ako ng mabuti at umiling "hang over ampota!" sigaw niya at kaagad tumayo. P-puta?! Hindi na siya lasing?!

"hayst! Naghahallucinate na naman ako! Tangina! Gracel?" tanong niya sa akin, alam kong hindi siya makapaniwala na nakita niya ako, umupo siya at kumurap kurap.

"E-Elijah, ahm a-ano si Amariyah 'to" nakayukong sabi ko.

"ha? Matagal ng wala si Amariyah, nananaginip lang ako" sabi niya at pinukpok ang ulo.

"Elijah! Para kang tanga diyan! Umayos ka nga! Ikaw 'tong hindi na nagpapakita sa akin! Kung hindi ako pumunta dito. hindi mo rin ako makikita!, ang sama mo talaga! Ang selfish mo! ni pagbisita sa akin hindi mo magawa?! Dahil ano? Dumating na 'yung babaeng talagang mahal mo?!, sana man lang sinabihan mo ako na tapos na tayo kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako na pupuntahan mo! Umaasa ako na magpapaliwanag ka! Tangina mo!" galit kong sigaw sa kanya, nakita ko naman ang pag igting ng panga niya, at tumayo bago namulsa at lumapit sa akin, napaatras naman ako

"anong sabi mo? Na hindi kita kinakamusta? Na hindi kita pinupuntahan? Kung alam mo lang na halos araw-araw akong naghihintay sa'yo! Araw-araw kitang pinupuntahan sa bahay niyo! Pero anong napala ko? Wala! Kasi lumipat na kayo! Ikaw ang hindi nagpakita Amariyah! Kasi ano? Tinatakasan mo ako? Nasaktan kita! At nagiguilty ako! Mahal kita, mahal na mahal, at wala na akong ibang mamahalin Amariyah. nangako ako na hindi kita sasaktan, nangako ako sa mga magulang mo, pero akong nangyari? Nasaktan kita dahil sa katangahan ko!" sigaw niya.

Naramdaman ko naman ang pagpatak ng luha ko. Mali ko pala?

Maya-Maya pa ay naramdaman ko ang init ng yakap niya. Niyakap ko din siya, hinalikan niya ang noo ko

"I miss you so much, mahal na mahal kita. tandaan mo 'yan, hinding hindi kita iiwan at ipagpapalit, dahil nag-iisa ka lang, papanindigan ko ang pangako ko sa'yo"

"mahal din kita Elijah, mahal na mahal" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

I love him, only him.

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon