Kabanata 7

231 6 0
                                    

ELIJAH'S POV

"I want to make sure na safe siya sa bahay" wika ni Elizard, napatango din ako. Nandito kami ngayon sa bar at nag-uusap. sila Eljake naman ay busy sa trabaho.

"ako din, Mahirap na, nga pala paano mo napapayag si Neomi na tumira sa iyo?" tanong ko,nag smirk siya at napailing ako.

Elizard, sobrang matinik sa babae, pero ngayon nag-aalala sa iisang babae.

"she need a home, and I gave her. She need protection and I protect her, Elijah. so if you love a girl you need to protect her and never hurt her feelings, kaso alam kong naghihinala na si Neomi sa akin, matagal na kasi kaming hindi nakakapag-usap, sobrang busy ko sa trabaho kaya minsan ko nalang siya napapansin at nakaka usap. I know she's bored pero hindi siya pwedeng umalis" nagtaka naman ako,bakit hindi makaalis si Neomi.

"why she can't leave?" I ask him

"simply, she loves me" confident niyang sagot. napailing nalang ako, what if mahal ako ni Amariyah? Silly me, Malabo 'yun 'no! Ang sungit nga nun sa akin!

"next week na ang business trip natin, handa ka na ba?"

"of course, alam kong malulungkot si Neomi, and pagbalik natin, I'm planning to court her." tumawa naman ako sa sinabi niya. "tsk! Court Court! Hindi na uso 'yan ngayon, pakasalan mo kaagad!" biro ko.

"Neomi wants someone to court her."

"Well, don't be so coward. Do it kaagad and next wedding agad, If I were you hindi na ako magsasayang ng oras." wika ko. Napailing naman siya at bumuntong hininga.

Pagkatapos ng usapan namin ay Dumiretso ako sa opisina ko at pagod na sumandal sa aking upuan, gabi na kaya wala ng mga empleyado.

Nagtaka naman ako na bukas pa ang ilaw ng opisina ni Amariyah. Tumayo ako at sinilip ang loob nito, may ginagawa siyang sulat? Para saan?

Mukha siyang pagod at medyo magulo na ang buhok niya pero maganda pa rin, kinatok ang pintuan. bumukas naman kaagad ito at nakita ko siyang nag-uunat bago ako tiningnan at bahagyang lumaki ang mata.

"a-ahm, s-sorry po sir! A-ano po kasi hinihintay ko po kayo" taranta niyang sabi at niligpit ang nag kalat na mga papel.

"bakit naman? Gabi na ah? Kumain ka na ba?" kalmado kung tanong at namulsang pumasok sa loob.

"a-ano po kasi pwede po bang umalis ako saglit sa sabado, tapos balik lang po kaagad ako para samahan si Neomi? Kasi po susunduin ko po 'yung papa ko pagkaalis niyo po" sagot niya.

Bumuntong hininga ako, Tsk, papa niya 'yun kaya pagbibigyan ko siya.

"oh sige, Kumain ka na ba?" tanong niya ulit, umiling naman siya.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko, what the?! 10 pm na at wala pa siyang kain?! Magpapakamatay ba siya?!

"Kumain ka muna, magpapa-deliver lang ako" wika ko at nag order online ng pagkain, umupo siya at uminom ng tubig

"hindi! Okay na po ako! Tubig lang ang katapat sir! Ano kasi wala akong pera, pero uuwi na po ako, sa bahay nalang ako kakain" sabi niya at kinuha ang bag niyang nasa mesa. kaagad ko naman siyang hinarangan nang akma na siyang aalis.

Tinagilid ko ang ulo ko at pinasadahan siya ng tingin, gulat pa rin siya at umatras.

"sinabi ko bang umalis ka? Balik dun" utos ko Habang nakaturo ang hintuturo sa upuan, lumunok siya ng malalim at dahan dahang bumalik sa pagkakaupo

AMARIYAH'S POV

Gusto ko talagang mag maldita ngayon kaso pagod ako, sobra! Gumagawa pa ako ng sulat sa kanya! Tsk! Anong laman ng sulat ko? Pasasalamat lang naman 'yun sa pag tanggap niya sa akin bilang secretary.

Dumating na ang inorder niyang pagkain at aaminin ko na kanina pa ako gutom na gutom!.

Shit! Naglalaway na ako sa pagkain, at hindi ito fast foods!thanks makakain din ako ng kanin huwaaaa.

Nilapag na niya ang pagkain sa mesa ko at binuksan ito isa isa, nakakatakam ang amoy, pinagmamasdan ko naman siya Habang seryoso ang mukha sa pagbubukas ng madaming pagkain, at amoy alak siya

Confirm!! Uminom siya! At may babae dun panigurado. Ang gwapo niya Talaga pagmasdan. inggit tuloy ako, lalong bumagay sa kanya ang relo niyang mamahalin.

"Kumain ka na, ang payatot muna" lait niya sa akin.

Wow?! Makalait 'to!

"salamat ah, baka di niyo po alam ang salitang sexy" nakangising sabi ko, napa tsk naman siya at umirap kaya nilantakan ko na ang mamahaling pagkaing nakahain sa harapan ko.

Nakaupo lang siya sa harap ko at pinagkrus ang mga braso bago ako pinagmasdan. "ayaw mo bang Kumain sir? , share na tayo neto sir" alok ko, umiling naman siya.

Hayst. Bakit ang cold nitong si Sir?

Hinintay niya ako hanggang sa makatapos ako ng kain. "salamat talaga sir ah-"

"cut the sir Amariyah, alam ko naman na hindi ka komportable na tawagin akong sir" aba! Nagawa pang ngumisi kahit amoy alak.

"okay, mas prefer ko nga 'yun, Elijah. hindi na din naman ako makakatrabaho dito kasi nag resign na ako, thank you talaga" wika ko pero umiwas siya ng tingin at namungay ang mga mata bago nagsalita.

"you're welcome Amariyah, so? Let me drive you home?" pag-iiba niya ng topic.

"sure Sir este Elijah" nakangiting sabi ko at sabay na kaming pumunta sa parking lot.

Gusto ko siyang tanungin bakit parang malungkot siya pero hayaan mo na baka sabihin niya gusto ko siya. Ayoko pa namang maging kabit. As if naman papatol siya sa akin!

"lasing ka ba?" tanong ko nang makasakay kami sa sasakyan niya, umiling naman siya at nag suot ng seatbelt.

"I'm not, nakainom lang pero hindi ako lasing" nakangisi niyang sabi at sinuotan ako ng seatbelt bago pinaandar ang sasakyan.

Habang nasa biyahe ay napatingin ako sa relo ko, anong oras na? Ang ganda ng Street lights!!! Nakatanaw lang ako sa labas at nakangiting tinitingnan ang napakagandang langit! Ang dami pang stars!

"you wanna stare the stars?" tanong bigla ni Elijah, napalingon ako sa kanya at masayang tumango, I love star.

Hininto niya ang sasakyan sa isang tahimik na Lugar! Walang masyadong sasakyan at mga tao, gabi na kasi.

Nakatitig lang ako sa mga bituin nang makalabas sa sasakyan, siya naman ay nakapamulsa at Nakatitig din sa mga ito, bigla namang humangin. Napapikit ako, ito 'yung gusto ko, katahimikan. Napangiti ako.

Uuwi na si papa. Malapit na Amariyah, mayayakap muna siya. Magkakasama na ulit kami.

Pagmulat ko ay napalingon ako kay Elijah na nakatitig sa akin, ngumiti siya.'yung ngiting wala namang emosyon ang mga Mata.

"i just think, what would it feel when you are my girl" pagka sabi niya nun ay kaagad na nagsitayuan ang mga balahibo ko, at pag lakas ng tibok ng aking puso.

This is not good.

"H-Huh?"

"Wala. Just keep starin' at the sky" tanging saad niya. Pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yon ayoko lang siyang kulitin.

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon