AMARIYAH'S POV"taray mo girl!" sigaw ni Gracel Habang tinitingnan nila ang singsing ko
Makinang ang bato nito at sobrang ganda talaga "congrats anak" wika ni mama at niyakap ako, niyakap ko din siya
"thank you mama!" sabi ko, ngumiti siya sa akin at Hinaplos ang buhok ko, si papa naman ay seryosong kausap si Elijah sa kusina
"anak, masayang masaya ako dahil ngayon, natutunan mo ng magmahal, nakikita ko na ang ibang side ng anak ko hahaha"
"mama nakakahiya po"
"ate! Wahhhh! Ikakasal ka na!!! Huwaaa!! Mahal kita ate! My goodness!" sigaw ni Zelenia at napatakip ako sa tenga ko
Ang lakas sumigaw. "tangek! Hindi pa ako ikakasal! Papakasalan palang!"
"ganun ba? Pareho lang naman yun ah!"
"Tsk! Kahit na!"
"girl!?magkano kaya tung singsing mo?! Ang ganda talaga!" sigaw sa akin ni Grace, umirap naman ako
"diamond ba 'to?! Tara sangla natin girl!" tawa ni Josea
Sinapak naman siya ni Olivia "mahal talaga yan! Si Sir Elijah ba naman? Hindi yan bumibili ng peke!Hahaha" natawa naman kami
ELIJAH'S POV//
"kailangan mong panindigan ang desisyon mo iho, hindi basta basta, ang pinapasok niyo" seryosong wika ng tatay ni Amariyah na magiging tatay ko na din hahaha
"opo, alam ko po iyon, wala na po akong gustong makasama Habang buhay kundi siya lang po, at siguradong sigurado na ako" lakas loob kong sabi, ngumiti naman siya sa akin at tinapik ang aking balikat, kahit papano nakahinga ako ng maluwag
Hooo. Akala ko susuntukin ako sa mukha e, ako pa naman ang may pakana na papuntahin sila dito, hindi ko na inimbetahan ang mga kaibigan ko, para magulat silang lahat, Tsk. Kulang din dahil wala si Elizard, nag-aalala pa rin kami kasi hindi talaga namin mahanap si Neomi.
"wala bang pagkain diyan? Nagugutom na ako hahaha" natawa naman ako sa sinabi ni tito, umiling iling siya at nagtawanan kami
"meron po! Nagluto po si Amariyah, at may pina deliver po akong pagkain,tayo na po" masayang wika ko at sabay kaming pumunta sa sala kung nasaan sila.
Masaya silang nagkwekwentuhan kasama si tita, ang mama ni Amariyah "nga pala iho? Nasaan ang mga magulang mo?" baling sa akin ni tito, kinabahan naman ako
"matagal na po silang wala, nasa iba't ibang pamilya na po hahaha"
Nagulat naman siya at tiningnan ako ng may awa sa kanyang mga mata, fvck! Ayokong kinakaawaan ako!
"ganoon ba? Hindi mo ba sasabihin sa kanila na magpapakasal ka na?"
"sasabihin ko po tito, syempre magulang ko din po sila"
"mabuti naman kung ganoon"
Napabaling naman si Amariyah sa akin at tumayo "kain na tayo guys!" nakangiting yaya ko
"dumating na pala yung order mo, eto oh!" sabi niya at tinuro ang mga pinadeliver kong pagkain
"mabuti naman, dadalhin ko na to, mauna na kayo sa kusina" sabi ko, isa isa naman silang tumungo sa kusina Habang nagtatawanan, naiwan naman kami ng mama ni Amariyah
"tulungan na kita iho" alok niya at dinala ang ibang pagkain.
"salamat po tita" wika ko at nginitian ako
"walang anuman, simula ngayon, pamilya na tayo kaya, magtutulungan tayo palagi" napangiti naman ako at nauna na siyang tumungo sa kusina
"Naks! Ang dami ng pagkain sir ah!" tukso sa akin ni Josea, napailing naman ako
"nako! Wag mong tuksuin si Sir baka sesantehin ka niyan! Sige ka! Hahaha" si Olivia
"Che! Nandiyan naman ang backer natin, si Amariyah!" sigaw ni Gracel, at nagtawanan kaming lahat.
"ako kuya? Papapasukin mo ba ako sa kompanya mo, pag nakapagtapos na ako ng kolehiyo at mag - aaply ako sa iyo?" baling sa akin ni Zelenia, tumawa ako at nag-isip kunwari
"of course! Malakas ka sa akin e!" sabi ko, Kumain na kami Habang puno ng tawanan ang lahat at kansyawan.
Sa sandaling iyon, naramdaman ko ang magkaroon ng pamilya "hey? Okay ka lang? Bakit bigla kang natulala diyan?" tanong sa akin ni Amariyah na nasa tabi ko, ngumiti naman ako at umiling
"wala, may naisip lang, sige Kumain ka na" sabi ko.
Nagpatuloy pa rin sila sa asaran, hanggang sa sumali na sila tito at tita "nako! Humihilik yan si Amariyah pag pagod tapos natulog! Hahahaha" bulgar ni tita at panay ang tawanan namin, umirap naman at ngumuso si Amariyah
"hindi lang yun! Pumapadyak pa yan! Hahhaa" tukso ni tito
"papa! Mama! Akala ko kakampi tayo? Bakit binubulgar niyo na ang dapat sa atin atin lang! Huhuhu" nagtawanan naman kami sa sinabi niya
"ngek! Nag s-sleep walk ka pa nga ate e! Hahaha" dugtong ni Zelenia.
Napatakip naman siya sa mukha niya "nakakahiya!!"
"wag kang mahiya, madidiscover ko rin naman yun e hahaha" nakangising sabi ko, Sinapak naman ako, kahit kailan talaga to
"huy! Nakita ko nga na tulo laway yan matulog si Kath! Hahahhaa" bulgar ni Josea kaya mas lalo akong natawa
"kainis kayong lahat!!! As in!" pagmamaktol niya
Pagkatapos ng masayang kainan ay nagpaalam na silang uuwi "ingat kayo!" sigaw sa kanila ni Amariyah
"ingat ka ate, kuya" bilin ni Zelenia, tumango naman ako
"ingat kayo dito!!" bilin ng tatay at nanay niya, tumango naman kami at nakipag beso pa siya bago ko niyakap isa isa si tito at tita
"ingat girl!, ikaw din Sir! Baka next week mabalitaan nalang namin na buntis to ha!" sigaw ni Olivia, tumawa ako at umiling
"sana nga" sabi ko kaya nagtawanan sila
"ano?!" sigaw sa akin ni Amariyah, umiling lang ako at tumawa, bago ko sila hinatid sa labas.
"ingat kayo! Manong, pakihatid sila isa isa ha, siguraduhin mong makakauwi talaga" bilin ko sa driver, driver ko, sasakyan ko ang pinagamit ko, delikado ang mag commute
"yes boss"
"Tara na, gusto ko na talagang matulog" wika niya at humikab, ngumiti ako at pumasok na kami sa loob ng bahay bago ko nilock ang pintuan at sabay kaming tumungo sa kwarto, kaagad naman siyang humiga.
"umayos ka ng higa" utos ko, hindi naman siya gumalaw
"ano ba!!! Elijah! Gusto ko ng matulog! Wag mo akong gagalawin!" sigaw niya sa akin Habang inaayos ko ang pagkakahiga niya
"anong gusto mo? Sa sahig ako matulog?"
"edi joke lang! Matulog ka na"
"tsk.oo, goodnight"
"goodnight Elijah"
"goodnight"
"goodnight"
"good--kailan ba matatapos ang goodnight mo?" tanong ko
"kung mag a-I love you kana!"
"hehe, i love you so much".
"I love you too"
"goodnight"
"goodnight"
Hayst sarap mabuhay
BINABASA MO ANG
Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2)
RomanceElijah James Monteverde is a careless man, mahilig mantrip, babaero at walang pakealam sa lahat. But then Amariyah Kathleen Oliveros will show him another side of being a careful man Seductive Men Series #2