ELIJAH'S POV//Dumaan ang ilang linggo at nabalitaan nalang namin na buntis pala si Neomi. sobra ang galit ko kay Elizard, pero ng nalaman namin na nasa Canada pala siya at inaalagaan si Lalaine ay kumalma kami saglit, pero nandoon pa rin ang inis dahil mas inuna niya ang ibang babae.
Wala kaming nagawa kundi ang kontakin siya pero out of reach na ang cellphone niya, hindi man lang siya gumawa ng paraan para makontak kami o kaya para kamustahin man lang si Neomi.
"she's Pregnant, my doctor is the one who consulted her" wika ni Ejay
"damn?! She's really pregnant and we all know who is the father" sabi ni Ezekiel.
Napabuntong hininga nalang ako Habang nakaupo sa sofa dito sa opisina ni Ejay.
Lumagok ako ng alak at nagsalita "we need to support Neomi, kailangan natin siyang alagaan at protektahan" sabi ko, tumango naman sila
"Well, we can support her, pero paano si Elizard? Hindi natin ma contact, kailan naman siya babalik?" tanong ni Emman
"as far as I know siguro buwan" sagot ni Ezekiel
Napabuntong hininga kami at tinawagan si Ate Catherine, 'yung kasambahay nila Elizard, ngumiwi naman si Eljake sa pait ng alak na ininom
"hello po? Sir Elijah?" sagot ni Ate Catherine sa kabilang linya
"where is Neomi?, kumusta ang lagay niya? Mabuti ba? Nakakakain ba siya sa tamang oras?" sunod-sunod kong tanong, ngumiwi na naman itong mga kasama ko Habang nakikinig.
"sir, nako! Pasensya na po talaga kayo ah, si Neomi po kasi umalis, hindi po namin alam ang pupuntahan niya, gusto man po naming pigilan pero nagmakaawa na po. naawa po kami kaya pinabayaan nalang siyang umalis, tinanong po namin kung may pera pa siya, sabi naman po niya, marami daw po at kaya na daw niya ang kanyang sarili, sorry po sir" sabi niya, kaya nagulat kaming lahat at dali daling tumayo, pinatay ko na ang tawag at isa isa kaming lumabas ng opisina
"cancel all the meeting" sabi ni Ejay sa sekretarya niya, tumango naman ito.
"Zoey cancel all my appointments, thank you" sabi ni Ezekiel Habang katawag ang sekretarya, dali dali naming tinunton ang parking lot at isa isang nagpaharurot ng sasakyan
Dinial ko naman ang number ni Amariyah "hello? Elijah?" sagot niya
"cancel all my meetings and appointments,padadalhan nalang kita ng pagkain sa office, don't go home. ihahatid kita may urgent lang"
"P-pero, sabi mo sabay tayong mag la-lunch" kaagad naman akong nakonsensya, oh? Damn!
"please, urgent talaga 'to, importante, just eat okay? Wag kang magpapagutom. iloveyou, bye I really need to hang up"
"o-okay, t-take care" pagkasabi niya nun ay kaagad niya itong pinutol, damn! May susuyuin pa ako pagbalik!
Bigla namang nag ring ang cellphone ko, Eljake?
"tol?" sagot ko
"badtrip, nasiraan ako!" Inis niyang sigaw sa telepono.
"ano?! Tawag ka ng mekaniko!"
"oo tumawag na ako!"
"pakshet, bilisan mo, malapit na ako sa bahay ni Elizard"
"mauna na kayo, sunod ako, mag report ka nalang sa akin sa dadatnan mo"
"sige,ingat ka diyan"
"gago! Cringe!"
"aba! Bwisit ka!"
"hahaha bye"
Loko talaga, ako na nga ang concern ako pa ang masama?
AMARIYAH'S POV//
napabuntong hininga ako sa disappointment, aish! Saan naman siya pupunta?!, nanliligaw pa nga, wala pang oras sa akin.
So? Sabi niya ecacancel ko lahat ng meetings and appointments niya kaya ito sinusunod ko!
Bigla namang may kumatok sa pintuan pagpatak ng alas onse, "pasok" sabi ko
Bigla ko namang nasilayan ang mukha nila Olivia na nakangiti at may dalang lunchboxs
"ayeiii! Here comes the bride! Hahaha" sigaw ni Josea habang tumatawa
Nilapag na nila ang mga lunchbox
"ayan na po mahal na reyna ang inyong pagkain! Enjoy!!" tukso ni Gracel, umirap lang ako at pinipigilang ngumisi.
"kumustang buhay? Bilang nililigawan ni Sir Elijah?!!" tanong ni Olivia at umupo sila sa sofa, ngumiti naman ako
"anong nginingiti ngiti mo diyan! Sabihin mo na!!!!"
"aish! Atat ka talaga Gracel no?! Wait lang" sabi ko at umayos ng upo
Naghihintay naman sila sa sagot ko "syempre, nakakakilig! Tapos ang sweet niya sobra at.... Gentleman pa! Kaso minsan nakakakilabot ang ngisi niya, para talaga siyang manyak! Huhuhu pero gwapo talaga! Masaya nga sila mama at papa para sa akin!" nakangiti kong sabi
Napangisi naman sila at tinukso ako
"nga pala kumusta na si tito Doncio?"tanong nila
"okay na naman si papa, unti unti ng naghihilom ang mga sugat niya, palagi din siyang umiinom ng antibiotics niya at syempre hindi na siya nagtatrabaho, pina renovate kasi ni Elijah ang bahay namin" kwento ko sa kanila, totoo, para ko na ngang boyfriend si Elijah, parang hindi na niya kailangang sagutin kasi kampante naman siya na sasagutin ko siya huhuhu kaya ayun kung makaasta para talagang boyfriend
Pero thankful talaga ako sa kanya, sa lahat, sobrang matulungin! Kahit manyak minsan
"ayeeiii!sagutin mo na girl!" tukso nila, napangisi naman ako
"hjmmm? Siguro mamaya?" natatawang tukso ko sa kanila.
"o! M! G!!!!! Kyahhh! Sige na girl!" sigaw ni Olivia.
Nung nakaalis na sila ay nakangiti pa rin ako, mapupunit na talaga ang labi ko neto.
Habang kumakain ako ay biglang may pumasok sa opisina niya, omg! Opisina niya pala to.
"oh? Anyare sayo? Bakit para kang tanga diyan?!" tanong ko kay Elijah, na kakapasok lang. Oo! At mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura niya.
Umupo siya at simandal sa sofa
"fvck!nakaalis si Neomi!! Damn!! Buntis siya! Bwisit naman oh!" sigaw niya sa galit, natigilan naman ako.
Neomi na naman, buntis pala siya? saan naman siya nagpunta, ang alam ko sinabi sa akin ni Elijah na, umalis si Elizard ng walang paalam at kawawa si Neomi.
Alam ko naman na nakakaawa talaga si Neomi, pero bakit ba palagi nalang siyang ganyan?!
"o-okay lang ba siya?" kalmado kong tanong
"hindi ko alam, hindi na namin naabutan sa bahay ni Elizard, at walang nakakaalam kung saan siya pupunta! Fvck!"
Galit talaga siya. Tumikhim ako at sinarado ang mga lunchbox, nawalan na ako ng gana.
"Kumain ka ng marami Amariyah" sabi niya, at seryoso na siya ngayon.
"I'm full" malamig kong sabi. Umiling siya at tumayo,tinupi naman niya ang suot na long sleeve hanggang sa siko niya.
Nilapitan niya ako, as in sobrang lapit.
"nagseselos ka na naman?" tanong niya
No! I'm not!

BINABASA MO ANG
Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2)
RomansaElijah James Monteverde is a careless man, mahilig mantrip, babaero at walang pakealam sa lahat. But then Amariyah Kathleen Oliveros will show him another side of being a careful man Seductive Men Series #2