AMARIYAH'S POV
Maaga akong pumasok sa opisina para mamayang hapon ay masundo ko si papa.
Ngayon na kasi aalis sina Elijah. Elijah na bawal na daw ako mag sir sa kanya . nakangiti ako Habang inaalala 'yung gabing 'yun kung saan naging maayos ang lahat. Kahit sobrang curios ko sa sinabi ni Elijah ay pinagwalang bahala ko na lang ayoko ng mag overthink.
Nakangiti akong pumasok sa office niya, nagulat naman ako ng abutan 'yung babaeng nakayakap niya noong nakaraan. Hinanap ko naman si Elijah kaso wala, baka girlfriend niya 'to?
Nakangiti ang babae sa akin at nag salita "sooo? You are his Secretary?" tanong nito at pinasadahan ako ng tingin
"opo ma'am"
"what's your name?"
"Amariyah Kathleen Oliveros po" sagot ko, umarko naman ang kilay niya at tumango tango.
Nararamdaman ko naman ang kakaibang atmosphere. Ilang segundo niya akong tinitigan, bago nagsalita ulit "wala dito si Elijah, Amariyah nasa archi department siya as of now, what do you need?" kinabahan naman ako sa tanong niya
Umayos ako ng tayo at sumagot "ahm may sasabihin lang po ako, K-kasi po may appointment siya"
"appointment? Talaga? Awts sige ako na ang magsasabi, pero aalis na sila mamaya e, cancel the appointment"
Anoooo?! Sobrang importante ng client na 'yun tapos eca-cancel?! At 30 minutes lang naman ang meeting!
"ahhh hindi po 'yun pwede sobrang importante po kasi ng client tapos 30 minutes lang naman po,pupuntahan ko nalang si Sir" wika ko, tumawa siya at hinawi ang Magandang buhok
"really? Do you know who I am?"
"girlfriend po?" patanong kong sagot.
"nah! I'm his cousin!gosh!" panay ang tawa niya, napabuga naman ako ng hangin. akala ko girlfriend niya
Tawa lang siya ng tawa bago tumigil at bigla namang bumukas ang pinto, paglingon ko si Elijah!
"oh? Amariyah? Ano? Susunduin mo na ang papa mo? Hatid na kita doon" nakangiting aya niya, umiling naman ako.
"mamaya pa naman 'yun, may appointment po kayo Sir, 30 minutes meeting lang naman po" sabi ko, nag lakad siya palapit sa pinsan niya na nanunukso ang tingin sa amin.
Nagbeso sila at umupo ng maayos si Elijah, pinagsiklop niya ang dalawang kamay "kailan mo Susunduin ang papa mo?"
"pag meeting niyo po, aalis na po ako"
"ow? I told you Amariyah, cancel the meeting, I'm sure ihahatid ka nito" singit na sabi ng pinsan niya.
Tumawa naman si Elijah at tumango tango "yes, cancel it"
"p-per--"
"just do it" pagputol niya sa sasabihin ko, tumango naman kaagad ako at nag paalam na aalis na, nang makalabas na ako doon ay huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa opisina ko.
Habang nag mumuni muni ako ay tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko si Zelenia pala.
"hello Zel?" sagot ko
"ate? Nasa school pa ako, marami kaming gagawing activities. siguro hindi ako makakaabot sa pagsundo kay papa, pasensya na po talaga"
"okay lang zel, tapusin niyo muna 'yan, ako na ang bahala kay papa"
"thank you ate! Sige ate balik na ako! Bye, ingat kayo!"
"bye zel, ingat ka rin diyan"
Napabuntong hininga ako, after all sobrang hardworking ng kapatid ko. ewan ko bakit ang bait niya, sa aming dalawa siya talaga ang malambing, mataas ang pasensya at higit sa lahat maawain, nagmana siya kay papa. samantalang ako nagmana kay mama, masungit, maabilidad at minsan walang pake sa lahat.
Natulog muna ako saglit, dahil pag patak ng alas dos ay susunduin ko na si papa, naalimpungatan naman ako nang may humaplos ng pisngi ko. pag tingin ko, si Elijah pala, nakangiti siya sa akin, umayos naman kaagad ako
Shit! Mukha siguro akong manananggal kanina, tulo laway pa! Omg! "hindi ka pa nag la-lunch, so? I brought some foods for you and... It's 1:45 na, alas dos mo pa naman susunduin ang papa mo" ha?!! Patay!
"omg! Talaga?!! Aalis na ako!" sigaw ko at dinampot ang bag, pinigilan naman niya ako
"Kumain ka muna, don't worry ako ang maghahatid sayo and I promise hindi ka mahuhuli" wala akong nagawa at Kumain nalang, binilisan ko ang bawat pagsubo at sinusulyapan ang Wall clock.
Pagkatapos kong Kumain ay kaagad akong lumabas at sumunod si Elijah sa akin "bago ka pang kain Amariyah, dahan dahan lang, makakaabot tayo doon" pagpapaalala niya sa Akin, pero binalewala ko lang yun at pumunta sa parking lot
Kaagad naman niya akong pinagbuksan ng sasakyan at sumakay na din siya para mag drive. "don't worry, we'll get there" tumango lang ako at ngumiti sa kanya
Habang nasa biyahe ay panay kalabog ang dibdib ko, shit! What's happening?! Bakit sobra yata akong kinakabahan?
Naramdaman ko naman ang pag hawak ni Elijah sa kamay kong nanginginig, what's happening?!! "relax, we'll get there, relax"
Malapit na kami sa terminal ng bus ng biglang may nangyaring aksidente daw,kaya nahinto kami, sobrang nag-aalala na ako.
"wait here, magtatanong ako kung anong nangyari" sabi niya sa akin, tumango ako.
Nasa kalayuan naman ang aksidente pero bawal pa din daw'ng Dumaan ang mga sasakyan dahil malubha daw ang aksidente.
Nakita ko naman si Elijah na nakikipag-usap sa isang pulis Habang nakapamaywang at pabalik balik ang tingin sa relo niya, Maya Maya pa ay umiling iling ito at namutla. Bumalik naman kaagad siya at sinapak ang manibela ng sasakyan.
"a-anong nangyari?" tanong ko, umiling siya at tinitigan ako bago niya hinawakan ang dalawang kamay ko at tinitigan ang mata ko
"saang bus nakasakay ang papa mo, Amariyah?" mahinahon niyang tanong, kinabahan naman ako.
"y-yung bus na Galing cebu" kaagad naman siyang napahampas sa manibela at niyakap ako ng mahigpit.
Sobra nanamn ang kaba ko, bakit? "bakit Elijah? Bakit?" tanong ko
Huminga siya ng malalim "your father is involved in the accident, I'm sorry" sabi niya, kaagad naman akong napahigpit ng kapoy sa laylayan ng damit niya. No! This is not happening.
Gulong gulo ang isip ko, later on nadatnan ko nalang ang sarili ko na umiiyak. Shit! "sshh, I'm always here" Paalala niya
"asan na si papa?! Kailangan ko siyang puntahan! Elijah! Please!" humihikbing pakiusap ko, umiling siya
"dito ka lang,ako na ang bahala. tatanungin ko lang ang pulis kung saang ospital dadalhin ang mga pasyente, stay here" Paalala niya, wala akong magawa kundi matulala at umiyak.
Papa wag mo kaming iiwan.maawa ka.
Nakatingin lang ako kay Elijah na balisa at patuloy na nakikipag-usap sa mga pulis. Elijah, tulungan mo kami. Si papa.
Nanginginig ang buong katawan ko. Sana walang masamang nangyari kay papa. Gusto pa namin siyang makasama.
BINABASA MO ANG
Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2)
RomanceElijah James Monteverde is a careless man, mahilig mantrip, babaero at walang pakealam sa lahat. But then Amariyah Kathleen Oliveros will show him another side of being a careful man Seductive Men Series #2