Kabanata 3

275 6 0
                                    


AMARIYAH'S POV

"sir! May appointment meeting po kayo with mr. Vertugi, naka sched na po siya sa Venice Resto, ang time po ay 1:08 po" sabi ko Habang nakapandekwatro siya ng upo at pinaglalaruan ang baba Habang nakatingin sa Akin. as in! Sa akin! Ang kamanyakan nga naman! Ayokong magpa akit sa iyo! Sorry ka nalang Sir.

"okay, got it" sabi niya, napatango ako at napaturo ko ang ballpen sa pintuan.

"alis na po ako sir, anything you want? Coffee? Or softdrinks?" tanong ko, umiling naman siya at umayos ng upo

"just give me some fruits" utos niya, napatango naman ako at pumihit ng alis, prutas? Anong prutas nga naman ba? Ay? Babalik ba ako para tanungin siya? Ay! Boba talaga!

Dahan-dahan akong kumatok sa pintuan niya, Narinig ko naman ang pag singhap niya at pinayagan akong pumasok, napataas ang kilay niya ng makita ako

"a-anong klaseng prutas po ba?" tanong ko, ngumisi siya at lumapit sa akin, napaatras naman ako Habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin kaya nabangga ng likod ko ang pintuan kaya nasara ito. palapit pa rin siya ng palapit sa akin Habang namumungay ang mga mata

"ayoko na pala ng prutas, nagbago na ang isip ko" paos niyang sabi at kinorner ako sa pintuan, gulat naman akong napatingin sa kanya, sobrang lapit na ng mukha niya sa akin, kaagad ko naman siyang tinulak, kaya napaatras siya at tumawa.

May something ang lalaking 'to ah!

"just kidding" sabi niya at tumawa bago bumalik sa upuan niya, Habang ako naman ay tulala!

Umayos ako ng tayo at pinagwalang bahala nalang ang ginawa niya"so? Anong prutas po ba? Sir?" tanong ko ulit

"orange, at mansanas" sagot niya, napatango ako

"babalatan po ba?"

"oh yes! Thanks!" sagot niya, kaya umalis na ako doon, hoooo! Muntik na akong mawalan ng oxygen ah! As in oxygen!

Pagkatapos kong kumuha ng prutas at balatan ito ay tumungo na ako sa opisina niya.

"sir, eto na po" sabi ko at pumasok pero nagulat ako ng tulog pala siya. payapa ang mukha niya Habang nakapikit ang mata at naka nap sa mesa na puno ng iba't ibang dokumento.

Lumapit ako at hindi Gumawa nang ano mang ingay, tiningnan ko ang relo ko at mabuti naman na alas onse pa, mamaya pang ala una ang meeting niya. nilapag ko na ang prutas sa mesa niya at maingat na sinilip ang mukha niya, ang gwapo pa rin kahit na tulog.

"Ang gwapo mo po sir" bulong ko at tumawa ng mahina dahil sa kapilyahan ko, aalis na sana ako ng may humawak sa pulsuhan ko, pag tingin ko.

Omygod! Si Sir! Hinawakan niya ang pulsuhan ko bago nag angat ng tingin sa akin at pagod na ngumisi. uminit naman ang pisngi ko, watda?! Baka Narinig niya na pinuri ko siya?! Hindi pwede nakakahiya!

"I know I'm handsome but thank you for praising me" naka ngisi niyang sabi at ngumisi na naman bago tinanggal ang pagkakahawak sa akin at kumuha ng prutas na kaagad sinubo.

"akala ko po tulog kayo, sige po sir alis na po ako" paalam ko, nakangisi pa rin siya hanggang nakaalis ako

Huminga ako ng malalim dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko. Oh god!

ELIJAH'S POV

"bakit para kang tanga?! Ngayon ka lang ba napuri na gwapo?" tanong ni Ezekiel sa akin, nakangisi akong umiling. napakamot naman ng batok si Ejay

Kinwento ko sa kanila na Narinig kong pinuri ako ni Amariyah.

Nandito kami ngayon sa paborito naming bar, si Elizard, busy 'yun kasi may Neomi kaya nakakapanibagong wala siya, e matinik 'yun e

"seryoso? Baliw ka na ba? ang lakas naman ng tama mo doon sa sekretarya mo?, Tsk! Tutulad ka na naman kay Elizard! Pfft" tukso sa akin ni Emman, napabuga ako ng hangin at sumandal sa sofa Habang pinagmamasdan ang mga taong sumasayaw

"Tsk, Iba talaga ang epekto sa akin e, parang may something na, ahhh! Basta basta masaya talaga ako!" kinikilig kong sabi, napa ew naman sila

"ang boring at corny ng mga nagkakagusto, o kaya may jowa! Yaks!" nanadidiring sabi ni Eljake kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin

"seriously?! Eljake?! Pag ikaw nagkagusto 'ta mo!" sigaw ko sa kanya, umiling lang siya at tumawa

"hey, I need to go, may aasikasohin pa ako, gonna catch up with younext time" biglang singit ni Ezekiel

"wag mong sabihing pati ikaw may nagugustuhan na din?! Ewww!" Singhal sa kanya ni Ejay, umiling siya at bahagyang tumawa bago tinapik ang mga braso namin

"mag-ingat ka! Baka magahasa ka sa daan!" sigaw ko, tumawa siya at kumaway bago nawala sa paningin namin

"ahh! Anong nangyayari sa mga kaibigan natin? 'Yung dalawang 'yun, mukhang may sariling mundo. si Elizard at Ezekiel! Si Elizard palaging busy Tsk. If I know busy siya kay Neomi, at eto namang si Ezekiel palagi na ding excuse ang trabaho Tsk Tsk Tsk" usal ni Ejay, tumawa kami lumagok ng alak.

Alas onse na kami ng gabi nakauwi sa kanya-kanyang bahay kasi naparami ang usapan, nagulat naman ako ng madatnan si Amariyah na nakahiga sa sofa ko, kinusot ko ang mata ko, namamalik mata ba ako? Hayss Elijah, nasobrahan ka sa alak.

"aish! Manang!" lasing kong tawag kay manang. Nahihilo na ako! Tang---

Tumakbo si manang at inalalayan ako "sino 'yan? Manang?" turo ko sa kamukha ni Amariyah na nakahiga sa sofa, Maya Maya pa ay naalimpungatan ito at tumayo

"sekretarya mo 'yan, may gusto daw'ng sabihin sa iyo" sabi ni manang

"sabihin? Na ano? Na ang gwapo gwapo ko? Tsk! Alam ko naman 'yun Manang eh! Ikaw!" turo ko kay Amariyah na nakatingin sa akin. Madilim ang tingin niya kahit lasing ako pakiramdam ko galit siya.

"may something ka talaga! Umuwi ka na! Ay 'wag na pala baka pag tripan ka sa daan, bawal bawal kang umalis ngayon k-kashe akin ka lang! Naiintindihan mo?! Ajwosown" lasing kong Singhal sa kanya.

"ako na po manang, saan po ba ang kwarto niya?" sabi niya at lumipat sa pwesto ni manang so? Ngayon siya na ang kaakbay ko

"diyan sa pangalawang palapag iha, Pagkatapos ay lumiko ka pakaliwa at nandoon yung nag-iisang kwarto na kulay pula ang pintuan" turo ni manang sa kanya

Pagiwang giwang naman ang lakad ko Habang siya ay nakaalalay sa akin.

"ano ba 'yan sir! Dapat hindi ka na umiinom ng marami! Mukha ka na tuloy'ng ewan!, dahan-dahan lang sa pag lakad, makakarating din tayo sa kwarto mo" sermon niya, napangisi ako at natumba sa sahig.

"kainis naman 'to e!" iritang sigaw niya at tumayo sa pagkakatumba, nadala siya.

Hays. Ang sarap naman kung malalasing ako palagi tapos nandiyan siya. Hmm bukas iinom ako ng marami tapos papupuntahin ko siya dito! Nice idea pero masakit na talaga ang ulo ko.

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon