Kabanata 5

241 6 1
                                    


AMARIYAH'S POV

Makalipas ang ilang linggo kung pagtatrabaho bilang sekretarya ni Sir Elijah, at Pagkatapos nung nangyaring kabaliwan ay eto ako at nangangalumbaba sa opisina niya at hinihintay siyang dumating.

Maaga talaga akong dumating dito, para maabutan siya, kasi palagi siyang umaalis. Kasama daw 'yung mga kaibigan niya dahil importante daw? Daw lang.

Bigla naman akong napatayo ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang Gwapong mukha ni Sir. seryoso ang mukha niya at mukhang may problema, inayos ko ang skirt ko at ngumiti sa kanya.

"what are you doing here? Wala pa naman akong appointment right?" tanong niya, umiling naman kaagad ako at kinagat ang labi.

"ano kasi sir, may.... May sasabihin sana ako" panimula ko, tumaas naman ang kilay niya at umupo sa swivel chair, sumandal siya dito at pinagsiklop ang kamay bago ako tiningnan.

"ano naman?" tanong niya, lumunok muna ako ng malalim. Pagkatapos kong magbitaw ng mga salita noong nakaraan ay mas lalo kaming umaktong maka trabaho lang. I worked for him.

"mag re-resign na po ako" sabi ko at bumuntong hininga. Pagkatapos ay suminghap ako, kailangan kong umalis sa pagtatrabaho para maka focus sa pagbebenta namin ni mama, hindi na kaya ni mama na mag-isa lang siyang magtitinda sa bangketa.

Alam ko na mas malaki ang sahod dito at sobrang saya ko na dahil natanggap ako, kaso mas gusto ni mama na kasama ako palagi, mabuti nadin 'yun para mabantayan ko siya dahil maysakit siya. samantalang si Zelenia ay nagwo-working student para makatulong din sa amin.

Ngumunot ang noo niya at tiningnan ako ng malalim "why?" tanong niya at ngumisi.

Umirap ako at bumuntong-hininga "ayoko na po, mag hanap nalang po kayo ng bagong sekretarya, total naman po ay parang wala na naman po akong ginagawa dito, kaya aalis na po ako" mahinahon kong sabi.

Noong nakaraang araw ay nakipagkita kami Kay Elizard At kay Neomi, maganda at mabait siya kaso umalis sila at si Sir naman ay mag urgent na meeting kaya hindi kami naka pag-usap ni Neomi, gusto kasi nilang tumira muna ako sa bahay nila Elizard para may Kasama si Neomi.

"sige, pero patapusin ko muna ang business trip namin, kailangan ng kasama ni Neomi" sabi niya,Neomi? Ganun ka importante si Neomi sa kanya?

It seems like lahat sila ay nag-aalala kay Neomi. Napasinghap ako at tumango.

Last na 'to Amariyah, makakaalis ka na dito, ayoko na dito!! Pinipigilan kong Umirap at tinalikuran siya bago ko pinihit ang pintuan at lumabas doon, nakasalubong ko naman sila Gracel at Olivia. Hinila nila ako papunta sa office ko.

"anyare? Asan si Josea?" litong tanong ko.

"shhhh" pagpapatahimik nila sa akin, may tinuro naman siya, nanlaki ang mata ko ng makita si Sir Elijah na lumabas ng office at may sumalubong sa kanyang babae, maganda ito at mukhang mayaman, niyakap niya ito Habang tumatawa.

Pumikit ako Habang kumikirot ang puso ko, shit! This is not good! Kailangan ko ng mag resign!


ELIJAH'S POV

Nagulat ako ng malamang gusto na niyang umalis dito, Tsk. I won't let that happen Amariyah, you'll be forever tamed with me.

Nabusy kami nitong mga nakaraang araw nila Elizard para sa gagawing business trip, kailangan naroon talaga ako para makasiguradong makukumbinse ang client ng mga baril.

Nag-aalala naman siya kay Neomi at nag-aalala din ako kay Amariyah kaya napagkasunduan naming ipagsama nalang ang dalawa sa bahay nila para safe sila.

Gusto ko sana siyang pigilan sa pag-alis niya kaso baka bugahan ako ng apoy, mukhang badtrip kasi siya. O baka nagtatampo siya kasi di ko na siya napapansin? Tsk! Ang assuming ko naman.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko Habang nasa gitna ako ng pagmumuni-muni.

"yeah?" sagot ko, narinig ko naman ang mahinang tawa sa kabilang linya.

"Elijah! Ako 'to! Si Vanessa! Your cousin! Kumusta ka na? Nasa labas ako ng building mo!" natulala naman ako saglit at tumawa

"Vanessa?! Oh my god! I missed you!, pumasok ka na!" masayang sabi ko, narinig ko naman ang tawa niya at nakarinig ako ng katok. tumayo naman ako dala ang cellphone ko, nagulat ako ng makita siya na nakangiti.

Kaagad niya akong niyakap, napatawa ako "bakit di mo sinabi na dadating ka? Edi sana nagpa red carpet ako sa lalakaran mo!" biro ko at humiwalay sa yakap, pinalo naman niya ang balikat ko.

"ikaw talaga! Kahit kailan ka! Gumwapo ka yata ng sobra!"

"ikaw din! Ang ganda mo na! Parang di broken hearted ah!" tukso ko, ngumuso naman siya at umirap.

Si Vanessa ang pinaka close ko sa lahat ng mga pinsan ko, kasi nga same vibes kami, pero tanga lang to sa pag-ibig kaya eto na naman at single.

"alam mo! Papasukin mo nalang ako!" sigaw niya, iginiya ko naman siya papasok sa office ko, tiningnan niya ang kabuuan nito.

"bakit walang nagbago dito? Boring pa rin" wika niya at tumawa bago umupo sa sofa.

"anong boring? Hindi 'to boring! Kasi tumatapak ang paa ng babaeng mahal ko dito! akalain mo nga naman may mahal na ako" nakangisi at kinikilig kong sabi, lumaki naman ang mata niya at tinuro ako.

"oh my god! You're inlove?! With who?!" tarantang sigaw niya, umiling ako at ngumisi.

"alam mo Vanessa, ang ganda ng sekretarya ko" doon palang sa sinabi ko ay tumili siya.

"oh my god! I want to meet your Secretary!! Gosh!! Can't believe!" sigaw niya at nasapo ang noo, Maya Maya pa ay may kumatok sa pintuan.

Si Josea.

"anong sadya mo Josea?" tanong ko ng makapasok siya.

"ahm s-sir, a-ano P-po kasi" utal utal niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko

"ano?"

"nilalagnat po si Amariyah at kinuha po siya ng kaibigan niyang si Harris, eto po ang sulat niya.... At resignation P-po" gulat naman akong napatayo at kinakabahang tumakbo palabas ng office ko, hindi ko na napansin ang sigaw ni Vanessa, basta tumakbo nalang ako baka sakaling madatnan ko siya

At shoot! Nakita ko siyang may kasamang lalaki at gwapo ha! Sinakay niya si Amariyah doon sa sasakyan. kaagad ko namang pinaharurot ang sasakyan ko at sinundan sila.takte mong hayop ka, 'wag kang magkakamaling gawan ng masamang bagay si Amariyah, dadalhin kita sa empyerno.

Do not do anything bad Amariyah. Please don't break my heart. Alam kong sobrang bilis ng lahat ng pangyayari and this is my first time to feel it all. Ngayon lang ako lunod na lunod sa isang babae at ayoko ng umahon sa pagkalunod mula sa'yo.

I clinched my fist. Nagiging iba ang takbo ng utak ko ngayon. I need to calm down pero hindi ko kaya. Why?

Why Amariyah? Bakit kailangan mong lumayo sa akin?

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon