AMARIYAH'S POVUmalis nalang ako doon kesa makita pa siya at isa pa masakit ang ulo ko, hindi naman talaga ako nilalagnat. excuse ko lang 'yun, nag-iwan nalang din ako ng sulat at resignation letter ko. Mabuti nalang at natawagan ko si Harris.
Si Harris ay ang nakababata kong kaibigan, may girlfriend na siya. 'yung kaibigan ko din noong high school na si Danica.
They're both happy sa relationship nila. Habang ako ito, naguguluhan pa rin sa mga nangyayari sa akin. At sa kay Elijah. Ewan ko pero kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya kailangang pigilan ko na at ako na ang lalayo.
"so? Bakit ka umalis Kath?" tanong niya, they used to call me Kath, kesa sa Amariyah.
"ayoko na doon Harris. nakakainis, mas gusto ko kasing makasama si mama, nga pala salamat ah" sabi ko, ngumiti naman siya Habang nagmamaneho.
"welcome, nga pala tingnan mo nga 'yang nasa likod natin na sasakyan, kanina pa yan buntot ng buntot sa atin ah" nakangising sabi niya, bakit di siya kinakabahan kung may nakasunod?
Tiningnan ko naman ang side mirror, Halos mapasigaw ako ng makita ang sasakyan at makilala ito!
Sir Elijah!
"Harris? Ibaba mo nalang ako dito" taranta kong sabi, naguluhan naman siya.
"ha? T-teka? Bakit?, sino ba 'yan?" sunod sunod niyang tanong.
"Wala lang 'yan, sige na Harris Ibaba mo na ako dito, may bibilhin din ako para kay mama, nga pala pasensya na sa abala" pagkasabi ko, ay kaagad naman niya itong hininto at pinayagan akong umalis. panay naman ang paghingi ko ng pasensya.
Nang makaalis na si Harris ay kaagad akong nag lakad ng matulin para hindi masundan ni Sir Elijah, pero mukhang mali ako kasi ilang minuto palang ay may humila na ng aking kamay.
"you can't escape, bakit ba ang hilig niyong mga babae na takbuhan kaming mga lalaki? Ha? Halos mabaliw na ako kanina na baka 'di na kita abutan!" irita niyang sigaw at may diin ang bawat pagkakasabi niya Habang 'di inaalintana ang paglingon ng mga tao sa kanya.
Gusto kong umirap sa kanya pero nakapermi lang ito. Binawi ko naman kaagad ang kamay ko.
"bakit ba?" mahinahon kong tanong ngunit may diin.
Hinaplos niya ang kanyang buhok at suminghap bago ako tiningnan "wala, sige umalis ka na, 'yun naman ang gusto mo 'di ba? Ang takasan siguro ako?, sige lang mahahanap din kita" matalim niya akong tiningnan bago ako tinalikuran.
Nakatulala pa rin ako hanggang sa nakaalis na siya. What was that?! Anyare sa manyak na 'yun?!
Natauhan naman ako nang mag text si Olivia.
Olivia:
Kath! Effective daw yung resignation mo after five days.Anooooo?!hayst! Sige na nga! Basta sa five days na 'yan, ayokong makipagbati sa lalaking 'yun.
Ako:
Thanks Olivia!Kaagad naman akong umuwi sa bahay na gulong gulo ang isip, nadatnan ko naman si Zelenia.
"ate! Kumusta ang trabaho? Ba't ganyan ang mukha mo? May nangyari bang masama?" tanong niya, suminghap ako at umupo sa upuan na nakanguso.
Kumuha siya ng tubig at binigyan ako, ngumiti ako at tinanggap ito. "okay naman ang trabaho, ayun nakapag resigned na ako, pero effective for five days pa"
"Naks! Okay lang yan ate! Ganyan talaga 'yan, nga pala ate, may nakilala akong masungit na lalaki sa school, pero hindi siya student! Napaka antepatiko! Porket ang gwapo! Mayaman siya ate tapos mukhang ka schoolmate ko ang kapatid niya o girlfriend o kaibigan ewan!" pagkwekwento niya, napangiti naman ako. Zelenia is a type of sibling na grabe maka open up, feeling ko nga wala talaga siyang sekreto sa akin.
Palagi niyang kinekwento ang mga nangyari sa kanya, sa bawat araw,kahit college na siya ganyan pa rin siya sa akin para pa ring bata.
"hayyy nako Zelenia, alam mo may kakilala din akong ganyan, kaso di lang siya masungit! Manyak pa!" Inis kong sabi, napatawa naman siya.
"alam mo ate, parang lahat ng lalaki ngayon, manyak!" natatawang wika niya.
"nakakainis talaga!" sigaw ko at pumasok sa kwarto.
Naisip ko naman na, oo nga pala sasamahan ko pa si Neomi dahil business trip nila Sir.
Next week pa pala 'yun so? Matatagalan talaga ako!.
Hindi ko talaga alam kung bakit sobrang importante ni Neomi sa kanilang magkakaibigan. Iba kasi talaga.
Kinabukasan ay maaga akong pumunta ng opisina, naabutan ko naman ang natutulog kong boss, hindi ba siya umuwi kagabi?
Napansin ko din na ganun pa rin ang suot niyang damit kahapon, confirmed! Hindi nga siya umuwi kagabi. may nagkalat na mga basura ng pagkain sa mesa niya, kaya nilinis ko ito Habang naka nap siya at tulog sa kanyang mesa.
Umiling iling Ko at nilinis ang opisina niya, Dumiretso naman kaagad ako sa opisina ko nang matapos akong maglinis doon.
"ano?! Nakita mo ba si Sir Elijah?!" tanong ni Gracel sa akin, ngumiti ako ng pilit at tumango.
"heartbroken siguro si Sir! Ang sungit e!" nakangusong wika ni Josea, kumakain kami ngayon sa cafeteria ng building.
"hoy! Bakit ka ba kasi magre-resign?!ha?e maganda naman ang trabaho at sweldo mo dito!" sigaw sa akin ni Olivia Habang kumakain, Umiling lang ako.
"kailangan e, walang kasama si mama sa bahay at sa pagtitinda niya, ayaw niya kasing tumigil sa pagtatrabaho, kaya ako nalang ang titigil at tutulungan siya. sabagay para naman akong prinsesa dito, minsan lang ako utusan ni Sir, at minsan hindi na ako ang nagsasabi kung may appointment siya kasi 'yung kasamahan ko nalang ang nagsasabi, so? Parang wala akong trabaho. kaya na isip ko na imbes tumunganga dito ay samahan ko nalang ang mama ko, may sakit kasi si mama 'di ko pwedeng pabayaan" mahaba kong paliwanag, tumango-tango naman sila Habang nakikinig.
Suminghap ako at nagpatuloy sa pagkain. "naiintindihan kita Kath, siguro pag ako din nasa sitwasyon mo, gagawin ko rin 'yan" pag sang-ayon ni Gracel.
Magsasalita na sana ako nang makita ko si Sir Elijah na nagmamadaling tumakbo papalabas sa opisina.
Anyare sa kanya?
"siguro, pupuntahan na naman si Sir Elizard
baka pag-uusapan nila kung paano mapanatili ang kaligtasan ni Neomi, swerteng babae, kase lahat ng kaibigan nila ay inaalala siya" wika ni Olivia, naramdaman ko naman ang kunting inggit at the same time curious."bakit naman siya aalalalahanin?" tanong ko.
"harassed victim siya Kath, mabuti nalang at nasagip ni Sir Elizard" nagulat naman ako sa narinig ko, harrased victim?
Kawawa naman pala si Neomi, pero hanga ako kasi hindi bakas sa mukha niya ang trauma, ang ganda pa rin niya at ang blooming, masayahin din ang mukha niya parang wala siyang pinagdaanan.
I envy her bravery. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at tinext si Mama
Ako:
Ma, tama na 'yang pagtitinda. Uwi ka na.Mama:
Mamaya na mabenta kasi anak!Napangiti ako sa reply ni mama. Sobrang napakasigpag niya talaga kaya sobrang proud ako sa kanya.
Mama:
Nagulat ako nak sobrang daming namimili na ngayon sa paninda ko. May isa pa nga papakyawin daw ang paninda ko babalik lang daw siya.Napakunot ang noo ko sa text ni mama.
Ako:
Sino daw?Mama:
Elijah daw ang pangalanKaagad akong napapikit. Bakit niya ito ginagawa?!
BINABASA MO ANG
Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2)
Roman d'amourElijah James Monteverde is a careless man, mahilig mantrip, babaero at walang pakealam sa lahat. But then Amariyah Kathleen Oliveros will show him another side of being a careful man Seductive Men Series #2