Laurie's point of view
"Bes ano ng pipiliin ko?! Eto bang 'the catastrophic history of you and me' o itong 'a thousand pieces of you'? Gosh! Pareho silang maganda ih!" naguguluhang tanong ni Hayley sa'kin.
"Edi bilhin mo silang dalawa! Ka'tangahan mo rin e no?" naglakad ako palayo sakanya para lumipat sa ibang shelf at tumingin pa ng libro.
Nandito kasi kami ngayon sa National Book Store. Wala kaming pasok ni Hayley kaya naisipan naming mag mall.
"Pero bes, kapag parehas ko silang binili, wala na'kong pang a'allowance this week." napatingin ako sakanya habang hawak niya sa magkabilang kamay niya yung dalawang libro na pinagpipilian niya. Ewan ko ba sakaniya bakit ang hilig niyang magbasa ng mga ganung libro. Imagine ang mahal tapos kapag binili mo at kapag tapos mo ng basahin ano? nakakalat nalang basta? duh.
"Huwag ka nalang bumili at kumain na tayo. O diba? Edi may allowance ka na this week." sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Bes naman e!" parang naiiyak na siya. Pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa national book store ngayon dahil sa kaingayan ne'tong babaeng 'to. Fyi lang.
"Fine! Kahit hindi ako mahilig sa libro, mas nagagandahan ako dun sa 'the catastrophic' chuchu na yan." parang nag aalangan naman siya.
"Oh? tinulungan na kita ha? Ano? Bibili ka ba o lalabas tayo dito dahil nakakahiya na tayo at nagugutom na rin ako?" tinignan niya lang ako.
Maya maya'y naglakad na siya papunta sa counter, ako naman sumenyas ako na maghihintay ako sa labas ng NBS.
Anyway, I'm Laurie Lavetoria. 17 years old. First year college. :)
And yung kasama ko? She is Hayley Delafuente. My bestfriend. Also 17 years old and a first year college student. Magkaklase kami. Our course is culinary. Yes, a chef. :)
"Bes! Let's go. Nagugutom na rin ako e." biglang litaw niya sa tabi ko at hinila ako papunta sa isang restaurant.
Naghanap na kami ng mauupuan at nang makahanap kami ay tinawag na namin yung waiter para mag order.
Nang maka order na kami, nagkwentuhan muna kami.
"Bes kamusta na kayo ni Josh?" Josh Buenaventura is Hayley's boyfriend. 1 year na sila. Mabait si Josh at maalaga sa babae. Bukod don ay ginagalang niya at nirerespeto ang mga kababaihan. Mayaman din sila katulad namin. Pero hindi namin ipinagmamayabang yung yaman namin, Normal pa rin yung pakikitungo namin sa iba. :)
"Okay pa naman. Wala namang nagbabago at wala ring magbabago." nakangiti niyang sagot. Bakas sa mukha niya ang saya. Hays kailan ko kaya makikita yung sa akin? T_T anyway, NBSB ako. Proud ako no. Duh. hahaha
"Mahahanap mo rin yung sayo bes. Don't worry, nas'sense ko. hahaha" nababasa niya ba yung iniisip ko? grabe tong babaeng to. hahaha
"Sana nga."
Dumating na yung order namin at nagsimula ng kaming kumain.
"bes, restroom lang ako ha." tumango naman ako.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko ng biglang nag vibrate yung phone ko.
Kuya Lindon, calling...
sinagot ko naman agad yun.
"Hello kuya?"
[Asan ka? Hinahanap ka na ni Papa e.] he is Lindon Lavetoria. My forever mabait, mapagmahal, maalaga and not so strict brother. hahaha.

YOU ARE READING
When I met you
Teen FictionNangyari ang lahat magmula nung makilala ko siya. Bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sakanya. Maibabalik ko pa kaya ang nakasanayan ko o mananatili nalalang ako sa sitwasyon ngayon?