Chapter Seven

84 3 0
                                    

Author's note: Hi guys. New cover. Hahaha! Just please continue reading. Here's the chapter 7. Enjoy! :)

_____


Laurie's point of view

                                                           

"Kuya dali na! Samahan mo na'kong mag grocery!" pagpupumilit ko kay kuya. Wala pa rin kasing pasok, seminar pa rin ng mga teachers. Ang tagal nga e!

Kami lang dalawa ni kuya ngayon sa bahay. Well, except sa mga maids and drivers. Maaga kasi umalis si papa. Emergency daw sa office. Ewan ko ba dun kay papa. Sobrang workaholic. Nawawalan na siya ng time sa'min.

"Ikaw nalang mag isa. Pahatid ka nalang sa driver. Tinatamad ako e." aniya habang nakaupo sa sofa sa sala habang nanunuod nanaman ng basketball. -_-

"Hays. Kuya naman e! Bahala ka nga dyan!" pagdadabog ko. Tumalikod na ako sakaniya at akmang maglalakad na ako papunta sa taas nang bigla siyang magsalita, "Tsk! Sige na nga! Maliligo lang ako." tsaka niya ako nilagpasan at umakyat na sa taas para pumunta sa kwarto niya. Yiieee. Hahaha! Ang galing ko talaga.

Maya maya'y bumaba na siya, "Ano bang bibilhin mo? E kaka grocery lang ni manang nung isang araw." tsaka na siya lumabas at dumiretso sa garahe para sumakay sa driver's seat.

Sumakay naman na ako sa shotgun seat. "Bibili lang ako ngmga ingredients na gagamitin ko mamaya pag nag practice ako. Dessert kasi yung category na nabunot. Ikaw tagatikim kuya ha? Gaya ng dati." dahil nga may seminar ang mga teachers, tinext nalang nila kami about dun sa nabunot na category. Tango nalang ang sinagot niya sa'kin atsaka na pinaandar yung kotse at nagdrive.

"Siguraduhin mong masarap ang mga ipapatikim mo sa'kin ha?" banggit ni kuya habang nag d'drive.

"Oo naman kuya no! Ang sarap sarap ko kayang magluto! Ikumpara mo sa luto mo. Pwe." pang iinis ko. Haha. Kung ako magaling at masarap magluto, si kuya kabaligtaran. Yung tipong kahit gutom na gutom kana, hindi mo pa rin kakainin yung luto niya dahil pangit talaga yung lasa. hahaha.

"Nag i'improve na kaya ako!" pagmamayabang niya pa. Hahaha.

"Well, good for you. Haha!" napatawa nalang siya.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa mall. Pinark na niya yung kotse tsaka kami bumaba at pumasok sa loob.

Dumiretso na kami sa supermarket. Kumuha ako ng push cart at naglakad lakad na. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Kuya.

Lagay lang ako ng lagay ng mga ingredients na gagamitin ko nang biglang magsalita si kuya, "Rie, kuha lang ako ng gatorade ha? Para may iinumin ako tuwing practice." pagpapaalam niya.

"Sige kuya. Huwag mo'kong iiwanan ah?" natawa naman siya. Aba naman, malay ko bang iiwanan niya lang ako diba.

"Ofcourse not. Sige, just wait me here." tumango nalang ako tsaka siya tumakbo papunta sa may mga beverages.

Chineck ko yung mga nilagay ko sa cart ko. Bakit parang may nakalimutan ako?..... Oo nga pala! Almonds!

Pumunta ako sa chocolate section. Nang may makita na'kong almonds, kumuha na ako at nilagay sa cart. Paalis na sana ako nang may bumangga sa cart ko, pag tingin ko si Rizzy. Kasama si Elisse. -_-

"Oops! Sorry! I didn't mean it." tsaka siya ngumiti ng peke. Gaya ko, may tulak tulak din silang cart.

"I'm not asking." maglalakad na sana ako paalis nang higitin ako ni Elisse pabalik.

When I met youWhere stories live. Discover now