Chapter Four

91 4 0
                                    

Laurie's point of view

                                                   

Nanunuod lang kami nila Hayley at Misty dito sa sala ng bigla na namang sumigaw si tita.

"Hayley! Nakahain na ang pagkain! Halina kayo dito!" rinig naming sigaw ni Tita.

Tumayo naman na kami at pumunta sa dining room. Nadatnan namin dun si tita na nakaupo na, at parang kami nalang ang hinihintay.

"Oh, maupo na kayo." sabi ni Tita. steak and Beef broccoli yung niluto niya. Mayaman rin sila tita, ayaw niya ng nagpapaluto sa mga maids nila.

"Mukhang masarap yung niluto mo tita ah." sabi ko pagkaupo ko.Ngumiti nalang si Tita.

Habang kumakain, nagk'kwentuhan kami. Nang biglang magtanong si tita, "Bakit hindi mo kasama ngayon si Josh Hayley? Is there any problem?" umiling iling naman si Hayley.

"May klase pa kasi sila ma, and may practice silang Basketball later. Oh, oo nga pala ma, Baka ma'late akong umuwi later kasi hihintayin ko siya." napatango nalang si tita.

"Ate diba sabi mo magb'bonding tayo later?" singit ni Misty.

"Don't worry. Pagdating ko." nginitian niya si Misty.

After naming kumain ay nagpaalam na kami kay tita na babalik na kami sa school. 2 o'clock na rin kasi.

Sumakay na kami sa kotse ni Hayley.

"Bes, daan muna tayong coffee shop? Maaga pa naman e. I'm craving kasi for frappe." sabi ni Hayley habang nag d'drive.

"Sure. Bibili na rin ako." tumango nalang siya at dumiretso na kami sa coffee shop. Pinark na niya yung kotse niya atsaka kami bumaba.

Pagkatapos naming mag order, umupo muna kami para hintayin yung order namin.

Naunang binigay yung order ni Hayley, "Bes una na'ko sa sasakyan ah? Nakalimutan ko kasi phone ko dun. Baka nag text si Josh."

"Sige. Hintayin ko nalang yung sa'kin." naglakad na siya palabas ng coffee shop.

Maya maya'y binigay na rin yung order ko. Tinignan ko yung oras, 2:34 na. Gosh baka ma'late kami.

Kinuha ko na yung order ko at nagmadaling lumabas nang biglang may nakabangga sa'kin dahilan para mapaupo ako sa sahig at matapon yung frappe sa blouse ko. omg! wala na'kong extra blouse!

"Sht. Sorry miss!" napatingin ako dun sa lalaking nakabangga sa'kin.

O_O gosh! Ang gwapo niya. ♥.♥

Tinulungan niya akong tumayo habang pinupunasan ko ng kamay ko yung damit ko. Wala pa man din akong panyo, naiwan ko ata sa kotse.

"Sorry talaga miss. Hindi ko sinasadya. Uhm — may extra blouse ka pa ba? Kung wala, magbibigay nalang ako ng pambili ng extra shirt. Sorry talaga." tumingin ako sakanya, pakers. Ang gwapo talaga. hahaha

"No need. I can manage myself. Sorry rin, nagmamadali kasi ako." pinagpag ko ulit ng kamay ko yung damit ko. Shocks! Yung white kong blouse naging brown na ngayon dahil dun sa chocolate frappe. T_T Paano na ngayon 'to?! Hindi naman ako pwedeng umuwi kasi mal'late na'ko. Hindi rin naman ako pwedeng pumasok ng ganito kasi nakakahiya. Gosh!

Napatigil ako ng abutan niya ako ng panyo. Omg. "Take this, hindi ko pa naman nagamit." wala na'kong choice kundi kunin yun. Alangan namang magpaka choosy pa'ko diba? kapag ganun, grab the chance agad hahahaha charing!

When I met youWhere stories live. Discover now