Laurie's point of view
Wala kaming pasok ngayon. May seminar daw lahat ng teachers. Grabe ang boring dito sa bahay.
Nandito kasi ako sa kwarto ko, nakahiga pa rin. Ano kayang magandang gawin?
Dina'ial ko yung number ni Hayley,
[Hello bes?] mukhang kakagising lang niya.
"Hi bes. Goodmorning! Mall tayo?" pag aaya ko.
[Sorry bes. May lakad kami ni Josh ngayon e. Kung gusto mo, sumama ka nalang sa'min?" umiling iling naman ako na para bang nakikita niya.
"Hindi na. Makaka'istorbo lang ako sainyo for sure. hahaha! Sige na. Bye bes! Ingat sa date ha." narinig ko naman siya tumawa mula sa kabilang linya.
[Baliw ka talaga. Hahaha! sige, bye bes. Mwa!] then I hang up.
Shocks! Ano kayang pwedeng gawin? T_T
Bumaba na'ko at pumunta sa sala. Mamaya na'ko magb'breakfast.
Umupo ako at binuksan yung tv. Spongebob. hahaha.
Nanonood lang ako magdamag, tumingin ako sa relo ko, 12:16 na. Hindi na pala ako nakapag almusal.
Nakita ko namang pababa si kuya mula sa hagdan. Aba, bihis na bihis. Saan siya pupunta?
"Kuya! Saan ka pupunta?" tanong ko, pagkaupo niya sa tabi ko.
"Mall. May lakad kami ni Xiara." ate Xiara is kuya's girlfriend. Kinikwento siya sa'kin ni kuya. I want to meet her nga e.
"Pwede ba akong sumama? Please kuya? Hindi ako manggugulo. And I want to meet her also. Please?" *insert puppy eyes* hahaha
"Okay fine. Maligo kana. Dalian mo ha? Iiwanan kita!" tumango tango naman ako.
"Thank you kuya!" then I hugged him. Atsaka na'ko umakyat sa taas para magbihis.
***
Brent's point of view
Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.
Ugh! Natutulog pa'ko e! T_T
"Hi my oh so handsome cousin!" salubong ni Ate Xiara pagkabukas ko ng pinto. Yes, pinsan ko siya. Bakit nandito siya?
"Anong meron? Ate naman eh! Natutulog pa'ko!" pagdadabog ko. Close kami ni Ate Xiara. Kapatid na rin ang turing ko sakaniya. Wala naman kasi akong kapatid.
"I miss you too! Tara sa Mall? Samahan mo'ko please? And diba sabi mo gusto mong ma'meet yung boyfriend ko? Magbihis kana dali!" dire-diretso niyang sabi.
"Ate makakaistorbo lang ako sainyo. Ikaw nalang." atsaka ako bumalik sa kama at humiga tsaka nagtalukbong ng unan.
Naramdaman ko namang niyugyog yugyog niya ako. "Brent dali na! Mag s'shopping ako mamaya. Wala akong tagabitbit." narinig ko naman siyang tumawa.
Napabangon naman ako dun sa sinabi niya, "What? Sinasama mo'ko para lang may tagabitbit ka mamaya? Are you crazy?" pumunta ako sa cr at naghilamos. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

BINABASA MO ANG
When I met you
Teen FictionNangyari ang lahat magmula nung makilala ko siya. Bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sakanya. Maibabalik ko pa kaya ang nakasanayan ko o mananatili nalalang ako sa sitwasyon ngayon?