Laurie's point of view
"Bes I'm sorry talaga. Hindi man lang kita naipagtanggol. I'm really sorry." sabi ni Hayley habang umiiyak.
"Baliw ka talaga. Okay lang yon. It's not your fault bes. Huwag kang mag-sorry." tinignan ko siya at patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ewan ko ba sakaniya. Nag-iiyak na siya nung pinuntahan niya ako dito sa clinic ng school.
Habang sinasampal ako ni Rizzy kanina ay biglang dumating ang mga teachers at pinigilan agad si Rizzy. Nang makita nila ako, agad nila akong dinala dito sa clinic. Nagpapasalamat nga ako at dumating sila kung hindi siguro wala na'kong pisngi ngayon. Hahaha joke oa lang.
"Bakit kaba nag iiyak dyan? Para kang baliw." natatawang tanong ko sakaniya nang hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.
"Eh pano kasi bes may pasa ka sa may bandang labi oh. Hindi ko tuloy mapigilang sisihin yung sarili ko dahil wala ako sa tabi mo nung mga oras na ginawa niya sa'yo yan." pinunasan ko yung pisngi niya at ngumiti.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. I'm so thankful nga kasi nandito ka ngayon sa tabi ko at binabantayan ako." tumigil na siya sa pag-iyak at nginitian rin ako.
Tumingin ako sa salamin dito sa gilid ko at tama nga si Hayley. May pasa ako sa may bandang labi ko. Kung titignan mo, para akong sinuntok ng kung sino pero hindi mo iisiping sampal 'to. Ganon na ba kalakas yung sampal ni Rizzy para magkapasa ako?
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nag away kami ni Rizzy, physically. Ano bang nangyayari sakaniya? Hindi na talaga siya yung Rizzy na minsan ko ng naging bestfriend. Ibang iba na siya.
"Bes." napatingin ako nang tawagin ako ni Hayley at parang kinakabahan siya.
Nagulat ako nang mapatingin ako sa may likuran niya.
"Kuya..."
"Sige. Labas muna ako bes ha. Nagtext si Josh eh. Sige Kuya Lindon." pagpapaalam ni Hayley atsaka na naglakad palabas.
"Anong nangyari?" mahinahong tanong ni kuya pero sa puntong 'to alam kong galit siya at nag aalala. Pinipigilan lang niya.
Hindi ako umimik. Natatakot akong sumagot. Natatakot ako na baka magalit siya sa'kin. Natatakot ako na baka kung anong gawin niya kay Rizzy. Kahit naman ganun yung ugali ni Rizzy, I'm still worried na baka kung anong gawin sakaniya ni kuya.
"Laurie." napatingin ako sakaniya at nakatingin rin siya sa'kin. Seryosong tingin. Wala akong choice kundi sabihin dahil alam kong kapag hindi ko sinabi ay lalo lang magagalit si kuya.
Kinwento ko lahat. Magmula dun sa report hanggang sa sabunutan namin kanina.
"What?! Bakit hindi mo sinabi sa'kin?! Kaya ba may pasa ka ngayon dyan sa labi mo dahil sa sampal niya?! Di ko 'to mapapalagpas! Asan siya?!" sigaw ni kuya pagkatapos kong ikwento sakaniya ang nangyari. Halata mong galit na galit siya.
"Kuya! Huwag na please! Okay naman na ako." pinigilan ko siya dahil baka kung anong magawa niya.
"Hindi! Hindi pwede! Kailangan ko siyang makita! Sumusobra na talaga yung babaeng yon! Ako nga hindi ka sinasaktan tapos siya sasaktan ka ng ganun ganun lang?!" sobrang galit na si kuya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero pinilit ko pa rin siyang pigilan.
"Kuya please! I'm begging you. Huwag please. Hayaan nalang natin siya. Please kuya." hindi ko alam pero bigla nalang akong umiyak
Nilapitan niya ako atsaka niya ko niyakap.
"I'm sorry Laurie. Wala nanaman ako sa mga oras na kailangan mo ako. I'm so stupid dahil hinayaan kong masaktan ka. I'm really sorry. Pakiramdam ko wala akong kwentang kuya dahil hinayaan ko lang na saktan nila ang kapatid ko. Hindi man lang kita naipagtanggol. Sarili kong kapatid hindi ko man lang maprotektahan. Sorry. I'm really sorry." naramdaman kong basa yung balikat ko. Umiiyak siya. Umiiyak si kuya.
"Kuya hindi totoo yan. Huwag mong isipin yan. Wala ka namang kasalanan. Lahat naman ginagawa mo para sa'kin. Kaya huwag mong isipin na wala kang kwentang kapatid dahil hindi ka naman nagkulang sa pagiging kuya mo sa'kin. For me, you're the best kuya in the world." kumalas ako sa pagkakayakap at pinunasan ko yung mga luha niya. Nginitian naman niya ako.
"Thank you Rie." ngumiti nalang ako pabalik.
"Ang pangit mo palang umiyak. Ako na kuya mo gwapo tapos makikita nila yung kapatid ko pangit? Grabe nakakahiya naman yun." sinamaan ko naman siya ng tingin. Nang aasar nanaman siya.
"Ang yabang mo talaga kuya Kinakahiya mo na pala ako ngayon ha?!" Tumawa siya. Oh ngayon naman tumatawa siya? Samantalang kanina ang drama niya. Abnormal talaga.
"Joke lang. I love you Rie." ginulo niya yung buhok ko.
"I love you too kuya." atska ko siya niyakap ulit. Alam kong ginagawa lang ni kuya 'to para mapasaya ako. I'm really blessed and thankful to have a brother like him. My best kuya ever.
***
Hayley's point of view
Nagpaalam muna ako kila Laurie at sinabing nagtext si Josh kahit hindi naman talaga. Alam ko naman kasing kailangan nila ng oras para makapag usap. Knowing kuya Lindon, grabe siyang magalit lalo na kung tungkol kay Laurie.
Nung nalaman kong nasa clinic si Laurie ay pinuntahan ko agad siya dun. Nang makita ko siya, sobra akong nag aalala kaya naisipan kong tawagan si Kuya Lindon at sabihing nasa clinic si Laurie kahit na alam ko namang ayaw ni Laurie na ipasabi.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa 'to ni Rizzy sakaniya. Napakasama talaga nung babaeng yon! Nakakairita! Gusto ko siyang kalbuhin dahil sa ginawa niya kay Laurie. Gusto ko siyang sampalin ng sampalin hanggang sa matauhan sa mga pinag gagawa niya.
Naglakad lakad lang ako papunta kung nasaan man siya.
"Anong kailangan mo?" tanong niya nang makita ko siya.
"Mag usap tayo." inirapan niya ako tska ngumisi.
"For what?"
"Sa mga pinag gagawa mo. Anong bang problema mo?!" tumawa lang siya.
"Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawa sa'yo."
"Sa'kin wala pero kay Laurie meron. Bakit hindi ka nalang ba manahimik ha?!" nginsian lang niya ako.
"Magalit ka kung may ginawa ako sa'yo. Pero wala naman diba? Ikaw ba si Laurie? Ano bang pakealam mo sa ginawa ko sakaniya? Kaibigan ka lang. Huwag kang umasta na akala mo superhero. If i know, hindi ka naman talaga niya totoong kaibigan." sabi niya.
"Huwag mo akong igaya sa'yo na walang ibang ginawa kundi mainggit at manloko. May pake ako sakaniya dahil kaibigan ko siya. Sana makuntento ka na sa pang gugulo mo sa buhay niya noon at ngayon. Dahil kung hindi, ako ang makakalaban mo." walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naka ngisi lang siya.
"Ohmygosh! Dapat na ba akong matakot?" tumawa siya at dahil hindi na'ko makapagtimpi ay sinampal ko siya. Halata mong nagulat siya sa ginawa ko pero bakas rin sakaniya ang pagkagalit kaya sinampal rin niya ako.
"How dare you! Hindi ko ginulo ang buhay niya! Gumaganti lang ako sa mga ginawa niya!"
"Nababaliw ka na talaga. Wala siyang ginawa sa'yo!"
"You bitch! Huwag kang umasta na akala mo alam mo ang lahat!" sigaw niya at sinampal ko nanaman siya, "That is for slaping me." sinampal ko siya ulit, "That is for your bitchy attitude." at sinampal ko pa siya ulit, "And that is for ruining my bestfriend's life." halata mo sakaniya ang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Nginisian ko lang siya atsaka na tumalikod at naglakad palayo.
Bagay lang sa'yo yan Rizzy. Dahil sa mga ginawa mo, kulang pa yan.
_____
A'n: Hi readers kamusta? :) I'm near in the climax yay! Thanks for those who support my story. :)
vote. comment. spread.
All the love. N

ESTÁS LEYENDO
When I met you
Novela JuvenilNangyari ang lahat magmula nung makilala ko siya. Bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sakanya. Maibabalik ko pa kaya ang nakasanayan ko o mananatili nalalang ako sa sitwasyon ngayon?