Chapter Three

103 3 0
                                    

Laurie's point of view

                                         

*Kriiinnngggg! Kriiinnngggg!*


  Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Tinignan ko kung anong oras na, It's seven o'clock. Pinatay ko na yung alarm clock ko na nakalagay sa bed side table at bumangon na mula sa pagkakahiga.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Pagkatingin ko sa salamin, shocks! Namamaga yung mata ko. Siguro sa kakaiyak ko kagabi dahil sa nangyari sa'min ni kuya.

Tama nga si Hayley, iniisip lang ni kuya ang kapakanan ko. Hays, Ano bang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga salitang yun kay kuya? Hindi ko man lang naisip na nag aalala lang sa'kin si kuya. T_T

Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa sink at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kailangan kong makapag sorry kay kuya, feeling ko kasi hindi ko kaya kapag hindi kami naguusap o nagpapansinan man lang. Gosh. Ano ba kasing ginawa ko?! T_T Kasalanan ko talaga to e!

Naglakad na'ko palabas ng banyo at humiga ulit sa kama.

Anong gagawin ko?! Gosh. "Nakakaasar ka Laurie!!!!" sigaw ko. Feeling ko ang sama-sama kong kapatid! >.<

Tumayo na'ko at lumabas ng kwarto ko para mag breakfast. Pagdating ko sa dining area, si papa palang ang nandun. Wala pa si kuya.

"Goodmorning pa." lumapit ako kay papa at kiniss ko siya sa pisngi.

"Goodmorning. Anong oras yung pasok mo?" tanong ni papa sa'kin habang humihigop siya dun sa kape niya.

"mamaya pang 9 pa." pinagserve ako ng milk nung isa sa mga maid namin pagka-upo ko.

Tumango tango naman si papa. Nagk'kwentuhan lang kami ni papa habang kumakain nang biglang dumating si Kuya. Naka uniform na siya. Bakit ang aga niya atang nakabihis ngayon?

"Goodmorning pa." umupo siya at nagsimulang magsandok ng pagkain niya nang hindi man lang ako pinapansin.

"Goodmorning ku——"

"Pa may basketball kami mamaya, baka ma'late akong umuwi." pagputol niya sa sasabihin ko. Natahimik nalang ako. Galit nga siya.

Tumango tango naman si papa, "Osige. Baka ma'late rin akong umuwi mamaya kasi maraming aayusin sa company natin. Laurie sumabay ka ng umuwi sa kuya mo mamaya." tumingin naman ako kay kuya pero hindi siya umiimik at nagpatuloy lang sa pagkain.

"U-uhm maaga ako uuwi mamaya pa. Dalhin ko nalang yung kotse ko." napatingin naman sa'kin si papa, pero tumango nalang siya.

"Pa, mauna na'ko. Maaga kasi kami pinapapasok ni coach para makapag practice pa kami. Sige pa." bineso niya si papa at umalis na nang hindi man lang nagpapaalam sa'kin.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi kami sabay na pumapasok ni kuya kahit nasa same school kami? Kasi mag kaiba kami ng schedule. Syempre first year college palang ako, si kuya fourth year college na. At sabi rin ni papa na mas mabuti daw na tig-isa kaming kotse para fair.

Hindi nalang ako kumibo at nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Ramdam ko naman na nakatingin sakin si papa kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit pa?" i asked.

"Nag away ba kayo ng kuya mo?" napatahimik naman ako sa tanong ni papa.

"Laurie? Nag away ba kayo?" ulit ni papa. Tumango nalang ako.

When I met youWhere stories live. Discover now