Chapter Fifteen

19 1 0
                                    

Brent's point of view

                                                      

"Waaaa! Omg Brent!" sigaw ni Laurie.

Hindi ko nga alam kung bakit niya ako pinapunta dito eh. Sabi kasi ni Ate Xiara pinapasama daw ako ni Laurie tutal pupunta daw siya dito para samahan si Kuya Lindon.

Para ngang baliw 'tong babaeng 'to eh. Paano kasi pagkadating namin ni Ate Xiara bigla nalang niya akong hinila papunta dito sa kwarto niya tapos nagtatatalon na at sumigaw sigaw.

"Tatalon at sisigaw ka nalang ba dyan o sasabihin mo sa'kin kung bakit mo'ko pinasama dito?" tanong ko sakaniya. Napatigil naman siya atsaka tumingin sa'kin habang nakangiti.

Well syempre kinilig naman ako nung nalaman kong pinapasama ako ni Laurie dito sakanila pero syempre malay ko ba kung anong dahilan diba? Hahaha.

"Eh Paano kasi ikaw nalang yung makakatulong sa'kin. I badly need your help Brent. Pleaseeee?" pagmamakaawa niya. Tsk. Matitiis ko ba siya?

"Ano ba yon?" takang tanong ko.

"Pwede mo ba akong tulungan sa report ko? If okay lang naman." napakunot naman ang noo ko.

"A-h kasi ano- By two kasi yung report presentation namin for tomorrow. Ang kaso yung kapartner ko hindi daw ako tutulungan. Nag decide ako na magpatulong kay kuya kaso mag re'review siya para sa exam nila bukas. Hindi ko rin naman pwedeng istorbohin si papa at yung bestfriend ko dahil masyado ng pagod si papa sa company at syempre si yung bestfriend ko gagawin din niya yung report nila nung kapartner niya. Si Ate Xiara naman hindi rin naman pwede dahil alam kong mas kailangan siya ni Kuya. Kaya bigla kitang naisip. Ikaw nalang yung pag asa ko. Manunuyo yung utak ko dun sa research na yun. Tulungan mo na'ko please?" pagmamakaawa niya.

"Aba naman. Ang sarap naman ng buhay ng kapartner mo ha. Wala man lang siyang gagawin? Samantalang ikaw magpapakapagod? Sino ba yon?" Naiinis na'ko ha.

"A-no si Rizzy. Yung ano a-ah yung s-sumampal sa'kin sa supermarket nun." Nag aalangan niyang sagot. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sumusobra na talaga yung babaeng yun ha.

"Uhm Brent pwedeng huwag mong sabihin kay kuya? Sigurado kasi akong mag aalala yun sa'kin eh." hindi ko ba dapat sabihin kay Kuya Lindon? Pero kailangan niyang malaman eh. Aysh! Di bale na nga!

"Ano pa nga bang magagawa ko? Oo na tutulungan na kita. Gwapo naman ako eh." sinamaan niya ako ng tingin. Oh bakit? May nasabi ba akong mali? Gwapo naman talaga ako diba? Wahahaa.

"Ang yabang mo. Pero sige gwapo ka na alang alang sa report ko. Thank you Brent! You're my life saver! Omg!" bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko naman. Ayan nanaman siya dyan sa pagyakap yakap niya eh. Kapag ako kinilig. Hahahaha.

"Pero wait, I will help you, in one condition." kumalas naman siya sa pagkakayakap niya at nagtatakang tumingin sa'kin.

"Condition?! Baka mamaya anong ipagawa mo sa'kin." pagrereklamo niya.

"Okay sige. Aalis na'ko. Goodluck sa report mo." papalakad na'ko papunta sa pinto para sana umalis na nang bigla niya akong hilain kaya napaharap ako sakaniya.

"Aysh! Ano ba yon?" inis niyang tanong. Napangisi nalang ako.

"Makikipag date ka sa'kin ng one week."

  

***


Laurie's point of view

When I met youWhere stories live. Discover now