Lindon's point of view
Pagka uwi namin ni Laurie galing school ay pinuntahan ko agad si Papa sa kwarto niya para kausapin.
"Pa can we talk?" tanong ko nang makapasok ako.
"Sure anak. Ano ba yon? Ah teka nakauwi na ba si Laurie?" he asked habang nag lalaptop.
"Yes. Sabay kaming umuwi. I just want you to know na may pasa ngayon si Laurie dahil sakaniya." napatingin naman agad siya sa'kin dahil sa sinabi ko.
"What?! Anong nangyari?!" halata mo sakaniya ang pag-aalala.
"You better ask her. Hindi ko na mapapalagpas kapag inulit niya pa. Ilugar niya ang pagmamaldita niya at baka kung anong magawa ko sakaniya." atsaka na'ko lumabas ng kwarto.
***
Laurie's point of view
"Okay guys! Break muna. Alam ko namang pagod na kayo." sabi ni ate Ash.
Nilapitan ako ni Hayley at binigyan ng tubig.
"Thanks bes." nginitian naman niya ako.
Practice namin ngayon sa cheerdance. Flyer ako at ganun rin naman si Hayley.
Nakita kong papalapit dito sila ate Ash, Ate Cassey at Ate Stacey.
"Oh san galing yang pasa mo Laurie?" tanong ni Ate Ash. Naging ka'close na rin naman namin sila dahil tuwing practice ay kami kami ang magkakasama kapag break.
Nandito pa rin kasi yung pasa ko sa may labi. Nung nakita nga to ni papa ay nag so'sorry siya eh. Hindi ko alam kung bakit.
Sasagot pa lang sana ako ng unahan ako ni Hayley. "Kagagawan ni Rizzy yan ate." halatang nagulat silang tatlo sa sagot ni Hayley.
Sa di kalayuan ay nakita ko si Rizzy na kasama si Elisse. As usual inirapan lang niya ako. Hindi ko nalang siya pinansin at ibinalik ang atensyon ko kila Ate ash.
"Si Rizzy?!" tanong ni ate Ash.
"Magkaaway kayo?!" tanong ni Ate Cassey.
"What?! Bakit?!" at tanong naman ni Ate Stacey.
"Yes si Rizzy. Yes mag kaaway kami. At kung bakit, ay mahabang kwento." sagot ko naman at parang hindi sila kuntento sa sagot ko kaya kinwento ko ang mga nangyari. Mula dun sa pagiging mag ex bestfriend namin hanggang sa nagsabunutan kami.
"Hindi ko akaling naging mag kaibigan kayo." hindi makapaniwalang sabi ni Ate Cassey.
"Nagawa niya sa'yo yun sa kabila ng pagiging mabuti mong kaibigan sakaniya? Seriously?" sabi naman ni ate Ash. Samantalang si ate Stacey naman ay tahimik lang na nakikinig sa'min.
"Huwag na nating ungkatin pa ang mga nangyari ate. Hindi natin siya masisisi kung sadyang inggit lang siya kay Laurie." inis na sabi ni Hayley. Napansin kong inirapan niya si Rizzy.
Nanahimik lang ako at hindi nalang nagsalita. Ang mga nangyari na, hindi na dapat binabalikan. Past is past.
"Tinanong mo ba sakaniya kung bakit niya ginawa yon?" napatingin kaming apat kay ate Stacey nang magsalita ito. Umiling ako bilang sagot.
"Wala na rin namang silbi yun ate dahil nangyari na ang nangyari. At wala rin naman akong balak na malaman kung ano pa man yung dahilan niya. Hindi rin naman mababago ang ginawa niya. Malinaw na sakin na pinlastik lang niya ako." napabuntong hininga nalang ako. Para sa'kin bad memories na ang mga nangyari sa'min ni Rizzy kaya dapat kinakalimutan na.
"Malay natin may dahilan pala siya sa kabila ng mga ginawa niya. Gaya nga ng sa kwento mo Laurie, bigla ka nalang niyang iniwan at si Elisse na yung laging kasama niya right? Baka may pinagdadaanan lang siya." sabi ni ate Stacey. Sinamaan naman siya ng tingin ni ate Ash at ate Cassey.
"Nakita mo na nga 'tong pasa ni Laurie na kagagawan ni Rizzy. Imposible namang may dahilan. Ano yun bawat sampal niya kay Laurie may dahilan ganon?" halata mong naiirita si Ate Cassey kay Rizzy. Nagkibit balikat lang si ate Stacey at nanahimik nalang.
"Basta ako wala akong kinakampihan. I just want the two of you to clear things out. Bakit hindi mo siya kausapin?" tanong ni ate Ash dahilan para mapatingin ako sakaniya.
"Wala naman kaming pag uusapan ate Ash. Hindi ko rin naman kailangan ng isang plastik na kaibigang katulad niya. At isa pa nandito naman si Hayley. Bakit ko pa pipiliting ibalik ang mga bagay na sinadya namang iwan ako diba?" napatahimik naman sila.
"I'm starting to hate her! Basta sabihin mo lang sa'kin kapag sinaktan ka niya ulit ha? I will slap her face from left to right." nakipag apir naman sakaniya si Hayley na akala mo sang-ayon na sang-ayon siya sa sinabi nito. Natawa naman ako but at the same time, na touch sa sinabi ni ate Cassey.
"Abnormal ka talaga." sinapok ni ate Stacey si Ate Cassey at napa 'aray' naman ito. "Sana hindi pa huli ang lahat para magkaayos kayo." nginitian ako ni ate Stacey.
"I hope too." singit ni ate Ash.
"Thank you sainyo ate ha. Pero parang imposible ng mangyari yun." ngumiti lang sila ganun din ako. I'm so lucky at nakilala ko sila.
Maya maya'y nagsibalikan na ang lahat dahil tapos na ang break. Nag practice lang kami ng nagpractice hanggang sa matapos na kami at nagpasya ng umuwi.
Nagpaalam na kami ni Hayley kila ate Ash at sinabing uuwi na. Ganun rin naman sila.
"Nakakapagod!" sabi sa'kin ni Hayley habang naglalakad kami papuntang parking lot ng school.
Hindi ko nalang siya sinagot dahil maging ako ay pagod na rin. Parang gusto ko nalang humiga sa malambot kong kama at matulog.
"Bye bes. Take care." pagpapaalam sa'kin ni Hayley nang makasakay na siya sa kotse niya.
"Bye. Ingat ka rin ha?" tumango siya at nginitian ako atsaka na naunang umalis. Pagod na nga siguro siya.
Sumakay na'ko sa kotse ko at nag drive na pauwi.
Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso na'ko sa kwarto ko dahil sabi ni Yaya Lyn ay hindi pa daw dumadating si Kuya. Six pa lang naman. Siguro nag practice yun.
Si papa naman ay nasa kwarto na daw niya at nagpapahinga na kaya hindi ko na siya inistorbo.
Nag shower na'ko at nagpalit na ng pambahay ko.
Binagsak ko yung katawan ko sa kama ko. Sobrang nakakapagod ang practice. Buti nalang ay tapos na ang exams namin at wala ng masyadong inaalala. At buti na lang rin ay sabado bukas. Wala kasi kaming saturday class.
Pinikit ko na yung mata ko at matutulog na sana ng may biglang tumawag sa phone ko kaya kinuha ko 'to at sinagot without even looking at the caller id.
"Hello?"
[Hello Laurie my baby loves. I will pick you up tomorrow at exactly 8 am. Be ready for our first date.] narinig ko ang pagngisi niya sa kabilang linya atska na niya ito pinatay.
Napamulat ako at napatingin sa screen ng cellphone ko.
Seriously?!
_____
a'n: I'm still hoping for your votes and comments. :)
vote. comment. spread.
All the love x N
YOU ARE READING
When I met you
Teen FictionNangyari ang lahat magmula nung makilala ko siya. Bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sakanya. Maibabalik ko pa kaya ang nakasanayan ko o mananatili nalalang ako sa sitwasyon ngayon?
