Chapter Twelve

61 1 2
                                        

Laurie's point of view

                                                           

"She's okay now. Kailangan nalang niya ng konting pahinga. Sige, I have to go."

"Okay Doc. Thank you."

Bigla akong nagising dahil may narinig akong nag-uusap at kasabay non ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Lumingon lingon ako sa paligid. Kanino kwarto 'to? At Doc daw? Hala! Ano bang nangyari? Sa pagkakaalam ko, nasa waiting shed ako, naghihintay ng taxi tapos biglang umulan. Tapos bigla akong nahilo at namanhid yung katawan ko tapos bigla nalang akong bumagsak s— Oo nga pala! bigla akong nawalan ng malay kanina. Teka? Bakit naman ako napunta dito? Hala! Baka naman kinuha ako ng kidnapper o kaya ng rapist. OMG! Ayoko pang mamatay! Waaaaa— Wait, kung kidnapper o rapist nga, bakit ang ganda ng kwarto? ang laki pa. Napatingin naman ako sa suot ko— hay buti naman at ito pa rin yung damit ko. Sobrang basa rin ng kamang hinihigaan ko dahil sa suot ko.

Bigla kong naalala yung phone ko kaya napatayo ako. Hinanap ko yung bag ko at buti naman nasa tabi ko lang. Kaya lang sobrang basa na. Buti nalang training lang sa cheerdance kanina kaya hindi ako nagdala ng notes. Kung hindi siguro basa na lahat ng yun.

Kinuha ko yung phone ko, basa na rin. Pipindutin ko na sana ng maalala kong lowbat pala. Ugh! Nako naman!

Paano na niyan?! Sigurado akong hinahanap na'ko ni kuya! Si papa kaya hinahanap niya ako? Hindi pa kasi kami nagkakaayos simula nung dinner sa resto. Ugh! Nevermind! Kailangan ko ng charg—

Napatigil ako ng may nagbukas ng pinto. OMG. Siya na ba yung mangre'rape sa— "Brent?" gulat na tanong ko. Bakit siya nandito?

"Oh, buti naman at gising ka na." nakangiti niyang sabi atsaka siya lumapit sa'kin.

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko.

"Kasi kwarto ko to?" natatawa niyang sabi. What?! Seryoso ba siya?! Kwarto niya talaga 'to?! Ohmygahd! Nakakahiya! Binasa ko pa yung kama niya! >.

"B-bakit ako napunta dito?" naiilang kong tanong.

"Napadaan kasi ako sa school niyo kanina, sakto naman nakita kita na walang malay kaya dinala na kita dito sa bahay. Okay na ba yung pakiramdam mo?" tanong niya.

"Ah, oo. Okay na'ko." nakakahiya talaga. Bwisit.

"Good. Buti nalang natawagan ko agad yung private doctor na'min kaya agad ka niyang na'check. Iba talaga kapag matalino no?"napairap naman ako sa sinabi niya. Nakasumpong ba siya? Hahaha.

Itatanong ko palang sana kung pwedeng maki charge o kahit makitext lang sana para masabi ko kay kuya na nandito ako nang bigla nanaman siyang magsalita. "By the way, Nasabi ko na kay kuya Lindon na nandito ka. Susunduin ka daw niya dito mamaya. Sige, Magpalit ka muna ng damit kasi basang basa ka oh." may iniabot siya sa'kin damit. "Dont worry. Kay Ate Xiara yan. Sakto kasi dito siya matutulog kaya napang hiram kita." magpinsan nga pala sila ni Ate Xiara.

"Thank you Brent." ngumiti naman siya.

"Wala yun. Gwapo pa rin naman ako." Natawa naman ako. Anong connect? Hahaha. "Sige, lalabas lang ako. Kung gusto mong hintayin dito ang kuya mo okay lang naman, pero pwede ka rin namang lumabas."ngumiti muna siya atsaka na siya lumabas.

Napatingin naman ako sa orasan dito sa kwarto, eight o'clock?! My goodness gracious! — Okay oa na masyado. Hahaha.

Dumiretso na'ko sa banyo ng kwarto niya para dun na magpalit. Nang matapos ako, lumabas na'ko ng banyo at pumunta sa kama.

When I met youWhere stories live. Discover now