Laurie's point of view
"Ugh! Ano ng gagawin ko?!" sigaw ko. Nandito na'ko ngayon sa kwarto ko. Kanina pa ako nakauwi. Di ko kasi alam kung anong gagawin ko para magkaayos kami ni kuya. T_T
Ako lang kasi mag isa dito, well except sa mga maids. Wala pa kasi si papa, nasa office pa e. And si kuya may practice pa ng basketball. Hays. Anong gagawin ko? nakakainis!
Bigla akong nakaisip ng idea, omg. Bumaba ako at dumiretso sa dining room. Kinuha ko sa ref namin yung binake kong cupcakes, yung tinira ko kanina para kila papa.
Hiniwalay ko ng box yung kay papa, at hiniwalay ko rin yung para kay kuya. Binalik ko sa ref yung box ng cupcakes para kay papa.
Umakyat na'ko dala yung box ng cupcakes para kay kuya. Dumiretso ako sa kwarto ko at kumuha ng ballpen and paper.
Nagsimula na'kong magsulat,
Kuya,
Sorry kuya. Seriously, I didn't mean to say that. Siguro nainis lang ako, pero kuya alam ko namang kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit tayo nagkaganito. Hindi ko man lang inisip na nag aalala ka lang para sa'kin. Ang selfish selfish ko. Ang sama kong kapatid. Sorry kuya. Namimiss na kita. Bati na tayo please? Sorry talaga kuya. I really miss you so much. Oo, nagkikita tayo physically, pero hindi mo naman ako kinakausap. Sorry talaga kuya. By the way, here's your cupcake. Binake namin kanina yan. Naisip ko kayo ni papa kaya pinantira ko kayo. Actually nasa top 5 ako kuya. :) Sana magkaayos na tayo. Wala na kasing titikim ng mga lulutuin ko kapag nag'practice ako e. :(
- Laurie
Naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mga mata ko. Shocks! Ang drama ko. Hahaha.
Inipit ko na yung papel dun sa may box at dumiretso sa kwarto ni kuya para iwan yun. Sana magkaayos na kami ni kuya. Namimiss ko na siya.
Bumalik na'ko sa kwarto ko at kiinuha yung phone ko para tawagan si Hayley. Mag s'seven na rin kasi. Id'dial ko na yung number ni Hayley nang biglang lumitaw yung pangalan ni Papa sa screen. Tumatawag siya. Sinagot ko naman agad yun,
"Hello pa?" bungad ko.
[Hello Laurie? Nasa bahay kana ba?] tanong niya.
"Yes pa. Actually kanina pa'ko nakauwi pa."
[Nandyan na ba ang kuya mo?]
"Wala pa man pa e. By the way, asan kana pa?"
[Pauwi na'ko. Osige I'll hang up na. Nagd'drive ako."
"Okay pa. Ingat pa. Love you!"
[I love you too.] at binaba na niya.
Dina'ial ko na yung number ni Hayley, nakaka'tatlong ring pa lang, sinagot na niya.
[Hello bes?]
"Hello? Bes asan ka?"
[Nasa school pa bes. Nagp'practice pa sila e. Malapit na raw kasi yung laban nila sabi nung coach nila. Pero matatapos na rin daw. Why?]
"Nandyan pa ba si kuya?" nag aalala na kasi ako sakaniya.
[Yes, Actually ang seryoso ngaaniya e. Yung tipong hindi na niya ako pinapansin.] napahinga naman ako ng maluwag dun sa sinabi niya. Narinig ko namang tumawa siya.
[Don't worry bes. Ako na ang bahala.] pagpapatuloy niya.
"Thankyou bes."
[Babe! Uminom ka muna oh!] rinig kong sigaw niya mula sa kabilang linya. Kausap niya ata si Josh. Tuhray! Babe hahaha
YOU ARE READING
When I met you
Teen FictionNangyari ang lahat magmula nung makilala ko siya. Bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sakanya. Maibabalik ko pa kaya ang nakasanayan ko o mananatili nalalang ako sa sitwasyon ngayon?
