Chapter Thirteen

35 2 0
                                        

Laurie's point of view

                                                             

"Ano bang nangyari? Pinag alala mo'ko. Buti nalang tinext ako ni Brent at sinabing nandun ka raw sakanila." tanong ni kuya nang makarating kami sa bahay.

Kinwento ko kay kuya kung anong nangyari sa'kin kanina. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag aalala.

"Buti nalang napadaan si Brent dun. Kung hindi baka ano ng nangyari sa'yo. Sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan mo'ko. Sorry Laurie." niyakap ako ni kuya at napangiti naman ako.

"Okay lang yun kuya. Ang mahalaga maayos na'ko ngayon." kumalas na siya sa pagkakayakap at ngumiti sa'kin.

Nagpaalam muna ako kay kuya na pupunta lang ako sa kwarto para makaligo. Pumayag naman siya at sinabing hihintayin niya ako para daw sabay kaming mag dinner.

Nang matapos na'kong maligo ay nagbihis na'ko ng pantulog ko at pumunta na'ko sa kama para mag suklay.

Naalala ko nanaman yung mga nangyari kanina. Yung mukha naming dalawa na magkalapit. Yung mga ngiti niyang sobrang nagpapagwapo sakaniya at nagpapabaliw sa'kin. Ohmygahd! Ano ba 'tong mga iniisip ko?! Ano bang nangyayari? Bakit tuwing kasama ko si Brent parang nababaliw ako? Ugghh! Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Bakit ba'ko nagkakaganito! Waaaa! Siguro kung nandito lang si mama malamang pinagtatawanan na niya ako ngayon dahil sa pagkikwento ko. I miss mama so much. Pati si pap—

Napaisip ako, si papa kaya? wala nanaman ba siya? Nasa office nanaman ba siya? May emergency nanaman ba? Hay. Siguro dapat masanay na'ko sa ganitong set up. Yung tipong kaming dalawa nalang ni kuya yung laging sabay kumain tuwing breakfast at dinner dahil sa sobrang busy ni papa. Ugh! Huwag ko na ngang isipin yon.

"Laurie?" nagulat ako ng may masalita bigla. Napatingin ako dun sa nakatayo sa pinto ng kwarto ko.

"Pwede ba akong pumasok?" tanong niya. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagsusuklay nang hindi siya pinapansin.

"Okay ka na ba? Nasabi na sa'kin ng kuya mo ang nangyari. Ayos na ba pakiramdam mo?" bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Okay na po ako." hindi ko pa rin siya tinitignan. Tumayo ako at pumunta sa banyo ng kwarto ko.

Tumingin ako sa salamin at nagbuntong hininga. Laurie, kaya mo yan. Inhale-exhale.

Pagkalabas ko ng banyo, naka upo na siya sa kama ko habang nakayuko. Umupo ako sa kabilang dulo ng kama.

"Laurie pwede ba tayong mag-usap?" rinig kong tanong niya. Hindi nalang ako sumagot.

"I know you're mad at me and I'm sorry. Kinausap ako ng kuya mo tungkol dun sa hindi ko pagpunta sa dinner natin. I'm so sorry anak." napatingin ako sakaniya. Halata mong malungkot siya.

"Hindi naman kasi yun papa eh. Ang akin lang, nawawalan na kayo ng oras samin ni kuya. Konting oras lang naman yung hiningi ko nung dinner pero hindi kayo pumunta. At ang masaklap pa, emergency nanaman sa company yung dahilan. Naiintindihan ko naman na ginagawa mo lang yun para samin ni kuya pero pa sana naman maalala mo na may anak kang naghihintay sa'yo tuwing dinner. Na may anak kang nag aalala tuwing wala ka pa. Konting oras lang naman pa eh. Konti lang." naramdaman ko nalang na may tumulong luha mula sa mga mata ko. Tinignan ko si papa at parang hindi siya mapakali.

"I'm really sorry anak. D-dahil sa sobrang pag aabala ko sa company natin, hindi ko na naisip yung nararamdaman niyo. I'm so sorry Laurie. Babawi ako sainyo ng kuya mo. I'll make it up to you." niyakap ako ni papa. Niyakap ko naman siya pabalik. I really missed papa.

"Sorry rin papa. Sorry kung ganito yung inasal ko. Hindi ko na kasi mapigilan yung nararamdaman ko eh." naramdaman ko namang basa yung balikat ko. Kumalas ako mula sa pagkakayakap at nakita kong umiiyak rin si papa.

"I really missed you anak. I love you." kiniss niya ako sa ulo.

"I missed and i love you too papa." tsaka ko siya niyakap. Sobrang namiss ko talaga si papa. Sana talaga hindi na maulit yung mga nangyari sa'min.

"Ang drama niyo naman." napatingin kami dun sa nagsalita.

"Ang kj mo talaga kuya." inirapan ko siya dahilan ng pagtawa niya.

"Tara na sa baba. Dinner is ready." sabi ni kuya. Tumango naman kami ni papa at sumunod na sa baba.

"Pa, oo nga pala. I joined cheerdance. Sorry if i joined without your permission. You know naman yung nangyari." sabi ko habang kumakain kami. Ngumiti naman siya.

"It's okay anak. Hindi naman kita pipigilan kung nagpaalam ka man. Cheerdancing is nice." ngintian ko nalang siya. Hay, sana ganito nalang lagi. Sana wala ng away. Sana wala ng gulo. Sana wala ng problema.


***


Lindon's point of view

                                                                 

I'm so happy na nagka ayos na ulit sila. Si papa and Laurie. Pero hindi ko pa rin mapigilang mangamba. Paano kung ulitin nanaman niya? Paano kung iwan niya kami? Paano kun—

"Kuya may problema ba?" tanong ni Laurie. Napatingin naman sa'kin si papa pero agad naman siyang nag iwas ng tingin.

Umiling iling ako, "Wala. May naalala lang ako. Kumain ka nalang dyan." inirapan lang niya ako atsaka tumawa. Baliw talaga 'tong kapatid kong 'to.

Kumain nalang rin ako ng tahimik. Habang kumakain kami ng dinner, nagtatawanan sila papa and Laurie.

Pinagmasdan ko sila. Ang saya ngayon ni Laurie kumpara sa Laurie na nakikita ko nung hindi pa sila ayos ni Papa.

Ayokong mag isip ng kung ano ano pero hindi ko maialis sa akin ang hindi matakot sa mga posibleng mangyari. Sana hindi lang 'to panandalian.

Napatingin sila sa'kin at ngumiti nalang ako.

Sana nandito ka pa rin hanggang ngayon mama. Sana kumpleto pa rin tayo gaya ng dati. Sana hindi ka nalang nawala.


_____


Sorry if late ud. :) Babawi ako sa mga next chapters.

May magbasa man ng story kong 'to o wala, I will still continue this till the end.

Readers, i need your supports.

vote. comment. spread. lovelove x

When I met youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora