Chapter Ten

44 2 0
                                        

A'n: Late update nanaman. Haha. Sorry guys. Here's chapter 10, enjoy!

_____


Laurie's point of view

                                                        

"Ma'am Laurie! Nakahanda na po yung kotse niyo!" rinig kong sigaw ni kuya Danny mula sa labas.

Kinuha ko na yung bag ko at nagmadaling bumaba. Mygosh! Late na'ko! Bwisit kasi yung alarm clock na yun. Ugh!

Pagkababa ko, nadatnan ko si kuya sa sala na nanonood.

"Oh? Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni kuya nang mapansin niya ako.

"Eh kasi naman kuya! Late na'ko sa first class ko. Wala ka bang pasok?" dali dali akong pumunta sa kusina para kumuha ng milk. Ramdam ko naman ang pagsunod ni kuya.

"Mamayang tanghali pa pasok ko. Dadalhin mo ba kotse mo?" rinig kong tanong ni kuya mula sa likod ko. Umiling naman ako habang umiinom ng gatas.

Nadatnan ko naman si papa sa dining room na nagb'breakfast.

Linapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. "Goodmorning pa." sabi ko atsaka na humarap kay kuya.

"Goodmorning din anak. Hindi ka ba magb'breakfast? Ah, oo nga pala, About pala sa dinner last nig——"

"Hindi na po pa. Late na po ako. Sige po. Bye kuya." atsaka na'ko naglakad palabas. Oo, alam kong pagka'walang respeto yung ginawa ko pero hindi niya alam yung nararamdaman ko.

Nakita ko naman si Kuya Danny sa labas na pinupunasan yung kotse ko.

"Good Morning ma'am Laurie. Dadalhin niyo po ba yung kotse niyo o ipagd'drive ko kayo?" bungad sa'kin ni kuya Danny.

"Pakihatid nalang po ako kuya. Para hindi hassle, late na rin kasi ako. Let's go kuya Danny." atsaka na'ko sumakay sa back seat.

Sumakay na rin naman siya sa driver's seat at nagsimula ng magmaneho.

Ohgosh. Late na talaga ako! Kasalanan 'to nung alarm clock ko eh! Kainis!

Agad naman kaming nakarating sa school dahil hindi naman traffic. Thanks god.

Pagkahinto ni kuya danny sa tapat ng school, agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto.

"Ingat po kayo ma'am." sabi niya at nginitian ko naman siya. Tumakbo na'ko papasok.

Third floor pa yung room ko sa first class. Uggghhh. Hinihingal na'ko.

Dumiretso ako sa elevator. Kaso ang tagal bumaba. No choice ako kaya naghagdan na'ko. Kaya mo yan Laurie.

Hingal na hingal na'ko nang makarating ako sa room. Nandyan na yung ma'am namin.

"G-good morning p-o. *inhale—exhale* sorry I'm l-late." napatingin naman sa'kin si Ma'am.

"Oh. It's okay Ms. Lavetoria. Actually, kadarating ko lang din.

Sige, you may take your sit. Mukhang hingal na hingal ka." sabi naman ni Ma'am Lacson. Hay. Buti nalang good mood siya ngayon.

"Thank you ma'am." atsaka na'ko pumasok at dumiretso sa upuan ko.

Pagkaupo ko, bigla nalang may kumalbit sa'kin mula sa likod. Pagkatingin ko, si Hayley.

"Oy babae. Bakit late ka? Bakit ganyan itsura mo? Mukha kang haggard te, umagang umaga. Anong nangyari?" napairap nalang ako sa sinabi niya.

When I met youWhere stories live. Discover now