Chapter Fourteen

29 1 0
                                        

Laurie's point of view

                                                                

One week. One week na magmula nung nahimatay ako sa ilalim ng ulan at nang magka ayos kami ni papa. After that, hindi naman na nawawalan ng time sa'min si papa at wala naman ng naging problema maliban nalang sa ugali ng bruhang yon na si Rizzy. Hindi niya pa rin kasi ako tinitigilan. Syempre hindi naman ako papatalo no. Ano siya siniswerte?

Nagsimula na rin kami ng training namin sa cheerdance nung friday. Madali lang naman dahil sanay na kami. Plus mababait pa yung mga nagtuturo (Ate Ash,Ate Cassey,Ate Stacey).

"Bes may ibibigay nga pala ako." kinuha ko yung small box sa bag ko at iniabot kay Hayley.

"Ano 'to?" tanong naman niya habang kumakain. Nandito kasi kami sa food center ng school. Naghihintay para sa next class namin.

"Box. Binubuksan yan bes, try mo minsan." sarkastiko kong sabi. Inirapan naman niya ako atsaka binuksan yung box.

"Omg bes. Sakin 'to? Waaa! I love it!" tuwang tuwa siya nang makita niya yung kwintas.

"Hindi sa'yo yan." napatigil naman siya at tumingin sa'kin na para bang disappointed. "Kay Rizzy yan. Ang ganda no?" sinamaan naman niya ako ng tingin at natawa naman ako. "Malamang bes sayo. Sayo ko binigay diba? Tanga mo rin minsan eh."

"Inano ba kita? You're so mean! Aysh! Di bale na nga. Isuot mo na sa'kin 'to dali." wow ha? Utusan daw ba naman ako? geez. Tumayo nalang ako at pumunta sa likuran niya para isuot yung kwintas. "Anong meron at binigyan mo'ko ne'to? Ang ganda bes! Thank you!" pagpapatuloy niya nang maisuot ko na.

"Nasa mall kasi ako tapos nakita ko 'to." tinuro ko yung suot kong kwintas. Yung ka-partner nung sakanya. "Sabi nung saleslady may kaparter daw. Naisip kita kaya binili ko. Actually ang tagal ko ng binili yan. Ngayon ko nga lang naalala ibigay sa'yo." natatawamg sabi ko. Makakalimutin na ata ako.

"Thank you bes. I really love it! Infinity yung sayo tapos 'and beyond' yung akin. Perfect for our friendship!" natawa nalang ako. Nababaliw nanaman kasi siya.

Napatingin ako sa relo ko, 2:45 pm.

"Bes quarter to three na. Tara na sa room." pag aaya ko sakaniya. Three o'clock kasi yung next class namin. Buti nalang at magkaklase kami.

Pagkadating namin sa room, maingay yung mga kaklase ko. Wala pa naman kasi kaming Professor.

Umupo na kami sa upuan namin at nagmuni muni nalang ako. Nakaka inip naman. Napatingin ako kay Hayley na katabi ko lang. Nagbabasa nanaman ng libro. Seriously? -_-

Maya maya'y dumating na yung prof namin.

"GoodAfternoon Class. A student from the other section chose to turn over here in my subject because of some reason. Like you, she's also taking culinary. I know you know her. Miss Santos, you may come in." bungad ni Prof Martinez.

Napatingin naman kaming lahat dun sa pumasok.

"Hi. I'm Rizzy Santos. You know me right?" tumango naman yung iba kong mga kaklase at ngumiti naman si Rizzy.

"Okay. You may have your sit now Miss Santos." nakangiting sabi nung professor namin.

Dahil bakante yung nasa harapan kong upuan, dun siya umupo. Lumingon siya sa'kin at ngitian ako ng nakakaasar atsaka na siya humarap sa harapan. Alangan namang sa likuran diba?

Hindi naman sa pagiging assuming pero i think kaya siya lumipat sa subject na 'to dahil sa'kin. Well, malamang guguluhin nanaman ako ng babaeng yan. Ano bang pinaplano niya? Guluhin ako hanggang sa kabilang buhay? Eff seriously? I'm sure kung ano anong pinagsasabing dahilan niyan sa mga professors para lang makalipat dito. Ugh! Naiirita ako! She want war? I'll give her war.

When I met youWhere stories live. Discover now