Laurie's point of view
the next day...
"Bye papa! Alis na po ako ha?"
kiniss ko sa cheeks si papa habang kumakain siya dito sa dining room. Kakatapos ko lang kasing mag lunch. Hindi ko na hinintay matapos kumain sila papa because hindi rin naman kami sabay aalis and baka malate ako kasi ngayon na yung finals. Gosh. Kinakabahan nga ako eh.
"Osige. Ngayon na yung finals mo diba?" tanong ni papa. Tumango tango naman ako.
"Yep! Wish me luck papa." nginitian ko si papa.
"Ofcourse. Good luck! Galingan mo ha? O sige na baka ma'late ka pa."
"Galingan mo Rie ha. Text me if you won or not." sabi naman ni kuya na ngayon ay kumakain rin.
"Okay kuya. Bye!" kiniss ko rin si Kuya.
Lumabas na'ko at sumakay sa sasakyan ko. Wala pa man kinakabahan na'ko. Mygahd!
Sinimulan ko ng mag drive papuntang school. Maya maya'y biglang nag vibrate yung phone ko. Sakto naka stop ako sa red light kaya tinignan ko muna kung kanino galing yung message.
From: 09*********
Hi! :) Ngayon na yung finals mo sa cooking subject niyo diba? Good luck! Kaya mo yan. Take care! :)
Huh? Kanino galing 'to? Magt'type na sana ako ng ire'reply ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na busina ng mga sasakyan.
"Hoy miss! Oo maganda yang sasakyan mo pero huwag mo naman sanang idisplay sa gitna ng kalsada! Mal'late na'ko sa trabaho ko!"
"Hoy! Hindi paradahan ang kalsada!"
"Umalis ka naman dyan miss!"
Napatingin naman ako dun sa mga sumigaw. Agad namang nalipat yung tingin ko sa traffic light. Omg! Green light na pala!
Agad kong pinaandar yung sasakyan ko. Pakers! Nakakahiya! Pero atleast diba, pinuri nung isa yung kotse ko. That's a compliment anyway. Hahaha.
Nang makarating na'ko sa school, pinark ko na yung sasakyan ko. At bumaba na para maglakad papuntang room.
"Bessyyyy!!!" bungad sakin ni Hayley pagkarating ko sa room. Nag iingay na naman ang bruha. Pumunta muna ako sa pwesto ko atsaka umupo. Ramdam ko naman ang pagsunod niya. Napatingin ako sa orasan, 5 mins pa bago mag 2 o'clock.
"Ano bang proble--" bago ko pa maituloy yung sasabihin ko, nagsalita na siya.
"Omg bes! Ngayon na yun! This is it! Imagine nakuha tayong dalawa! Waaaa!!! Omg! Kinakabahan tuloy ako!!!" At nagsisigaw sigaw pa siya.
"Ang ingay mo bes! Lalo akong kinabahan sa'yo eh!" narinig ko naman siyang tumawa.
"Sorry haha. Excited lang ako. Sino kayang mananalo no? Gosh. Good luck sa'tin bes! Kahit hindi na ako yung manalo, basta ikaw yung manalo ha?" napatingin naman ako dun sa sinabi niya. Nginitian naman niya ako.
"Nakaka flattered yang sinabi mo ha. Haha. Thank you bes! Kahit hindi rin ako yung manalo, basta ikaw yung manalo. I love you forever." niyakap ko siya. Nakakamiss rin palang kasama 'tong babaeng 'to.
"I love you too bes!" niyakap niya rin ako pabalik. Ang drama naman namin hahaha.
"Goodafternoon class!" napabitaw kami sa pagkakayakap nang biglang dumating yung ma'am namin sa cooking subject. Mukhang nasa mood si Ma'am Perez ngayon.
YOU ARE READING
When I met you
Teen FictionNangyari ang lahat magmula nung makilala ko siya. Bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sakanya. Maibabalik ko pa kaya ang nakasanayan ko o mananatili nalalang ako sa sitwasyon ngayon?
