Chapter Nineteen

19 0 0
                                    

Laurie's point of view

"Anong nginingiti ngiti mo dyan ha?" napatingin ako kay Hayley nang magsalita siya.

"Uh? Wala no." sabi ko atsaka tinago ang phone ko sa bag ko. Nagtext kasi si Brent at sinabing susunduin daw niya ako mamaya sa bahay after school for our last date. 1 week na kasi ang nakalipas magmula nung first date namin.

Oo na. Hindi ko naman maitatanggi na sa mga nagdaang araw ay unti unti na'kong nahulog sakaniya. I already fall for him and it sucks that i don't even know the reason why. It just came up, out of nowhere.

"Nakakatampo kana bes ah. Wala ka ng time sa'kin. Kapag yayayain naman kita, palagi mong sinasabi na may pupuntahan ka. May tinatago ka ba sa'kin? Hello! Laurie's bestfriend here!" atska niya ako inirapan. Hindi ko pa kasi nak'kwento si Brent sakaniya. Masyado ng busy.

"Sorry na. Haha. Busy ka rin naman kay Josh eh. Ayan tuloy hindi ko na nakwento sa'yo." inirapan lang niya ako ulit dahilan para matawa ako.

"Okay fine. Ikwento mo na ngayon dali! Omg!" na eexcite niyang sabi.

"Okay eto na nga, kasi ganito yu--"

*Kriiinnnggg! Kriiinnnggg!*

Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang bell.

Napabusangot naman si Hayley dahil don.

"Nakakainis naman!" sabi niya habang nililigpit yung gamit namin
"Hindi pa tayo magkaklase sa next subject. Bwisit!" pagpapatuloy niya. Gaya nga ng sabi niya, hindi kami magkaklase sa next subject. At nakakainis yon.

"May next time pa naman bes. Don't worry, I'll make it up to you." bineso ko siya sa pisngi.

"Sige na nga. Bye na, late nako. Ingat ha?" kumaway siya atsaka na naglakad palayo.

Tumakbo naman ako papunta sa classroom namin dahil maging ako ay late na rin.

Buti nalang ay wala pa yung professor namin nang makarating ako.

Dumiretso ako sa upuan ko atsaka na umupo. Maya maya'y biglang dumating yung professor namin.

"Good afternoon class." bati niya at bumati naman kami pabalik.

"Today you will be having an exam abo--"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Excuse me sir. Pinapatawag po kayo ng mga professors. Kailangan daw po kayo sa office for some meeting." napatingin kami dun sa lalaking nagsalita na ngayon ay nakatayo sa may pintuan.

Wooo. Thanks to him. Omg! Hindi kaya ako nag review. Duh. Hahaha.

"Okay class. Gaya nga ng narinig niyo, may meeting daw kami. So, as of now you may go. We'll just continue our exam tomorrow so be ready. Goodbye." pagpapaalam ng professor namin atsaka na lumabas.

Agad namang nagsitayuan yung mga kaklase ko at nagsilabasan.

Mmmyes naman. Early dismissal. Makakauwi ako ng maaga at makakapag prepare pa'ko para sa date namin ni Brent. Err hahaha.

Lumabas na'ko sa classroom at naglakad na papunta sa parking lot para kunin yung kotse ko.

Nang makasakay ako ay naisipan kong itext muna si Hayley para sabihing uuwi na'ko.

Naisipan kong mag soundtrip kaya kinuha ko ang earphones ko atsaka kinabit sa tenga ko. Dinala ko sa playlist ko then i pressed the 'shuffle' sa screen.

Seconds later, a smile crossed my lips after hearing the song. My favorite song. It was 18 by one direction ❤

Yeah, I'm a 1D fan and you have two options. It's either you'll bear with it or you'll mind your own business bitch. :)

Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si Kuya at ate Xiara sa sala na nagtatawanan.

"So, what did i missed?" napatingin naman sila sakin.

"Oh Rie andyan ka na pala." sabi ni kuya.

"Hi Laurie!" bati naman ni Ate Xiara.

"Hi din ate. Grabe, sa sala pa talaga kayo nag date." biro ko. Nag blush naman si Ate Xiara.

"Hoy huwag kang istorbo. Umakyat kana don." pagtataboy sa'kin ni Kuya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"How dare you kuya. You're so mean!" natawa naman sila pareha. "Sayang. Ipag b'bake ko pa naman sana kayo ng cookies. Sige ate Xiara, akyat na'ko ha." paakyat na sana ako nang biglang magsalita si kuya. "Namiss kita Rie. Sumali ka dito samin." natawa naman ako.

"Okay! Wait me, magbibihis lang ako." then i go upstairs.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na'ko at dumiretso sa kitchen para mag bake ng cookies.

Nang matapos ako ay inihain ko na kila kuya sa sala.

"Ang galing mo talagang mag bake Laurie. Nakakainggit. Hindi kasi ako marunong." sabi ni ate Xiara ng matikman yung cookies ko.

"Thanks ate. Cookies lang naman yan. You want, turuan kita?" napangiti naman siya.

"Really? Sige. If may time ako pupunta ako dito." masayang sabi niya.

"Sige ate. Hihintayin kita ah. I can't wait omg." natawa naman sila.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan nila kuya nang biglang may nag doorbell.

Nagprisinta si kuya na siya na ang magbubukas.

"Oh Laurie may naghahanap sa'yo." nakangising sabi ni kuya nang makabalik siya. Nagulat ako nang makita ko kung sino yung kasama niya. Napatingin ako sa orasan, OHMYGOD!

Hindi pa ako nakakapag ayos!

_____

A/n: Hi guys. Sorry kung super late ud. Naging sobrang busy lang talaga ako, lalo na ngayong pasukan. But don't worry, itutuloy ko pa rin 'to. :)

I hope na may nagbabasa pa rin.

Vote. Comment. Spread.

All the love x. N

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When I met youWhere stories live. Discover now