Laurie's point of view
"So class, tomorrow I will group you in to 5 groups for your presentations. But for now, Class dismissed." tumayo na yung mga kaklase ko dahil dun sa sinabi nung prof namin. Gosh! Nagugutom na'ko. Di kasi ako nakapag breakfast and lunch kanina dahil late na'kong nagising. Di ko kasi narinig yung alarm clock ko. So all in all, wala pakong kinakain. >.
Nagsilabasan na rin yung mga kaklase ko. Konti nalang yung naiwan dito sa room.
"Hayley, yung boyfriend mo nasa labas na." sabi ni Andrei, kaklase naming lalaki. Napatingin naman si Hayley sa labas. Katabi ko kasi siya ngayon, nag aayos kami ng gamit.
"Sige na bes, Mauna na kayo ni Josh." napatingin naman si hayley sakin.
"No, Hihintayin kita. Wala kang kasamang kakain bes, duh." tumingin ulit siya kay josh at sumensyas na 'wait lang'.
"Paghihintayin mo yung boyfriend mo dun?" i asked. Tumango tango naman siya.
"Wait ha." lumabas siya at parang may sinabi na kung ano kay Josh kaya sumunod ako.
"Josh mauna na kayo, Just don't mind me." umiling iling naman si josh.
"Laurie, Hintayin ko na kayo. Wala ka daw kasabay kakain sabi ni Hayley so sabay sabay na tayo." ngumiti pa siya sakin. Ganyan si Josh, mabait siya at may respeto sa mga babae. Kaya nagtagal sila ni Hayley e, kasi Josh is a nice guy.
"Pero baka makaistor——"
"Bes, sabay sabay na tayo okay? Huwag makulit. Ka'stress ka bes." pagputol ni Hayley sa sasabihin ko. Inirapan ko nalang siya dahilan para mapatawa siya. Pumasok na ulit ako sa loob para kunin yung gamit ko.
***
"Sabi ko naman sa'yo mauna na kayo. Ayan tuloy hindi kayo makakapag solo ni Josh." nandito na kami ngayon sa food center ng HU (Harrison University) our school. Hinihintay namin si josh na nag o'order ng pagkain.
"Bes, we insist. Para kang ewan!" inirapan niya ako.
"Okay fine. Pasalamat ka gutom ako ngayon." napatawa naman siya.
"Anong connect bes? hahaha. Err." napatawa naman ako. Oo nga no? hahaha.
Nagtatawanan kami nang biglang,
"Wow, You two look good together huh." napatingin kami dun sa nagsalita, ng makita ko siya napairap nalang ako.
"Yeah. Napansin mo rin? Totoo kasi kami sa isa't isa and walang insecurities and you know, lies." nagsmile ako sakanya. Halata namang naasar siya sa sinabi ko.
"Am I asking? Oh, Oo nga pala. Gusto mo lagi kang bida diba? Uhm, Pasikat? Well, Sort of." tumawa pa siya ng nakakaasar at nakitawa naman yung bitchfriend niyang si Elisse. Ramdam kong nasa'min lahat ng atensyon ng mga estudyante ngayon pero wala akong pakealam.
"Wait, are you reffering to yourself? Gosh. Maging mabait ka naman sana kahit sa sarili mo lang." narinig ko namang tumawa si Hayley mula sa likod ko.Sa itsura palang niya ngayon, halata mo ng inis na inis na siya. Hahaha.
"If I know, pina'plastik ka lang niyang bestfriend mo. Isa ka kasing dakilang uto-uto." tumawa nanaman siya ng nakakaasar. Nainis ako ng sinabi niyang pinaplastik lang ako ni Hayley. Kahit kailan hindi ako pinlastik ni hayley.
YOU ARE READING
When I met you
Teen FictionNangyari ang lahat magmula nung makilala ko siya. Bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sakanya. Maibabalik ko pa kaya ang nakasanayan ko o mananatili nalalang ako sa sitwasyon ngayon?