Chapter Eighteen

25 1 0
                                    

Laurie's point of view

                                                             

"Hoy Rie! Gising na!" naramdaman kong may yumuyugyog sa may balikat ko.

Sino ba 'to?! Ang aga aga pa! Atsaka sabado ngayon! Wala akong Saturday Class.

Hindi ko na lang pinansin kung sino man yun at pinagpatuloy nalang ang tulog ko nang magsalita nanaman siya. "Aba, ayaw mong gumising ha." rinig kong sabi niya at hindi ko na naramdaman yung yugyog niya.

"Yaaaahhh!" sigaw niya at maya maya'y naramdaman ko nalang na may mabigat na nakapatong sa'kin.

Inalis ko yung kumot ko, only to see him laughing.

"Kuya naman! Ang bigat bigat mo kaya! Tumayo ka nga dyan! Nakakainis! Wala naman akong pasok ngayon eh!" paano ba naman, dinaganan niya ako. Akala niya ba magaan lang siya? Grabe akala lang niya yun. Ang bigat bigat kaya niya! T_T

Tumayo na siya pero tumatawa pa rin. "I know. Pero nandyan na yung sundo mo." napatayo naman ako sa sinabi niya at takang tumingin sakaniya.

"Ang aga naman ni Hayley. Wala akong maalala na may lakad kami ngayon." hindi man lang niya ako tinext na may lakad pala kami ngayon.

"Hindi naman si Hayley. Baliw ka talaga. Dalian mo nga! Kanina pa nghihintay yung ka'date mo dun sa baba." sabi ni kuya bago lumabas ng kwarto ko.

What?! Ka'date?! Ohmygosh!

Lumabas ako ng kwarto. Pumunta ako sa may hagdan para sumilip sa sala. Nanlaki bigla yung mata ko. Nandyan nga siya! And take note ha, kausap at katawanan niya pa si papa habang nakaupo sila sa sofa. Ganun na ba sila ka'close? Ugh!

Napatingin siya sa'kin. Nginitian niya ako atsaka niya ako binati; "Good Morning Laurie." aba ang pormal niya ngayon porket nandyan si papa ha? Samantalang kagabi sa cellphone, pa  'Laurie-Laurie my baby loves' pa siya. Napakayabang!

Inirapan ko lang siya at bumalik na sa kwarto ko para maligo at magbihis. Nang matapos na'ko ay bumaba na'ko at pinuntahan sila sa sala. Nadatnan ko sila na nagtatawanan pa rin. Pero this time, kasama na nila si Kuya. Wow lang ha?

"Goodmorning anak. Oh, kanina pa naghihintay 'tong sundo mo." nakangiting bati sa'kin ni papa nang makita niya ako.

"Good Morning rin pa." kiniss ko siya sa pisngi.

"Buti naman at naisipan mong gumising. Napaka tulog mantika mo talaga Rie." inirapan ko nalang si Kuya at tumawa naman siya.

"Good Morning ulit Laurie. Tara na ba? Napasarap yung kwentuhan namin nila Tito Lawrence eh." nakangiting sabi niya. Aba mukhang masaya siya ha? At mukhang close na close sila ni papa. Jusko paano.

Hindi ko siya pinansin at tumingin kay papa. "Magkakilala kayo pa?" tanong ko.

"Oo anak. Pinakilala siya ng kuya mo sa'kin kanina. Nakakatuwa nga eh kasi ang dali naming magkasundo nitong si Brent." paliwanag ni papa. Wala kasi si papa nung pinapunta ko dito si Brent para sa report kaya siguro kanina lang niya na meet. Tinignan ko naman ng masama si kuya at tinawanan lang niya ako. Aba't inunahan niya pa talaga ako ha? Sabagay, pinsan naman pala ni Ate Xiara si Brent.

"Sige na. You two should go now. Ingatan mo si Laurie ha?" sabi ni papa kay Brent.

"Yes Tito Lawrence. I will."

"Brent, pakiligaw na rin pala si Laurie dun sa malayo." sabi ni Kuya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumawa nanaman siya. Kanina pa siya ah!

When I met youWhere stories live. Discover now