Laurie's point of view
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Kaya heto ako ngayon nag aayos na para sa training namin sa cheerdance.
Hindi na rin naman bago 'to para sa'kin because I'm a cheerdancer when I was grade six and highschool sa dati 'kong school. Kaya may experience na'ko.
Tinatali ko yung buhok ko nang biglang may kumalbit sa'kin mula sa likod ko dahilan para mapalingon ako.
"Bes eto na yung tubig mo. Grabe ang init!" salubong ni Hayley sa'kin habang nagpupunas siya ng pawis gamit yung panyo niya. May kukunin daw kasi siya sa bag niya kaya pinakuha ko na rin yung tubig ko sa bag ko since magkatabi lang naman yung mga gamit namin.
"Thank you bes. Grabe ka, aircondition na 'tong gym pero pinagpapawisan ka pa rin." hindi na lang siya sumagot, sa halip ay umupo siya sa tabi ko.
Nandito kami ngayon sa gym. Busy ang lahat sa pag aayos sa sarili dahil darating na yung mga alumni cheerdancers.
Karamihan sa mga sumali ay babae. Siguro mga 1/4 lang yung mga lalake.
Sa kabilang sulok ng gym, nakita ko si Rizzy kasama si Elisse. Kasali pala si Elisse? Ay malamang Laurie, alangan namang iwan ni Elisse sa ere ang minamahal niya bestfriend no? katangahan mo rin minsan.
Napailing nalang ako. Nababaliw na ata ako. Pati sarili ko kinakausap ko na. Haha.
Maya maya'y nagbukas ang pinto ng gym at niluwa nito ang tatlong babae dahilan para mapunta sakanila ang atensyon ng lahat.
Pumunta sila sa gitna ng gym at pumalibot naman kami sakanila.
"Good Morning guys. Kami yung alumni cheerdancers na magtuturo sainyo. I'm Ashley Castro, but you can call me ate Ash." bati nung isa habang nakangiti. Ah, so sila pala yun? tatlo lang sila? Sabagay 35 lang naman kami.
"Cassandra Tolentino. Ate Cassey for short." nakangiting sabi naman nung isa.
"I'm Stacey Domingo. Wala namang ng maisho'shortcut sa name ko so ate Stacey nalang. Masyado kasing maaarte ang mga pangalan ng dalawang 'to." sabi naman nung isa sabay tawa. Inirapan naman siya nung dalawa pero tumawa rin naman. I think, the three of them were bestfriends.
"Don't worry guys, Hindi kami matataray. We're here to guide you, not to torture you. Hahaha. Well konti lang pero syempre nandito rin naman kami as your ate's." masayang sabi ni Ate Ash. I think, I like them already. :)
"I want you guys to introduce yourselves one by one. Madali lang naman sigurong im'memorize kasi 35 lang kayo diba?" sabi ni Ate Cassey.
Bago pa man kami makapagpakilala isa isa ay nagsalita si ate Stacey; "Sige, kapag hindi mo nam'memorize lahat ng pangalan nila pagkatapos nilang magpakilala, ibabato kita sa ilog pasig." parang natakot naman si ate Cassey pero bandang huli ay inirapan nalang niya si ate Stacey. Natawa naman kaming lahat.
"Okay. Magdala nalang pala kayo ng name tags niyo next week. Kahit yung effortless nalang basta may pangalan niyo. Haha." sabi ni Ate Cassey habang natatawa.
"So sa ngayon, hindi muna tayo mag t'training. Sa mga first year students na kasali dito ngayon, Hindi niyo naabutan ang cheerdance dati diba? Kaya we will share some information about sa cheerdance sa Harrison University which is ang school niyo. Dun naman sa mga second, third and fourth year students na kasali ngayon dito, Naabutan niyo naman so just listen nalang." paliwanag ni Ate Cassey.
YOU ARE READING
When I met you
Teen FictionNangyari ang lahat magmula nung makilala ko siya. Bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sakanya. Maibabalik ko pa kaya ang nakasanayan ko o mananatili nalalang ako sa sitwasyon ngayon?