Phase Seventeen

985 24 5
                                    




Wala sa sarili akong lumabas sa office ni Dad. Hindi man lang ako nakapag salita. Suddenly, I became mute for a while. Did I hear it right, right? Pakakasal ako ni dad kay Keanu?

But I don't want to marry Keanu! I don't love him and my heart is owned by someone else now.

Pahirapan ang pag tulog ko sa gabing iyon. I keep on thinking about how to tell dad that I don't wanna marry Keanu as he wanted. Hindi pa naman niya nasasabi kay Tito Kellan ang tungkol dito pero sigurado ako na sa oras alokin ni Dad ang mga Almendarez ay papayag ang mga ito.

I don't know with Keanu though. Mukha kasi siyang hindi mapipilit sa bagay na hindi niya gusto gawin. Right! I'll talk to him. He seems not to like girls that are way younger than him. At parang wala pa sa isip niya ang pag-aasawa.

Saturday morning came. Daddy's words from last night keep bugging me. Mabuti at pinapapunta kami sa school dahil kami may practice for the graduation ball next week. Dahil kung sa bahay lang ako mananatili ay baya mabaliw ako kakaisip.

And I'm still contemplating whether I should tell Gael about it or not.

Monday came like a whirlwind. Ngayon umaga aalis si dad papuntang Manila kaya balik apartment na naman ako. Pinapansin na ako ni kuya at parang nakalimutan na niya ang nangyari noong biyernes.

Sa tuwing nasa hapag kami ay palagi akong nag aabang kung kalian ulit mabubuksan ang usapan na iyon. Because this time, I'm gonna tell daddy that I will not marry Keanu.

But... I know daddy. If he wants something from me, there's no day that he'll not remind me about it. Kaya nakakapagtaka na after two days ay hindi pa rin namin napag-uusapanan angg tungkol sa bagay na iyon. Maybe he changed his mind? I hope so.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko doon. I never bother telling Kuya about it because dad seems not serious about what he said to me last Friday night. Baka problemado lang kaya nasabi iyon?

And besides, I don't have time to think about it this time because this week is hell for us. Our finals exams are this coming Wednesday to Friday. Plus, we have to practice for our graduation ball this Saturday. Tapos mamaya na rin ibibigay ang clearance namin na dapat ma cleared before the exam.

Ano ba, plano ba kaming patayin ng school?!

"Clavelle, hindi ko na kaya!" reklamo ni Mayette.

Nasa apartment ko kami ngayon. We're partners in our Org-Management project.

"Okay na 'yan. Pwede ka nang matulog." I said, my eyes not leaving the screen of my laptop.

Tapos naman na siya parte niya kaya pwede na siyang magpahinga. Tapos na rin naman ako pero kailangan ko pang e reread ang lahat.

"Hindi pa rin pwede. Hindi ko pa tapos gawin yong sa Ethics."

Sinulyapan ko siya. Natawa ako nang makita siyang nakahilata sa sahig. I shook my head and continued on with what I was doing.

"Hays! Kainis naman oo! Gusto ba nila tayong ma deads? Makakagraduate nga tayo pero bago pa man tayo makapag march ay feeling ko mababaliw muna ako. Paano nalang 'yong makakapartner ko sa gradball kung haggard ako!"

I didn't know how we survived those days. Mabuti nalang at nandiyan ni Mayette. Her presence somehow made me sane and not break down. Halos wala na akong tulog kakareview.

Even Gael. He's so busy with his studies kaya hindi pa kami nagkikita. Now I can't wait for this week to end. Gusto ko na siyang makita at mayakap.

Leanna Clavelle | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon