CLOSING

1.5K 26 90
                                    










Five years later...


"Pupunta ka diba?"

I'm busy folding some of my clothes. Kararating ko lang kahapon mula New Zealand kaya medyo busy ako sa pag-aayos ng mga gamit. Pwede ko naman 'to ipaayos sa mga katulong mula sa bahay pero kaya naman kaya ako na muna.

Sinulyapan ko si Roselee sa screen ng iPad.

"Saan?"

She rolled her eyes.

"Duh? Diba mamaya na 'yong reunion ng batch niyo sa Senior High School?"

"Uhm yes..." I nodded. "But I'm not sure kung pupunta ba ako. I'm still exhausted from--"

"Anong I'm not sure? Pumunta ka!"

Hindi ko alam kung bakit ba mas interasado si Roselee sa reunion namin. Mas excited pa siya kesa sa akin. I shook my head, smiling.

"Hindi ko nga sure. pagod pa ako sa byahe."

"You had the whole day yesterday to rest, kaya pumunta ka na. Ngayon ka pa nga lang makaka-attend tapos sasayin mo 'yong opportunity na maka catch up ang batch mo."

"Well, I can go to next year's reunion." I simply said and shrugged.

Sinamaan niya ako ng tingin. Ano ba kasing pinaglalaban ng babaeng to? I already had an idea in the back of my head but I wanted to hear it from her.

I chuckled. "Fine!"

Her face lit up in no time. She locked up both her hands and curved her lips into a smile.

"Ganyan dapat, Clavelle. Lumabas labas ka naman at ng maarawan ka. Tapos hanap ka na rin ng batch mong guy na single tapos reto mo ako." She wiggled her brows.

I knew it! Hindi naman kasi niya ako pipilitin kung wala siyang sadya. Itong babaeng talaga hindi pa rin nagbabago. Still the same Roselee I know.

"Basta alam no na 'yong mga type ko ha? Hindi kita pinalaking paurong."

"Are you referring to Gerard?" Inosente kong sabi. Pero ang totoo gusto ko lang siyang asarin.

Her smile faded and eyes turned like daggers. "Alam ikaw..." She pouted. "Ugh! I hate you Clavelle!" She dramatically said.

Napatawa ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang naging sila na hindi ko man lang alam. Nalaman ko namang nung nag break silang dalawa about a year ago. I didn't expect it. Parang aso't pusa silang dalawa noon.

"Ba't ba kasi hindi ko napansin na kayo pala dati?"

"Ang dami mo kasing ganap sa buhay dati kaya..." Humina ang kanyang boses.

Tama nga naman siya. Sa dami ng problema ko noon ay parang nawalan na ako ng paligid. I felt guilty, you know. She was there, alam niya na rin ang nangyari sa akin habang ako wala man lang ka alam-alam tungkol sa kanya.

"I'm sorry."

She smiled.

"Ano ka ba! Hindi mo kailangan mag sorry at isa pa matagal na iyon. Nakalimutan ko na 'yon kaya nga erereto mo ako diba?"

"Pero siya hindi ka pa rin niya nakakalimutan."

Hindi siya nakapagsalita sandali. She blinked her eyes twice.

"Ewan ko sayo, Clavelle. Ang mabuti pa mag handa ka na. Basta iyong bilin ko." aniya nang makabawi.

Hindi ko na inungkat pa ang sa kanilang dalawa. Ipagdadarasal ko nalang na baling araw magiging masaya rin sila.

Leanna Clavelle | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon