I'm carrying a tray with me that has a piece of chocolate cake and milk tea. This is a coffee shop but I'm not really into coffee. Weird right? I just really like the ambiance here and it is also a very good place to study and lucky for me that it is open 24/7.Huminga ako ng malalim habang tinatahak ang daan pabalik sa lamesa. Hindi ko na mabilang kung pang ilang buntong hininga ko na ito. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan.
Dahan dahan at maingat kong nilagay ang mga inorder ko para hindi makagawa ng ingay at nang hindi maistorbo si kuya. Mukha kasing seryosong seryoso siya sa kanyang binabasa. Halos mag tagpo na nga ang kanyang kilay habang nagbabasa ng maigi.
Carefully, I sat in front of him. I didn't notice that my eyes were glued to him and gawking absentmindedly. I don't know how, but he looked so clean in my eyes in an attractive way. I didn't expect that someone could be this so handsome with a clean-cut hair. His thick brows suited his hooded eyes with thick, dark lashes. His droopy nose looked so attractive with his thin reddish lips that looked so soft. His defined jawline made him more manly.
He seems to often kill his time at the gym. Broad shoulders, tonearms, and slightly protruding veins. And I'm pretty sure that underneath the white long sleeves he's wearing are his perfectly sculpted abs.
Halos hindi na mahiwalay ang aking tingin sa kanya kaya agad akong natauhan nang mag-angat siya ng tingin at nahuli akong nakatitig sa kanya. Taas ang kaliwang kilay na tila ba nag tatanong kung anong kailangan.
I blinked my eyes twice. My cheeks heated at the thought that he had caught me gawking at him shamelessly. Umayos ako ng upo at tumikhim bago siya binigyan ng palakaibigang ngiti. "Hi! I'm Clavelle po, kuya!" masigla kong sabi.
Naging hilaw ang aking ngiti dahil tinitigan niya lang ako na para bang hindi siya interesado sa kung sino man ako. Lumipas ang ilang segundo ay tumango siya bago ibinalik ang atensyon sa pag babasa at hindi man lang ako nginitian pabalik!
Sungit naman kuya!
Ano ba kasi ang nasa libro niya para ituon ang buong atensyon doon? I lowered my gaze at the book he was holding. Civil Code of the Philippines basa ko sa aking isipan. Oh, law student! Mangha kong ibinalik ang tingin sa kanyang mukhang seryosong nag babasa gamit ang mga mata.
"Law student ka, kuya?" tanong ko nang hindi na napigilan ang sarili.
He sighed.
"Isn't it obvious?" he lifelessly said without looking at me.
Law student nga!
Masungit na nga, pilosopo pa! Tatahimik na nga lang ako dahil baka paalisin niya ako o 'di kaya naman ay ako pa ang pagbuntungan niya dahil mukha siyang stressed na gwapo, malaki pa naman ang katawan, baka— uminit ang aking pisngi nang iba ang pumasok sa aking utak.
Bakit parang nagiging green na itong utak ko? At isa pa, madaldal lang naman ako pag kay kuya Declan at Yaya pero bakit parang nagiging madaldal na rin ako sa lalaking ito na hindi ko naman kilala?
Hindi ko nalang pinansin ang mga inisiip at ang pabalang niyang sagot kaya pinili kong tumahimik nalang. Kinuha ko ang aking laptop para masimulan na ang mga assignments.
While waiting for my laptop to load, I darted my gaze outside. Between the glass walls, I could see how busy the road is. The sun is nowhere to be found, even though its traces are still visible in the sky. Nag aagaw man ang kulay kahel sa dilim ay hindi parin ito naging hadlang na maipakita ang kagandahan nito. The sky is even more aesthetically beautiful now!
Napabalik ako sa realidad nang tumunog ang aking cellphone. O akin ba? Naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone sa aking bulsa ay natanto kong akin nga iyong nag ri-ring. Randam ko ang tingin ng lalaki sa aking harapan kaya walang pag aalinlangan kong dinukot ang cellphone sa bulsa ng aking palda at tinignan kung sino ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
Leanna Clavelle | COMPLETED
Любовные романыClandestine Entries (1): Leanna Clavelle Lucky are those who are filled with love Fortunate are those who are above Those who are favored by the universe How I wish I am too for my life, I'm averse Then I met him Didn't...