CHAPTER 22
“I can have a simple gazebo made facing the ocean. I can also have a trellis made over this walkway. Your choice.” Saad ni Frank habang naglalakad sila ni Lyn sa walkway.
“I like the Gazebo idea.” Saad ni Lyn. Pinag-uusapan nila ngayon ang mga preparasyon sa resort para sa isang beach wedding na igaganap doon. Nagrequest kasi ang couple ng gazebo para doon gawin ang wedding rites. The reception shall be an open-air luau type of affair sa kabilang bahagi ng resort.
“Do you now?” May laman ang komento ni Frank. “So you like Beach weddings huh?”
“Sira!” Tumawa si Lyn at tinapik pa si Frank. “Para lang sa clients. Hindi pa rin nagbabago ang isip ko tungkol sa marriage.” Pagliliwanag ni Lyn.
“Akala ko nagbago na…” sagot ni Frank na nagtatawa.
“Hindi porke’t nagco-cooperate ako sa client ng resort tungkol sa kasal nila ay sang-ayon na ako sa prinsipyo nito. Kung gusto nilang magpatali eh di sila. Basta ako masaya na ako sa ganito.” Sagot ni Lyn.
“Hindi na ba talaga mag-babago ang isip mo tungkol sa kasal?” seryosong tanong ni Frank.
“Hindi na siguro Frank.” Sagot ni Lyn na nakatingin sa malayo.
“Kahit man lang para sa baby mo?”
“Lalong hindi para sa baby lang.” sagot ni Lyn. “Dapat mahal mo yung tao. Someone you can really spend your life with.”
“Someday, magbabago rin ang isip mo.” Sabi ni Frank. “At pagnangyari yun, tatawanan talaga kita.” Hinampas ulit ni Lyn ang braso ni Frank.
“Ikaw talaga! Dapat nga suportahan mo ko sa mga prinsipyo ko. Tapos parang pinagdadasal mo pa na magkamali ako.”
“Hindi sa ganoon. Ang sinasabi ko lang, mas mainam sa buhay ang may katuwang. Tingnan mo tayo, nandito ako para tulungan ka dito sa resort, eh di ba mas magaan? Yun lang ang point ko.” Paliwanag naman ni Frank.
“Sinasabi ko rin sa’yo na hindi ko kailangan ng katuwang. I am financially stable and emotionally speaking, I do not need a partner as a prop to make me feel good. Para namang di mo ako kilala Frankie.” Seryosong saad ni Lyn. Frankie. It has been Frankie recently. Napangiti si Frank sa tawag sa kanya ni Lyn. It sounded like an endearment to his ears. “O, bakit ka na naman nakangiti diyan?”
“Wala. Masaya lang ako kasi kasama kita.”
“Ikaw talaga sobrang bolero.” Nasa may reception area na si Frank at Lyn kaya’t nagpaalam na si Frank.
“O, sige, I’ll have to go. Marami pa akong gagawin sa opisina.” Yumakap ito kay Lyn.
“Okay.” Napangiti si Lyn. Hinawakan ulit si Frank sa braso. “Frank,” humarap si Frank kay Lyn. Niyakap itong muli ni Lyn ng mahigpit. “Salamat sa lahat ng tulong mo.”
“Don’t mention it. I love helping you. I love being here with you. That is reward enough for me.” Binulong ito ni Frank sa tenga ni Lyn. Halos gusto nang sabihin ni Frank na I love you, pero pinigilan niya ang sarili. Baka lumayo na sa kanya si Lyn and he cannot risk that. Hindi pa ngayon.
“Salamat.” Hinalikan ni Lyn sa pisngi si Frank. Parang beso lang. “Sige, go, ingat lang palagi.” Ngumiti si Frank at humiwalay na sa yakap ng babae. Hinalikan din niya sa pisngi si Lyn. Napapikit ito. Shit! How he wants to do more than this chase kiss. But, he has to be patient. Tumalikod na siya at tinungo na ang direksyon ng parking lot.
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
General FictionPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...