CHAPTER 7
Kasalukuyang may tinatapos si Lyn na isang legal opinion nang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.
“O, ano na naman yan She… haven’t I told you not to disturb me? May tinatapos ako.” Inis na itinapon ni Lyn ang hawak-hawak na ballpen sa desk niya.
“Ma’am sorry po, may nagpadala na naman po kasi ng…”
“Ano ba yan?” Nakita ni Lyn ang dala-dala ni Sheila, isang basket ng kung anuman na inayos upang magmukhang bouquet of flowers.
“Ma’am parang mga gamit ng baby po. Onesies tsaka mga maliliit na tuwalya. Ang galling ng gumawa ano?” hindi napigilan ni She ang mamangha sa creativity ng gumawa. Ang mga malilit na tuwalya at onesies ay ginawang parang mga bulaklak upang magmukhang bouquet of roses ang nasa basket.
“Ipatong mo nga dito sa mesa ko.” Naiinis n autos ni Lyn. “Kanino na naman galing ito?”
“Baka kay Architect na naman. Halos araw-araw magpadala yun eh. Wala pang pinapadala ngayon. Eto maam yung card oh.” Inabot ni Lyn ang card na kalakip sa kakaibang arrangement.
Because I feel I also have to take care of your little one.
Zed
“Punyeta talagang Zed yan!” nagulat si Sheila sa bulalas ng boss niya. “Hindi talaga ako titigilan ng unggoy na yun! Grrrr…” gigil na gigil sa galit si Lyn.
Dalawang linggo na siyang pinapadalhan ng kung anu-ano ni Zed. Bulaklak, cake, meryenda, and this… this is the last straw. Ngayon, magkakasuspetsa na sa opisina na mayroon siyang dinadala. Isang bagay na gusto muna sana niyang itago habang kaya pa. “Put him on the phone. I need to talk to him.” Utos ni Lyn sa secretary.
“Sir, si Atty. Lyn po gusto kayong makausap.” Narinig ni Lyn ang usal ng dalaga habang kausap si Zed gamit ang office phone ni Lyn. “Sir, huwag na po, sa phone na lang po…”
“Bakit, ano ba yan… akin na nga yang telepono…” inagaw ni Lyn ang telepono.
“Hoy, hayop ka, tigilan mo na ako pwede!” Halos umuusok ang ilong ni Lyn sa inis.
“Lyn, babe, it’s nice to hear from you.” Insulto pa ng lalaki sabay tawa.
“Kung gusto mo akong inisin huwag dito sa opisina, may prinoprotektahan akong reputaasyon dito. Bakit mo ako pinadalhan ng mga gamit ng baby? Anong gusto mong palabasin?” halos sumisigaw na si Lyn.
“Alam kong akin ang batang ‘yan Lyn. Huwag mo nang ipagkaila sa akin. I did my homework and I know it is mine. Hindi mo dapat ako iniiwasan dahil kailangan mo ako.” Lalong nagpainis kay Lyn ang sagot ng lalaki.
“Ang kapal din ng mukha mo. Paano mo nasiguro na saiyo nga ang bata?” namilog ang mga mata ni Sheila sa narinig. Buntis kaya ang boss niya? Kaya ba nagpadala ng mga gamit ng baby si Architect dahil siya ang ama ng bata?
Napansin ni Lyn ang pamimilog ng mata ni Sheila. Sinenyasan ito na umalis sa opisina niya. Dinagger look ito paramdam na dapat siyang manahimik sa anumang balitang narinig.
“Lyn, let’s talk please. Not over the phone. See me.”pakiusap ni Zed.
“Zed, alam mo ang patakaran ko. I don’t want to see you anymore. Kaya nga inassign ko na kay Liz yung account mo. Please don’t make it any more complicated.”
“Ikaw lang naman ang nagpapacomplicate sa situation eh. I want to talk to you. Susunduin kita diyan mamaya ng 6:00.” Binabaan na si Lyn ng telepono.
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
General FictionPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...