CHAPTER 27

393 10 3
                                    

CHAPTER 27

Tensyonado ang atmosphere sa waiting area ng ospital sa labas lamang ng delivery room.  Sa isang bahagi magkatabi sina Joy, Joyce at Frank.  Ang dalawang bata naman ay abalang-abala sa paglalaro ng PSP at Ipad na katabi din ng tatlo.

Sa isang banda naman mag-isang nakaupo si Zed, nakayuko ang ulo sa mga kamay na nakapatong ang siko sa mga hita niya. 

Zed was worried.  Hindi pa kabuwanan ni Lyn.  Pakiramdam niya epekto ito ng di inaasahang mabilisang pagniig nila kaninang hapon. 

Pucha!  Kasalanan ko pa yata.  Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa mag-ina ko. Isip ni Zed.

At siyempre, hindi rin mawala sa isip niya na nakapagpalala pa ang stress na dinulot kay Lyn nang sinaktan nito si Frank. 

Yang gagong yun kasi, nagpakita pa. Inis na inis si Zed kay Frank.  Inangat ang ulo at dinagger look ang lalaki na kausap si Joyce.  Hindi nakita ni Frank ang titig ni Zed na para bang gusto na niya itong patayin.

Naalala bigla ni Zed ang sinabi ni Lyn.

Sila na nga kaya talaga ni Frank?  Naku Lyn, don’t do this to me kung ayaw mo talagang magkagulo tayo.  Nagdulot ng kakaibang galit sa kanya ang sariling naisip at naalala.

Diyos ko! Iligtas mo ang mag-ina ko.  Panalangin na lang ni Zed.

Naalala tuloy ni Zed ang sinabi ni Joy nang ipinasok na si Lyn sa delivery room.

“Don’t worry.  All primee babies either come very early or very late.  It’s normal.  The doctors will take care of her.”  Joyce assured her with a tap on the back bago ito umupo sa kinauupuan nito ngayon.  Ang primee ay ang unang anak ng isang nagbubuntis.  

The waiting area was relatively silent despite the growing tension, kaya’t nagulat ang lahat nang bumukas ang pinto ng delivery room at may lumabas na doctor na naka green pang scrub suit.

“Sino po ang asawa?” tanong ng baritonong boses ng lalaking doctor.  Sabay tumayo si Frank at Zed.  Dinagger look ni Zed si Frank kaya’t agad din itong umupo.  Nilapitan ng doctor si Zed.  “I am Dr. Neil De Guia, the surgeon.  I was brought in by the delivery team because of Lyn’s situation.  She is… in critical condition.”  Nagpahina kay Zed ang narinig.  Narinig din ito ni Joy nang nagsalita ang doktor.

“I’m the mother of Lyn Villegas, Joy Garcia Villegas, what do you mean critical?”  Joy’s tone was one with authority.  She is a licensed nurse in the States.  She was a vision of strength, habang nagsisimula nang manghina sina Zed at Frank.

“Lyn is delivering about 4 weeks early.  That alone alredy poses some danger.  The OB triend to deliver the baby normally but the baby is still in breach position.  The problem is that she is quickly losing amniotic fluid.  Her cervix is dilated but the baby would not budge.  An emergency ceasarian section was immediately elected which is why I was brought in.  But, we cannot do it immediately because her blood pressure is shooting up.  We have already given her medicines and we hope she quickly responds to it.  If she doesn’t we need you to make a choice on who to save.”  Hindi makasunod si Zed sa sinabi ng doctor except yung last sentence na pinapapili siya kung sino ang ililigtas. 

Napaupo si Zed sa narinig.  Hindi niya kayang mawala si Lyn.  Ngunit kung hahayaan niyang ang bata ang mawala alam niyang hindi siya mapapatawad ng kasintahan. 

“Dok, alam po ba ni Lyn ang sitwasyon?” Joy asked.

“She knows, we talked to her about it.  She wants us to save the baby.”  Sagot ng Doktor.

FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon