CHAPTER 30
Pinanood ni Lyn si Zed habang inaayos nito ang hinahandang breakfast sa isang foldable breakfast table sa harapan niya. Hindi pa gaanong maka-galaw si Lyn due to her ceasarian operation. Kahapon pa siya nakalabas ng ospital, nakakalakad na pero masakit pa rin sa parte ng inoperahan sa kanya. Umiinom pa rin siya ng mga painkillers kaya’t groggy pa rin siya pag-uwi niya sa resort.
Watching Zed prepare her breakfast brought familiar feelings to her. Ang pag-aalagang ito ni Zed ngayon sa kanya ay nakakapanumbalik ng pag-aalaga nito sa kanya sa condo nang maikling panahon na nagsama sila dito.
“You know you don’t have to do that. Nandyan pa naman sila Mai-Mai.” Saad ni Lyn na naka-upo pa ngayon sa kanyang kama at nakasandal ang likod sa wooden headboard nito.
“I don’t mind serving you. Alam mo ‘yun. Ano nga yung sabi ni Christian Grey sa pelikula? We aim to please?” Natawa si Lyn sa sinabi ni Zed.
“At kalian ka naman na nanood ng pelikulang yun?” tanong ni Lyn.
“On-line, Nung nasa ospital ka. Na bore ako kaya nanood ako. Hindi naman maganda.” Komento ni Zed. “Mas magaling pa tayo doon.” Kumindat si Zed. Humalakhak si Lyn. Biglang sumakit ang tiyan ni Lyn kung saan siya inoperahan kaya’t biglang natigilan ito at kumunot ang noo. Agad-agad itong pinuntahan ni Zed at inalalayan. “O, yan kasi… tatawa-tawa, hindi pa kaya ng stomach muscles mo.” Pangaral pa ng lalaki.
“Ikaw kasi kung ano-anu pinapa-alala mo.” Sambit ni Lyn.
“Eh totoo naman ah. Walang panama sa’kin yang Christian Grey na yan. Besides, hindi ako sadista.” Gusto na namang tumawa ni Lyn ngunit pinigilan na niya. “Kain ka na?” tanong ni Zed na inalalayan na si Lyn na tumayo. Nag-cooperate naman si Lyn. Gutom na siya at walang energy mag-inarte. In a few moments nasa sofa na siya at nasa harap niya ang breakfast table na foldable kung saan nakapatong ang omelette, bacon at toasted bread na si Zed pa ang nagluto. May gatas na rin na nakahanda.
Pinanood lang ni Zed ang nobya sa pagkain nito ng breakfast kaya’t nailing tuloy si Lyn.
“Ikaw? Hindi ka ba magbrea-breakfast?” tanong ni Lyn.
“Mamaya na. Nag-kape na ako.” Sagot ni Zed. Patuloy lang na kumain si Lyn. Hindi na niya pinansin ang namumuong awkward silence sa pagitan nilang dalawa.
“Why did you leave?” nagulat si Lyn sa tanong. It was Zed that interrupted that awkward silence after several minutes of watching her eat.
“Ano sa tingin mo?” sagot ni Lyn.
“I honestly don’t know.” Sagot ni Zed na sinuklay ang buhok ng kanyang kamay, a sign of frustration. “Basta ang alam ko, I left you in good spirits. You were practically living in with me in my condo even if we decided that I will let you live in your place. We were good. Tapos pagbalik ko wala ka na. You just disappeared.” Hindi sinagot ni Lyn ang tanong. Bagkus ay lalo pang pina-igi nito ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Can you just answer my question, why did you leave me?” tanong ulit ng lalaki na nakatingin na sa kanya ngayon. Padabog na nilapag ni Lyn ang kubyertos sa plato at sinubukang tumayo. Agad itong nilapitan ni Zed at inalalayan.
“Zed, can you just please leave me alone.” Malumanay na sagot ni Lyn. Bumalik ang mga ala-ala ni Lyn ng umagang yun. Hindi maiwasan ni Lyn na mamuo na naman ang galit sa dib-dib. “I can very well manage on my own. Marami akong kasama dito sa resort. Mama and Joyce are still here. Kaya pwede, nakikiusap lang ako, can you go?”
“No.” direktang sagot ni Zed. Nakatayo na sila. Nakayakap si Zed kay Lyn habang inaalalayan ito. Hinigpitan pa ni Zed ang yakap sa nobya at nilapit ang mukha nito sa mukha ni Lyn upang malanghap ni Lyn ang mabangong hininga ng lalaki. “I won’t leave until I get the answers I deserve. I don’t care if I piss you off. I need the answers Lyn.”
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
General FictionPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...