CHAPTER 12
Pagdating nila Lyn sa kanyang condo agad namang tinungo nito ang banyo at naligo. Si Zed naman ay sa kusina tumungo.
Napansin ni Zed na kahit sa unang tingin ay malinis ang kusina ay marami nang expired na pagkain sa pantry at ref. Mukha ring matagal nang hindi dinidefrost ang ref ni Lyn. Nasabi na ni Lyn sa kanya minsan na pagkailangan niya ng tiga-linis pinapapunta ni Lyn ang kapatid ni Sheila. Mukhang matagal na nang huling dinalaw ito ng taga-linis.
Kaya’t bago pa magluto si Zed ay nilinisan niya ang buong kusina. Pagkatapos nito ay nagluto na ng pananghalian nila. Simple lang. Adobo at corn soup. Yun lang kasi ang nakita niya na madaling lutuin galing sa ref ni Lyn. May manok din doon ngunit naisip niyang mamayang gabi na lang yun kung abutin sila ng gabi dito.
Pinapalambot na lang ni Zed ang adobo nang naramdaman niyang may tao sa likod niya. Nilingon niya ito at nakita si Lyn na bagong ligo, naka-bath robe at may tuwalya sa buhok. Nginitian ito ni Zed.
“What are you doing?” tanong ng nakatulala na si Lyn.
“Cooking us lunch.” Ngumiti lang si Zed at pinagpatuloy ang ginagawa. Kakaiba ang eksena. Nakapolo si Zed, maong 501 Levis jeans at naka-leather shoes pa. Mas bagay sa kanya ang mag-inspection sa construction site bilang isang architect at hindi sa kusina.
“This is a revelation.” Humila si Lyn ng upuan at umupo. “I didn’t know you loved to cook.”
“You inspire me to cook.” Sagot lang ni Zed na nakatalikod pa rin sa babae habang tsinichek kung okay na yung corn soup.
“Where did you learn to do all these?” tanong ni Lyn in all curiousity. Parang may kutob siyang may nakasama na ito dati. Maybe from a former live-in partner? Medyo sumama ang loob ni Lyn sa tinakbo ng sariling isip.
“From my Mom.” Sagot naman ni Zed. Lyn felt some relief from the statement. “She’s from Pampanga and loves to cook. We always have a hot meal at home. All done from scratch and I learn from watching her and helping her out. How about you? You don’t cook?”
“Well, I can whip up a mean spaghetti… but no… I don’t cook. Not like you, I mean.” Nahihiyang sinagot ni Lyn ang tanong. Mabuti na maging honest. Baka kung ano pang hanapin sa kanya ng lalaking ito. Sa kama lang at sa law office siya magaling. All other things, she’s not really good at, especially relationships.
“That’s all right. I can cook for you until we grow old together.” Nilingon ni Zed si Lyn at ngumiti ito.
Grow old together? Anong ibig niyang sabihin?
Lyn’s back stiffened at kumunot ang noo niya. Kinabahan na naman si Lyn. Tumayo na ito at nagpasiyang magpalit na ng damit. Mukhang hindi niya kakayanin ang direksyon ng topic nila.
“I’ll just get dressed.” Paalam ni Lyn na lumayo na sa lalaki.
Hindi mapakali si Lyn sa sinabi ni Zed kanina. Dahil dito hindi siya makapagpili ng isusuot.
Ano ba nagyayari sa ‘kin? Dito lang naman kami sa bahay.
She finally settled on a t-shirt and leggings.
Nung muli siyang lumabas ay nakahanda na ang mesa pati ang pagkain. Mabango ang buong kusina. Dagdag pa dito ang fresh orange juice na hindi alam ni Lyn kung saan nanggaling. Umupo na lamang si Lyn.
“Wait…” sabi ni Zed nang akmang kukuha na siya ng rice. “We have to say grace first.” At nagdasal na nga ang lalaki.
This guy is really so full of contradictions. Naisip ni Lyn habang nakatungo. This has made him more interesting to her. Parang gusto niyang unti-unting diskubrehin ang iba’t-ibang layers ng boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
General FictionPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...