CHAPTER 8
Maraming tao ang dinatnan nila Lyn sa bahay ng sekretaryang si Shiela. Tuwang-tuwa ang nanay ni Shiela na si Nanay Babeng na nakarating si Lyn. Para tuloy ang lumabas ay siya ang panauhing pandangal sa piging na iyon. Pinakilala ni Shiela si Lyn sa lahat ng kamag-anak at kapitbahay na manghang-mangha naman sa kagandahan niya.
“Ito pala ang boss mo She, ang ganda, mukhang artista. Pa-selfie naman po.” Saad ng kapatid ni Shiela na si Bel. Tumabi ito kay Lyn at napunta sa tabi si Zed na amused sa nangyayaring eksena.
“At sino naman itong Matt Bomer look-alike na ito!?” halos pasigaw na tanong ng baklang kapitbahay ni Lyn na si Sam, short for Samuel. Kilala na ni Lyn si Samuel dahil ilang beses na siyang nagpa-make up ditto.
“Ah… Sam…” halos di makasagot si Lyn.
“Fiance niya.” Si Zed ang sumagot. Namilog ang mata ni Lyn sa sagot ni Zed.
Fiance? Ni hindi nga kita boyfriend fiancé pa? Naisip ni Lyn na naiinis sa sagot. Ngayon tiyak maraming magtatanong.
“Naku Ma’am Lyn, hindi nakwekwento sa amin ni Shiela yan.” Saad naman ni Sam. “Dapat ako ang MUA sa wedding ha.” Dagdag pa ni Sam na ngayon ay naka-angkla sa bisig ni Zed. “Hoy Bel, picturan mo naman kami. Tag mo na lang ako sa face book.” Tawag ni Sam kay Bel na agad-agad naman piniktyuran ang bading at ang gwapong katabi na amused na amused sa mga nangyayari.
“Hoy, tama na yang mga picture-picture na yan.” Tawag ni Nanay Babeng. “Kain na kayo Mam Lyn, sir…” tawag ni Nananay sa dalawang panauhin. “Yung driver nyo pala sir.”
“Ako na ang bahala doon Nay.” Sagot naman ni Shiela na kumindat pa kay Lyn.
Aba-aba-aba… at ang secretary ko may balak pa yata? Isip ni Lyn, namilog ulit ang mata nito, this time directed at Lyn.
“Dito kayo… dito…” halos hilahin ni Nanay ang dalawa patungo sa isang maliit na lanai sa tabi ng bahay. Pinaupo sila sa upuang bangko na yari sa kahoy, na nakaharap sa isang mesang kahoy din.
“Pasensya na kayo Mam. Dito na lang kayo para hindi na kayo magulo ng mga tao sa loob. Masarap ako magluto. Tiyak magugustuhan ninyo ang handa ko.” Saad pa ng Nanay ni Shiela.
May karinderya sila Shiela sa may paradahan ng jeep. Walang pwesto, mesa lang at mga upuan. Duda pa nga ni Lyn ang mesa at bangko kung saan sila nakaupo ay ang ginagamit nito sa transient type na karinderya ng pamilya ni Shiela. Naikwento na ito ni Shiela sa kanya kaya’t alam niya ang tungkol sa pamilya nila. Ito ang bumuhay sa kanila at nagpatapos sa pag-aaaral sa kanilang magkakapatid. May isa nang nurse at isang teacher si Nanay Babeng. Si Shiela kumuha ng Business Management kaya’t napunta sa opisina nila. Si Bel naman ay Legal Management dahil gusto daw maging abogado.
Pumasok muna si Nanay Babeng para ipaghanda na sila ng makakakain habang nagkakagulo na ang buffet style na handaan sa loob.
Surprisingly, relatively tahimik ang napwestohan nila Lyn at Zed. Isang ilaw lang sa kanto ng bahay ni Shiela ang nagpapaliwanag sa lugar kaya't medyo may kadiliman ito. Nakatulong naman ang maliwanag na buwan. Peace and serenity in the middle to the metropolis. Pero, sobra talagang tahimik. Lalo pang pinatahimik ng hindi pagkikibuan ng dalawa.
Hinawakan ni Zed ang kamay ni Lyn. Inilayo naman agad ito ni Lyn sa lalaki. Ayaw niyang magdikit ang balat nila. Alam na ni Lyn ang consequences noon.
“Tigilan mo nga ako Zed. Kanina ka pa ha.” Ngumiti lang si Zed sa dalaga. Napikon si Lyn. “Bakit mo nga pala sinabi kanina na fiancé mo ako? Ni hindi nga kita boyfriend, fiancé pa!” inis na bulalas ni Lyn.
“Bakit? Hindi pa ba?” Nakangiting saad ng binata.
“Ni hindi nga kita gustong makita tapos assuming ka dyan.”
“Assuming?”
“Assuming… yung nag-aassume ka ng wala namang basehan.”
“Basehan? Gusto mo ng basehan?” nagulat si Lyn sa sunod na nangyari. Hinalikan siya bigla ni Zed ng mariin. Naubos ang hininga ni Lyn habang nanghina ang buo niyang katawan. Parang naubusan siya ng lakas na pumiglas pa o tumutol sa ginawa ng lalaki.
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
Fiksi UmumPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...