CHAPTER 20
The warm ocean breeze was blowing gently on her cheeks. It was quiet, interrupted only by the sound of the waves gently rolling on the shore and the melodious sound of birds chirping their afternoon song.
She loves it here. Lyn gently caressed her burgeoning belly. Lumalaki na ang baby sa kanyang sinapupunan and she is really very happy being here. At kahit madalas sumagi sa isipan niya si Zed, she deliberately pushes the thought away. She doesn’t like negative thoughts marring her contentment in this little heaven that she carved for herself.
“Tita Lyn,” Mai-Mai’s call interrupted her serene thoughts while she was seated on a hammock facing the beach. Nilingon niya ang parating na Mai-Mai. “Nandito po si Tito Frank.” Nakita ni Lyn na nakasunod sa kanya ang isang pamilyar na lalaki at napangiti si Lyn. Ma-PR talaga itong si Frank. Kung dati ay tinataray-tarayan ito ni Mai-Mai, madali nitong napa-amo ang teen-ager hanggang ngayon nga ay Tito Frank status na ito sa bata at pati na kay Hans.
Sino naman ang hindi mapapa-amo ni Architect Francisco Osmena? With his Spanish mestizo features, he looked like an angel that was carved by Michaelangelo. He is also generous with his smiles and his respectful courtesy and politeness that even Aling Minda and Mang Fred are truly smitten by him.
Simula nang magkita sa grocery sa SM Cebu madalas na siyang binibisita ni Frank. Nung una ay iritado pa siya, pero talagang likas na mabait, magalang at masayahin si Frank kaya’t hindi na namalayan ni Lyn na naging close na sila bilang magkaibigan. Nagbeso si Frank sa kanya. Feeling close na talaga si Frank sa kanya.
“O, akala ko ba nasa Davao ka pa? Napabilis yata ang balik mo.” Bati agad ni Lyn na hindi tumatayo sa kinauupuang duyan.
“Oo, mabilis natapos ang pag-uusap tungkol sa project naming sa Davao kaya nakauwi ako agad. Kumusta ka na?” tanong ni Frank. Natawa si Lyn.
“Ito naman kung maka-kumusta akala mo taon nawala. It has only four days since you last visited. But, yes, I’m fine. Thank you for asking.” Sagot naman ni Lyn. Sumenyas si Mai-Mai na babalik na siya sa bahay. Tumango naman si Lyn. Tumayo na si Lyn feeling awkward na nakatayo ang kausap habang nakaupo naman siya.
“Mabuti.” Komento ni Frank. “Siya nga pala, I brought you mangoes. Naagharvest na kasi sila Mama kaya’t she brought me 5 baaskets of mangoes from Guimaras. I brought you a basket.” Sabi ni Frank.
“Ikaw talaga, nag-abala ka pa.” sagot naman ni Lyn. Napansin ni Lyn na may dala si Frank na isang folder. “So, what brought you here sa Resort?” tanong ni Lyn.
“Well, aside from wanting to see how you are doing, I brought your Business Permit.” Sagot ni Frank.
“Great!” excited na sagot ni Lyn. Niyaya niya ito na umupo sa isang garden set sa di kalayuan. Pagka-upo nila inabot ni Frank ang folder at agad binasa ni Lyn ang laman ng folder. “Salamat Frank ha, I wouldn’t know what to do without you.” Ear to ear ang ngiti ni Frank.
Simula nang napapadalas ang pagbisita ni Frank, ito na ang tumulong kay Lyn na ayusin ang mga papeles ng resort, tulad ng pagtransfer ng titulo at ng business permit. At dahil isa rin itong Architect at licensed Civil Engineer, ito na rin ang tumulong sa renovations at repair ng ilang bahagi ng resort. He provided Lyn with skilled workers and offered advice on the design of some of the parts of the place. Lyn was really thankful to him.
“So, are you going to stay here in Cebu for good?” tanong ni Frank habang nakatitig sa napakagandang buntis na ito.
Inangat ni Lyn ang ulo mula sa pagbabasa ng mga papeles sa folder. Ngumiti si Lyn. “It looks like it.” Napatingin si Lyn sa kanyang paligid. “I love it here.” May smile of contentment sa labi ni Lyn nang sinabi niya iyon. “I might open a law office in the city after I give birth.” Natuwa naman si Frank sa narinig.
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
Fiksi UmumPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...