CHAPTER 17

385 11 1
                                    

CHAPTER 17

Malamig ang aircon sa opisina ni Atty. Mella, or R.A.M. as they call him in the office.  She is usually not bothered by the cold, but recently she is easily chilled.  Epekto na siguro ng kanyang kundisyon at pati na rin ng eksena kaninang umaga.

“Lyn, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.  Ano itong nabalitaan kong tatlong buwang buntis ka na raw?”

“Ah, sir…” nag-iisip pa si Lyn kung sasabihin ang totoo.  Paano kung tanungin niya kung sino ang ama?  Naisip na ni Lyn na sabihin na lamang ang totoo.  “Yes, it’s true Sir.”

“Lyn, I’m shocked.” Napainom si Atty. Mella sa baso ng tubig na nasa harapan niya.  “Paano na ang mga kliyente mo?”

“Sir, hindi naman po ako magre-resign or kahit magle-leave man lang.  I can manage.” Lakas loob na sagot ni Lyn sa boss niya.

“Actually Lyn, may mga kliyente tayo na tumawag ditto sa akin.  Nalaman kasi nila ang kundisyon mo at gusto nila magpalipat ng assigned lawyer.  Baka daw kasi umabsent ka ng umabsent at mapabayaan moa ng mga kaso nila.”

“Sir, you know how I work, I am not irresponsible.” Nainsulto siya sa sinaad ng boss niya.  Parang napaka-sexist ng dating sa kanya.  Parang discriminatory.  Porke ba’t babae siya at buntis pa ay hahayaan na lang niyang walang mangyari sa mga kaso ng kliyenteng hawak niya?

“I know.  Pero, sa kalagayan mong ‘yan, kailangan mo ng pahinga.” Concerned ang tono ni RAM.  Nagbago ang pakiramdam ni Lyn.  Mukhang sincere na nagmamalasakit ang tono ng boss ni Lyn.

“Sir, wala naman pong sinabi sa akin ang duktor ko na magpahinga ako.  I can manage and if it comes to a point that I can’t I will always tell you and be responsible enough to delegate my work.”

“Alam ko hija, but I only have your welfare in mind.  Para na rin kitang anak.”  Totoo ‘yun.  Actually muntik na ngang maging manugang ni Atty. Mella si Lyn kung pumayag lang ito na magpakasal sa anak nitong si Lino.

“Salamat po sir, pero…”

“There will be no buts about it.  Magpahinga ka.  Take a leave of absence.  Re-assign all your cases and come back after you give birth.  Don’t worry.  Your office will remain vacant and your entire leave will be with pay.  That is the least I can do for helping this firm grow as it is now.”

“Pero sir…”

“What?”

“Anong gagawin ko habang nagpapahinga?”

“Eh di magpahinga…”  Tumawa si RAM.

Nasa office na ngayon si Lyn.  Gulong-gulo sa conversation nila ng boss niya kanina.  Kaharap niya ngayon ang Junior Associate niya na si Jo.  Nagsimula na siyang magdelegate ng cases at clients.

“Sigurado ka ba dito sa ginagawa mo Lyn?” tanong ni Jo pagkatapos tanggapin ang ibang folders na inabot ni Jo.

“Actually masakit sa loob ko na idelegate ang mga kaso.  Mga baby ko ito.  Halos ako na ang nagpalaki sa mga ito tapos ipapasa ko lang sa iba.” Nagbuntung-hininga si Lyn. 

“Ano ka ba Lyn.  Nandyan pa naman ako sa mga kaso.  Ibabalik din saiyo ang mga ito pagkapanganak mo.  Anim na buwan na lang naman.”

“Ewan ko ba Jo.  Iba ang kutob ko sa concern ni Atty. Mella kanina.  Parang ewan…” nakaramdam kasi si Lyn na parang pinapaalis na siya ni Atty. Mella sa firm.  Hindi pa siya ready magsarili kung sakali.  Mahirap magsarili ng law office lalo na sa Maynila.

FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon