CHAPTER 4

776 13 0
                                    

CHAPTER 4

Ilang minuto na ang nakalipas pero nakatitig pa rin si Lyn sa pinto ng kwarto niya. Hindi niya maintindihan pero lalong sumama ang pakiramdam niya sa pagtaboy sa lalaki. 

Bakit ba kasi kakaiba itong si Zed?  Pwede ba ‘yun?  One night mo lang nakasama at nakita ay parang taon na ang binilang ng pakiramdam niyo sa isa’t-isa?

Totoo.  Ito ang naramdaman niya sa lalaki.  Being with him truly unnerved her.  She was just too comfortable that she had literally put her guard down.  This was also why she opened up to him after that first bout.  Why she allowed herself to be cuddled.  Why she allowed to openly become intimate with him revealing her true self.

All of a sudden, ang mga sandali ng gabing ‘yun ay bumalik kay Lyn at nagsimula siyang lumuha ng hindi namamalayan habang pumusisyon ng fetal position at binalot ang sarili ng kumot upang kahit papaano ay maibsan ang lamig na nararamdaman.

*Flashback*

Malakas ang tunog ng house music ng Diplomacy, ang favorite hangout ni Lyn.  Nasa J.P. Rizal Makati ito kaya’t hindi gaanong puntahan ng mga tao pero punong puno pag Friday at Saturday.  This is her playground.

“Another margarita Lou.” Hingi ni Lyn sa bartender.

“Hey, slow down girl.  That’s your third for the night and it’s not even 9 o’clock yet.” Sabi ni Lou with much concern habang inabot dito ang margarita. “You must have had a rough day.” Komentaryo pa nito.

“Yup, I guess so.”  Come to think of it, she did have a rough day.  She started it with a very stressful annulment hearing in Quezon City followed by hard negotiating with a Union in the afternoon.  Pagbalik niya sa office may case conference pa siya which lasted until about 7:30 PM.  She had a long day and what a nice way to end it with slow and satisfying sex with another random male.

Nakaupo si Lyn sa dati niyang upuan sa bar counter ng Diplomacy.  She surveyed the field.  Hmmm… no one interesting… although ngumiti sa kanya halos kalahati ng lalaking tumama ang paningin niya, like an acknowledgement that they know her.  May mga ilan pa nga na nagtaas ng bote nang nagtama ang mga mata nila.

Shit… mukhang naubos na yata niya lahat ng available bachelors dito.

Decided na sana siyang uminom na lamang at umuwi na, tamang antok lang para makatulog agad.  Hindi naman talaga palaging ganoon every Friday.  May success, may failure din.  Resigned na sana siya na ang Biyernes na ito ay isang sex-less night nang nadaanan ng mata niya ang isang mukha na tunay na nagpainteres sa kanya.

Lyn immediately ran down her checklist.

Matangkad. Check.

Athletic body. Check.  In fact, he has what looks like a track runner’s body.  Lean but muscular.  Like na like.

Great butt.  Check. Bakat at puno ang puwitan nito.  Bihira sa lalaki.  Hmmm...  Interesting…

Pinanood ni Lyn ang lalaking nakikipagkwentuhan sa dalawa pang lalaki.  Tumatawa pa ito minsan, parang sayang-saya sa pinag-uusapan nila.  He had a face to die for.  High-bridged aquiline nose that revealed his Persian roots. Thin lips that smiled ang lit up the place like sunshine.

At ang mata… Jesus… Deep-set… Brown… not too light, not too dark… absolutely romantic… Check.  It’s always the eyes that gets her.  She was staring at him nang tumama ang mga mata nila.  Huli siya. Agad na binaling ni Lyn ang tingin sa iba.  In fact, tumalikod na ito at hinarap si Lou.

“Another one Lou.”  Sabi ni Lyn nang nilagok na ni Lyn ang tirang Margarita sa kopita niya.  Naramdaman ni Lyn na may tumabi sa kanya.  All of a sudden, kinabahan siya.  A feeling totally foreign to her.  Never pa siyang kinabahan dahil lang sa paglapit ng isang member of the opposite sex.

FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon