Chapter 6
Nang gabing yun, umabot pa ng tatlong beses ang kanilang pagniig. Bawat pagsasama isang bagong sensasyon ang kanyang nadidiskubre. Ngunit ang tunay na nakapagpatatak sa gabing iyon ay ang mahabang kwentuhan nila habang nakahiga sa kama. Nagkape pa sila bago muling nagniig at nakatulog na si Zed sa pagod.
Habang sarap na sarap ang tulog ni Zed, dilat na dilat naman ang mga mata ni Lyn. Pinanonood ang lalaki, watching his steady breathing.
Normally, sa panahon na ito siya umaalis. Dapat na siyang tumayo at magsuot ng damit, tumawag ng taxi at matulog sa masarap niyang higaan sa sariling condo. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit tamad na tamad siyang bumangon. Parang gusto niyang magising na si Zed ang katabi.
Pero, alam niya ang consequences kung gagawin niya ‘yun. Dalawang bagay lang. Ang worst case scenario ay baka magustuhan niya ang kanyang nararamdaman, hanap-hanapin ito at hindi na niya mapigilang umasa sa lalaking ito. Worse, she might fall in love with this man, and she know very well the ending of that. Heartbreak and more heartbreak. Isang bagay na sinumpa niya na hinding hindi mangyayari sa kanya.
Ang pangalawang scenario ay baka naman mahumaling sa kanya ang lalaking ito at mahirapan na siyang iwasan ang pangungulit nito. Example na doon si Kyle na hanggang ngayon, two years after that one night stand ay nangungulit pa rin.
So, huwag na. Back to the old routine na lang. Safe, no complications, no connections, just the memory of a night of great sex. That, she can live with.
Nang makapagdesisyon si Lyn ay unti-unti itong kumalas sa pagkakayakap ng lalaki. Nung una niyang tinangka ay lalo pa itong humigpit sa pagkakayakap. Ayaw siyang bitiwan. Nakaisip siya ng paraan.
“Babe, punta lang ako sa bathroom.” Binulungan niya ito. Sabay niyang kinalag ang pagkakayakap nito sa bewang niya. Tumayo na siya at pinulot ang mga saplot na nagkalat sa sahig. Saglit na pumunta sa banyo upang magsuot ng damit at dahan-dahang naglakad patungo sa pinto and hopefully out of the life of this wonderful sex machine.
Nang nasa may pinto na siya at hahawakan na ang doorknob, Lyn felt a sudden urge to look back. Napapikit siya, kinagat ang ibabang labi at sinuntok ng kamao ang hangin upang pigilan ang sarili, ngunit hindi naman niya nagawa. Don’t look back Julia Lyn, bulong nito sa sarili.
Ngunit may pagtatalong naganap sa kanyang isipan.
Isang sulyap lang Julia Lyn. Hindi mo na makikita ang kapirasong langit na yan kailanman. Isang sulyap lang.
Nanalo ang mapagnasang kamunduhan. Sumulyap si Lyn. Tumambad sa kanya ang nakadapang katawan ng kaulayaw. Para itong isang Greek sculpture na gawa ni Michaelangelo. His steady breathing is the only thing that gives it away as a living thing. Napasandal si Lyn sa pintuan at dumausdos hangga’t mapaupo. Tinitigan niya ang nahihimbing na kapareha. Di kalauuna’y napaluha si Lyn at sabay tumayo at lumabas na ng pintuan. Out of his condo. And yes, out of his life. Or so she thought.
-end of flashback-
+++++++++++
Chocoshine's Nook:
Maikli lang itong chapter na ito. At least umuusad sa UD ang kwento. Hehe...
I dedicate this chapter to another follower who unknowingly read my other story Trust Me: The Reluctant Bride nang hindi nalalaman na magkakilala kami. Nang nalaman niya, naging follower ko na siya. Para sa iyo ito @serrahf. Ikaw na! lolz!
Follow niyo naman ako. Mauubusan na ako ng mga taong pwedeng idedicate ang mga chappies ko. Comment at vote din pag may time. 143 reads na po tayo. Ang bilis. Mas mabilis kaysa Reluctant Bride. lolz! Salamat din pala kay @RoselynKATHNIEL sa pagvote. You're the first one on this story. Salamat salamat salamat sa lahat, kahit karamihan ay silent readers lang.
A BIG MWAAAH to all of you!
*chocoshine*
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
General FictionPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...