AUTHOR'S NOTE:
I dedicate this chapter to my first follower na hindi ko relative or kakilala at all @kayecandelaria. Thank you for following me. Mwah...mwah...mwah...
*chocoshine*
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CHAPTER 3
Masama ang pakiramdam ni Lyn pag-gising kinabukasan. Parang ayaw niyang bumangon at pumunta sa office. Ngunit nagising siya sa doorbell.
Sino naman kaya yan? Kay aga-aga nambubulabog na.
Tumayo si Lyn sa hinihigaan at dahan-dahang tinungo ang pintuan ng condo. Patuloy naman sa pag-doorbell ang hindi pa nakikilalang bisita. Dahil sa sama ng nararamdaman nakalimutan na niya ang sumilip sa peephole.
Nagulat si Lyn pagbukas ng pinto.
“Good morning Hon.” Sabay halik sa kanya sa lips. Si Zed.
“Zed? Anong ginagawa mo dito?” nasambit ni Lyn.
“Bringing you breakfast.” Pumasok na si Zed kahit hindi pa ito pinapatuloy. Dumerecho ito sa dining area ng condo at isa-isang ilinabas ang nasa loob ng brown paper bag na dala nito.
Ito ang ikinakainis ni Lyn. Minsan kasi pagnakipag-sex ka na sa lalaki feeling assuming na sila sa iyo. Feeling nila at home na at home na sila sa iyo that they can act as if they own you already.
“I brought you pancakes, waffles and tosilog. I’m not sure what you are in the mood for so…”
Natigilan si Zed nang biglang pumunta si Lyn sa kitchen sink at dumuwal ito.
“Hon, Jesus, are you okay?” worried si Zed na nilapitan ang dalaga at hinaplos ang likod nito.
“Ano ba kasi ang nakain mo at ke aga-aga dumuduwal ka ng ganyan?” tanong pa ng lalaki.
“I’m fine.” Sagot ni Lyn pagkatapos basain ang bibig niya at magmumog. “Just put the tosilog back in the bag.” Pumunta si Zed sa dining table at agad namang binalik ni Zed ang tosilog.
“Are you sure you’re okay?” binalikan ni Zed ang dalaga. Hinaplos pa rin ito sa likod nito.
“Yes, I’m fine.” Tinungo ni Lyn ang sofa at humiga siya rito. Nahihilo pa rin siya. Pinalala pa nito ang naamoy na karne galling sa ilinabas na tosilog.
Shit! Nagmo-morning sickness pa yata ako.
Hindi niya napansin na pumunta sa banyo ang lalaki para maghugas ng kamay.
Nakapikit pa rin ang mata niya nang naramdamang may lumapit dito sa may uluhan niya.
“Lyn, what’s this? Are you pregnant?” mahinang tanong ni Zed. Napamulat bigla si Lyn. Hawak-hawak ni Zed ang pregnancy test stick na may dalawang linyang pink. Napaupo bigla si Lyn.
“Saan mo yan nakuha?”
“Sa banyo mo. Nakalapag sa takip ng tanke ng toilet mo.”
“Akin na nga yan.” Umupo si Lyn at inagaw ang hawak-hawak ni Zed. “Napakapakialamero mo naman.” Tumayo na si Lyn at tinungo ang kwarto niya. Napaupo naman si Zed. Parang nagiba bigla ang mukha nito.
Humiga ulit si Lyn sa kama niya. Nahihilo pa rin siya. Ngunit medyo humupa na ang nararamdaman. After about a minute ay sumunod si Zed sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
Genel KurguPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...