CHAPTER 14

825 9 0
                                    

CHAPTER 14

Ang hirap naman nito.  Naisip ni Zed habang nakaupo sa sofa, thinking about the exchange between him and Lyn in the bedroom.

Lagi kayang magiging ganito?  Everything is a compromise? Hindi ba pwedeng sumunod na lang siya?  E sa ikakabuti naman ni Lyn ang iniisip niya, lalo na ngayong buntis pa siya.

Buntis siya.  Napangiti si Zed sa naisip.  From all indications, sa kanya ang bata.  Pero hindi pa rin siya sigurado.  Tanggap na niya ang sitwasyon ngayon pa lang.  Magiging tatay na siya.  Kahit pa hindi siya sigurado kung siya nga ang ama, okay lang. 

Okay lang?  Siya mismo nagulat sa direksyon ng nasa isip niya.

Okay lang na hindi siya ang ama kung nagkataon?

Yes, okay lang.  Basta si Lyn ang kasama niya. 

Paano kung maghabol ang tatay? 

Ipaglalaban niya si Lyn.  Gago lang ang babangga at magtatangkang kunin sa kanya si Lyn.  Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya ang babae.  Punyeta!  Yung anim na lingo lang na hindi niya nakita ang dalaga parang feeling niya mabubuang na siya.  Hindi na niya kakayaning balikan pa ang naramdaman.

“Hey loverboy, anong iniisip mo?”  nagulat si Zed sa boses that interrupted his train of thought.  Lumingon si Zed sa direksyon ng pinanggalingan ng boses.  Nakita ang pinakamagandang babaeng nasilayan niya sa tanang buhay niya.

Naka-ayos na si Lyn.  Nakamake-up na at nakaup-do ang buhok with tendrils that framed her face like an angel.  Suot na nito ang midnight blue body fit serpentina cut na gown with silver high heels na lalo pang nagpatangkad sa dati nang mala-model na katangkaran nito.  She is just so speechlessly beautiful.  Glowing.  Blooming.  Just beautiful. Napatayo si Zed.

“God, you’re so beautiful.” Halos pabulong na saad ni Zed.

“Tama na ang bola.  Tara na.” sagot ni Lyn na nakangiti.  Pleased that Zed was pleased with her get-up.

Naglakad na si Lyn patungo sa pinto ng condo.  Nakatayo lang si Zed pinapanood ang mala-Diyosang babae sa harap niya.  Naramdaman ni Lyn na hindi sumunod ang lalaki.

“Hoy, tara na sabi.  Akala ko ba pupunta tayo sa party?”

“Oo na… oo na…”  sagot ng lalaki na dali-dali nang gumalaw sa kanyang pagkatulala at sumunod kay Lyn.

The beautiful couple was immediately welcomed when they arrived at the party.  Nasa isang penthouse unit ito ng isang exclusive condominium sa Makati. 

Nakangiti si Lyn.  Blooming.  Glowing.  Lalo pa ngayon na naalala niya ang mga nangyari minuto lang ang nakalipas.

Kanina sa sasakyan pa lang, ang kulit na ng mga kamay ni Lyn. 

Oo, ni Lyn, hindi ni Zed. 

Namangha kasi siya sa tindig ng nakatuxedong boyfriend.  Kalalabas pa lang niya sa banyo kanina gusto na niya itong dambahin and do an on-top performance.  But then, sobrang ayaw niya talaga sanang sumama dito kay Zed sa party.  Dapat nga yata ginawa na lang niya para hindi na sila tumuloy dito.  Kaya’t kung anu-anong kahalayan ang ginawa niya sa boyfriend sa kotse na hinayaan naman nito.  Pasalamat nga siya sa magandang tela ng body fit na gown.  Hindi man lang ito nagusot.

Pagbaba nila sa sasakyan, walang masyadong tao sa lobby ng condominium building.  Nakahawak sa kamay ni Lyn si Zed.  Sa loob ng elevator pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Zed sa kamay niya kaya’t sinilip ito ni Lyn through the mirrored walls of the elevator at tinaasan ito ng kilay with a questioning look.  Sinagot naman ito ni Zed ng isang ngiti.  Alam ni Lyn ang ngiting 'yun.  Mukhang may ideya na si Lyn kung ano ang iniisip nito.  

FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon