Chapter 33

23.2K 327 58
                                    

Recurring

Pinaghandaan ko ang lakad namin. I took a shower again and did my skincare routine. I wore a rose gold sequin mini dress. Manipis ang straps nito, backless din at ilang pulgada mula sa tuhod ang haba. I layered three of my gold necklaces and partnered my dress with gold Christian Louboutin pump heels. I put my phone, wallet, at mga pangretouch ko sa rose gold Chanel purse ko. Lastly, I sprayed my favorite perfume from Chanel sa bandang neck ko at sa wrist ko.

Medyo maaga pa kaya I took some pictures of me muna. Bago magalas-dyes ay bumaba na ko sa lobby. I found Steve waiting for me already. Inilibot ko ang tingin ko sa lobby, nagbabakasakali na makasabay si Sage pero wala ito.

He's going, right? Iyon ang sabi niya kay Hershey.

"Magbabantay nalang po ako sa gilid, Ma'am."

Kumunot ang noo ko. "Why?" I asked looking at Steve sa salamin.

"Mag-enjoy lang po kayo kasama ang mga kaibigan niyo. I'll make sure that no one will take pictures of you and if you'll dance, babantayan ko rin po kayo."

"Okay, sige," sabi ko nalang. Maganda na rin itong may bodyguard ako para hindi na maulit ang nangyari sa akin noon.

I felt my chest tighten when I remember that day. That was the last day I saw Sage before I went to New York. Doon ko siya iniwan...

Sila Sap, Prim, Killian, at Vixen ang nadatnan ko sa bar. They were sitting on two couches na magkaharap. Sa table ay may nakahanda nang mga baso at mga bote ng alak na paborito namin.

"Sexy ah!" Tumayo si Prim at bumeso sa akin, ganoon din ang ginawa ni Sap. I greeted Vixen and Killian bago umupo sa tabi ni Sap.

"Kanina pa kayo?" I asked.

"Medyo... sinabay na namin si Sap, kaming tatlo ang nauna dito," si Prim.

"Why are you alone, Vixen? Si Sage ba?" baling ko kay Vixen pagkatapos ko siyang batiin.

"I'm not with Sage a while ago. He went home alone." Kumunot ang noo niya. "Don't worry, he's going."

Ngumuso ako at tumango.

"Andiyan na sila Shey," wika ni Sap at nginuso si Hershey at Skye. As usual, nakapalupot ulit ang braso ni Skye kay Hershey.

"Hey, bitchfriends!" bati nito sa amin at bumeso. They sat in front of us and asked the two if they're doing great. Nagsimula na rin kaming uminom kahit wala pa si Sage. Panay naman ang lingon ko sa entrance ng bar. Kailan ba siya darating? It's almost eleven!

Napansin ata iyon ni Sap dahil kinausap niya si Vixen about it. "Vixen, nasaan na ba ang kaibigan mo?"

"He's not replying."

Tumunghay ako. Baka hindi siya pupunta?

Lumingon ulit ako sa entrance at napangiti nang makita si Sage na papasok. Tumuwid ako ng upo at inayos ang buhok ko. Sana naman ay mapansin niya ang bagong kulay ng buhok ko!

Nagtama ang mga mata namin at pigil ang hininga ko habang pinapanood siyang papalapit sa amin. He sat beside Vixen na nasa harap ko. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.

"You're late, Sage! Kanina ka pa hinihintay ni Chant."

Matalim kong tiningnan si Hershey. Why can't she shut up for once?

"Just finished some paper works at home."

"Ang sipag ah! Para sa future?" Nagkibit balikat si Sage.

I pouted my lips at nagsalin ng vodka sa baso ko. Naiinggit ako kay Hershey. Nakakausap niya ng ganoon si Sage. Kapag ako ang kumakausap kay Sage, he's so cold. Halata sakaniya na ayaw niya kong kausap.

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now