TW: Miscarriage
Heal
"S-sage..." Sinubukan kong hatakin ang kamay ko mula sa kaniya pero mahigpit itong nakahawak sa akin. "It hurts, Sage," sabi ko. Nilingon niya ko at niluwagan ang hawak sa kamay ko. Hinila niya ko at pinapasok sa kotse niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa driver's seat. Hindi siya nagsalita pagpasok at pinaandar ang makina. Sinuot ko ang seatbelt ko at yumuko. Kinakabahan ako sa inaakto niya.
Halos mapamura ako nang mabilis niyang pinaharurot palabas ng parking area ang sasakyan niya. He was driving fast! Humawak ako sa upuan ko dahil sa bilis niyang magpatakbo. Pakiramdam ko masusuka ako. Gusto ko mang magreklamo kaso hindi ito ang tamang oras para magreklamo. He's mad.
Abot langit ang ginawa kong pagpipigil para lang hindi sumuka. Nakatikom ang bibig ko buong byahe dahil pakiramdam ko ay isusuka ko lang ang lahat ng ininom ko kung bubuksan ko iyon. Pagdating sa basement ay hinila niya ko palabas. Hanggang sa pagpasok sa penthouse niya ay hila-hila niya ako. Iniupo niya ko sa couch at tumayo sa harap ko. Tinalikuran niya ko at pinanood ko siyang panay ang buntong hininga, sinusubukang pakalmahin ang sarili.
"What were you doing there?" He asked and faced me. Binuka ko ang bibig ko para sumagot pero sinara rin nang maalala ko ang rason kung bakit nandoon ako. I don't want him to know that I was drinking to forget and that I miss him.
"What were you doing there wearing that damn dress and bullshit! You're fucking drunk!" Napatalon ako sa gulat nang bigla nalang siyang sumigaw. Akala ko ay tuluyan niya nang napakalma ang sarili niya pero hindi pa pala, sumabog parin ang kinikimkim niyang galit kanina pa.
But then, it hit me. What am I doing here with him?! At bakit siya nagagalit?! Hindi ko na siya boyfriend!
"Answer me, Andromeda." Nalaglag ang panga ko doon. This is the first time he called me by my surname. So kapag si ate, first name basis tapos sa akin apilido ngayon?
Gusto kong supalpalin siya pero dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata niya ay tumahimik nalang ako. Baka mas lalo lang siyang magalit.
"Fuck! Paano... paano kung hindi ako dumating!" Hinampas niya ang coffee table na siyang nagpatalon ng bahagya sa akin sa kinauupuan ko.
"I'm sorry..." Damn it! Gusto kong sampalin bigla ang sarili ko. Bakit ako pa ang humihingi ng tawad ngayon?!
Tangina lasing pa ata ako!
"How many shots did you drink?" Mahinahon niyang tanong.
I gritted my teeth at pinatigas ang ekspresyon ko. Hindi dapat siya ang nagagalit ng ganito!
"Ano naman sayo kung uminom ako? Hindi mo ko pwedeng pagbawalan dahil hindi na tayo!"
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang hampasin niya ulit ang coffee table at humilig doon para maglapit ang mga mukha namin.
"I have every damn right to be mad at you because you might be carrying our child! Damn it!"
Kumunot ang noo ko at nang nagtagal ay nalaglag ang panga. Oh, my ghad! Anong sabi niya?!
"What the hell?!"
Suminghap siya at tinalikuran ako at sinabunutan ang sarili niya.
"What the hell, Sage! D-did you do it on purpose? Y-you didn't pull out para mabuntis ako?!" Tumayo ako at nilapitan siya. Hinila ko siya paharap sa akin.
Shit! Ito ba ang sinasabi ni Tito noon? Na baka buntisin ako ni Sage? Fuck!
"I didn't! I got fucking carried away! Y-you..."
YOU ARE READING
Games on Blazing Flames (Flames Series #1)
RomanceC O M P L E T E D (Flames Series #1: Sage Maverick Sartorius) Enchanteur Andromeda is a beautiful, sexy, rich, and playful model. She loves her life-parties, booze, and men but she loves playing games with her friends more than anything. It was the...