Chapter 7

23.5K 409 33
                                    

Pursuing

Today is the day we are going to LA for photoshoot. I'm with Tito Abel and the whole glam team. Habang nasa plane ay wala akong ibang ginawa kung hindi matulog dahil panigurado ay nakakapagod ang gagawin pagdating sa LA. Tito Abel was able to book a non-stop flight for us in business class. The flight lasted for fifteen hours and thirty minutes so when I arrived at my hotel room I dropped to my bed immediately. My photoshoot will take place tomorrow so it's okay to sleep. 

The next morning, I woke up early from Tito Abel's call. Hindi ko sila kasama sa hotel room kaya tinawagan niya nalang ako. 

"Let's eat breakfast first bago ka maligo."

"Okay," I cut off the line before standing up to put on the bathrobe. I washed my face first before going down for breakfast.

"We're leaving at nine para marami kang oras sa pag-aayos mamaya." I nodded before eyeing my phone. I posted a picture of my breakfast on my Instagram story. 

"Oh shit! Chant?" 

Bumaling kami kay Tito Abel na busy ngayon sa iPad niya. 

"Anong meron?" tanong ni Jana. 

"Marky posted an article about you, in-interview ka niya?" tanong niya at kunot-noong tumingin sa akin.

"Yup, after the fashion show." Ngumuso siya at nagpatuloy sa pagbabasa sa article sa iPad niya. 

So... lumabas na ang interview ko? I'm sure I'll be the talk on social media again because of that article.

Tito Abel's forehead twitched. "Sieve, Hill and what? Sage Sartorius?" sumimangot ako. "Bakit ba ang daming nalilink sayo? Alin ang totoo dito? Sino ang dine-date mo sa mga to?" Aster, Jana and Jeff turned to me. They are all waiting for my answer. Tamad akong bumuntong hininga, hindi pa ba sila sanay?

"Wala akong dinedate sa mga 'yan," sagot ko. Hindi ko maintindihan ang pagtatanong niya, alam niya naman kapag may dine-date ako dahil sinasabi ko at ngayon wala akong sinasabi sa kanya. And Sage again? Hindi kami nagde-date at halata namang laro lang lahat sa kanya. Simula nooong Martes, nakakatanggap na ako ng mga text messages from him kahit na sinabi kong hindi ko na siya rereplyan. He also followed me on Instagram at ang mga walangyang mga kaibigan ko, tinawagan ako kaagad nang nalaman. So... I followed him back. Kaunti lang ang laman ng Instagram account niya. Halos mga letrato niya ay mga tanawin at bilang lang sa mga daliri ko ang mga pictures niya na halos ay nakatalikod siya kaya kita ang matipunong likod niya. I don't get why... He's so handsome kaya bakit hindi siya mahilig magpapicture? Ang dami ko ngang kakilalang lalaki na todo post sa social media, binabalandra ang mukha o 'di kaya'y katawan.

"Itong Sage... bago to ah?" tanong niya at mariin na nakatingin sakin.

Suminghap ako at umiling. "We're friends, Mamsh! You know those are just rumors," maarteng sagot ko.

"Are you sure? Oh, my! Huwag kang papahuli kung dine-date mo siya, especially now that your career is on peak."

Tingin ko naman ay kahit mahuli ako na may ka-date ay wala namang magiging epekto sa career ko. Actually... I think mas sumisikat pa ko kapag nagiging usap-usapan ako sa social media. I mean yes ... pumapangit ang image ko because of men but I can't ignore the fact that people are paying more attention to me because of those and that always results in many offers for me. Kaya hindi na rin masama ang masangkot sa mga dating rumors. 

Tumango ako. "Don't worry," sagot ko nalang para matapos na but he can't seem to get over it.

"But... that Sage ah! Ito ba yung anak ng may-ari ng Sartorius Airlines? Bigtime to!" He dropped his iPad and grinned. Oh, my... I know that look. It's screaming 'date him!'

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now