Chapter 21

24.2K 335 94
                                    

Fly

Hinatid ako ni Sage sa hotel room, kalahating oras bago mag-alas otso. Ayoko pa nga dahil masiyado akong kumportable sa mga braso niya pero kailangan kong magtrabaho.

"Akala ko hindi na kayo babalik," umiling-iling si Tito Abel at nilapitan ang tatlong kahon na nasa kama. Sage closed the door behind us. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sakin.

"Sorry, Mamsh," ngumiti ako.

"Sus! Good mood na! Mabuti at dumating ka, Sage! Naku! Ang tamlay niyan kanina." Inirapan ko siya sa inis. Pati ba naman iyon ikukwento niya?

"Really?" Nilingon ako ni Sage bago mahinang tumawa. Kinagat niya ang balikat ko at siniko ko naman siya. Baka magmarka!

"Oo!" Bumaling sakin si Tito Abel na nanliliit na ang mga mata dahil sa ginawa ni Sage. "Ang lalandi ng mga ito! I feel so single!" sinapo niya ang noo niya. "Ito ang mga swimsuits na pinili mo. Susuotin mo ang isa ngayon at dalawa naman mamaya."

Mahina kong tinulak si Sage bago tumayo. Nilapitan ko ang tatlong kahon. Inisa-isa kong nilabas ang mga swimsuits para makita ng maayos.

"They're pretty!"

"I know right! Kung ganiyan sana ang katawan ko, susuotin ko ang mga 'yan!"

"I'll change na muna."

Pumasok ako sa bathroom at nagpalit sa napili kong unang swimsuit na isusuot. It's a white triangle top and string bottom. Sinuot ko ang bathrobe na nakasabit bago lumabas ng bathroom. Paglabas ko ay nandoon na ang makeup artist at hairstylist na exclusive for this shoot kaya hindi ko na dinala ang glam team.

Bago umupo sa harap ng salamin ay sinulyapan ko muna si Sage. Ngumiti ako bago tingnan ang makeup artist at hairstylist. Pinakilala nila ang sarili nila nang maupo na ko.

Sinimulan na nilang ayusan ako habang pinapanood naman ako ni Sage at Tito Abel na ngayon ay magkausap. Nakinig nalang ako sa kanilang kwentuhan at paminsan-minsan ay natatawa kapag pasimpleng hinahampas ni Tito Abel ang braso ni Sage. Gosh! Hinaharass niya ang boyfriend ko pero bakit natatawa lang ako? Oh my ghad, boyfriend!

Pagkatapos akong ayusan ay bumaba na kami sa beachfront, kasama ko parin si Sage dahil manonood daw siya. Hindi ko pa nasasabi kay Tito Abel na kami na ni Sage. Paniguradong magugulat iyon dahil si Sage ang unang ipapakilala kong boyfriend sa kaniya. Hindi ko rin alam paano ko sasabihin. Nakakahiya!

"Sinong kasama sa shoot?" inangat ko ang tingin kay Sage. "Lalaki ba?"

I chuckled and shook my head. "Babae," sabi ko at nginuso si Tasha na nasa malayo. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang kausap niya, si Hill! Shit! Bakit nandito siya?

Binalik ko ang tingin ko kay Sage na ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay. "Why is that guy here?" tanong niya. Nagkibit-balikat ako tapos ay si Tito Abel ang sumagot.

"Kalove team ni Tasha 'yang si Hill kaya siguro nandito."

"I don't think he's here for her," aniya at binaba ang tingin sakin. Mas lalo niya kong hinila palapit sa kaniya. Napanguso naman ako. Nagseselos na naman ba siya?

Bumaling kaagad si Tasha at Hill sa gawi namin nang makalapit kami.

"Hi!" bati ko kay Hill na ngiti lang ang sinukli bago nilingon ang katabi kong si Sage. Bumaling ang tingin ko kay Tasha na laglag ang pangang nakatitig kay Sage. Tumaas ang isang kilay ko nang magtagal pa lalo ang titig niya dito.

Tumikhim ako. "Hey, Tasha," bati ko. Tumaas ang isang kilay niya at tiningnan ako. Inirapan niya ko bago tingnan ulit si Sage.

The heck? Hindi man lang nahiya sa pagtitig? Sa harap ko pa talaga na girlfriend ng tinititigan niya!

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now