Chapter 26

20K 300 109
                                    

TW: Violence and sexual harassment.

Talk

It's been a week since that happened. Sage, as always, would frequently follow me to my work. Hindi ko alam paano niya nalaman ang schedule ko at kung saan ang trabaho ko. He has connections, that's given, but I don't know how and who. Alam kong hindi sila Tito Abel iyon. They won't do that to me, they know I don't want to see him.

"Nasa baba ulit siya, Chant..." Tito Abel said and smiled sadly. Napabuntong-hininga ako at mariin na pinikit ang mga mata ko.

"Just let him..." sabi ko.

Mapapagod din siya, titigilan niya rin ako.

"Are you sure you can do it alone in Thailand?"

Sa Huwebes na ang flight ko patungong Thailand at mag-isa akong pupunta doon. I want to be alone, I want to take that opportunity to take a break, have a vacation to unwind. The whole week was a hell to me. Sage didn't stop seeing me kahit ilang beses ko siyang pinaalis. Mom and Dad went back to Germany for their work pero binalaan nila ako na huwag makipagbalikan kay Sage. They didn't have to tell me, though. Hindi ko kayang makipagbalikan sa kaniya. He only reminds me of the past and until now, I'm still blinded by my anger towards him.

"Yes, of course," sagot ko.

Nagsimula na ang shoot ko pagkatapos akong ayusan. Nahirapan ako ngayon sa photoshoot dahil kahit anong pilit kong pagtuunan ito ng atensyon, binabagabag parin ni Sage ang utak ko. It's so hard to get him out of my system and this annoys me, a lot. Kailanman ay hindi ako nagkaganito sa trabaho ko. Kahit na anong problema ay hindi ko hinahayaan na maapektuhan ang trabaho ko, but why is it so hard to do it now?

"Ngumiti ka naman ngayon, Chant," utos ng photographer. Ngumiti ako at tumingin sa gilid ko.

"Ngiti na ba 'yan?" Nawala ang ngiti ko at tiningnan ko ang photographer. "You don't look happy."

"I'm sorry," wika ko. I sighed and flashed a smile. Ito na nga ang sinasabi ko eh, pati trabaho ko naaapektuhan na. This is not good.

"Are you okay?" Salubong sakin ni Tito Abel pagkatapos ng shoot ko.

"Yes, bakit hindi?" wika ko at bumalik sa dressing room para makapagpalit na.

Pagkatapos kong makapagpalit at pagkatapos maayos ang mga gamit namin ay bumaba na kami sa lobby kung saan ang naghihintay ang sundo namin. Habang hindi pa tapos gawin ang van na gusto ko ay pinahiram muna kami ng agency ng van. Madalas na kasi akong busy at marami akong gamit na kailangan ay palagi naming dala. Tinanggap ko lahat ng shoots at fashion shows na inooffer sa akin kaya mas busy ako ngayon. I need all those projects dahil sa tuwing wala akong ginagawa at nasa bahay lang, hindi ko maiwasang isipin lang ang mga nangyari. Ayaw kong magmukmok lang sa bahay. Hindi sa breakup magtatapos ang buhay ko.

Natigilan kaming lima nang makalabas sa malaking glass door dahil bumungad sa amin si Sage. I scanned his face. He looks tired at bahagya siyang namayat. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya at may maliliit na rin siyang balbas. He's wearing his uniform minus his coat, mukhang kakagaling lang sa flight. Kahit na may kaonting pagbabago sa kaniya, hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. This asshole is fucking handsome and why am I fucking complimenting him? Galit ako sa kaniya...

Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Kahit sandali lang iyon ay nakita ko parin ang pagsusumamo sa mga mata niya. I clenched my jaw.

"Baby..." nilapitan niya ko pero nilagpasan ko lang siya. "Baby, talk to me... please." Paulit-ulit nalang. Hindi niya ba maintindihan na hindi ko gustong kausapin siya? Ilang beses ko na ba siyang tinaboy? Hindi ba siya napapagod kakahabol?

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now