Chapter 22

23.9K 396 59
                                    

Warning: This chapter contains sexual scenes.

Breakfast

Ang mga sumunod na linggo ay naging mabilis. Kapag may trabaho ako at wala siyang flight, he would always accompany me. He's so clingy to me na kapag talaga may tsansa ay pupuntahan niya ako.

Kalat na rin sa trabaho ko na boyfriend ko na si Sage kaya maging sila Hershey ay sinabihan ko na. Syempre, pinaulanan nila ko ng tanong at pang-aasar. Katawagan ko naman palagi si Sage kapag may flight siya. Whenever we're both free naman, we would usually spend our time together on a date. He would take me out for a dinner or minsan dadalaw lang siya sa bahay or dadalhin niya naman ako sa suite niya.

Today, nasa labas ako ng airport, waiting for Sage. I wanted to surprise him at gusto ko ring makita siya habang suot ang uniform. Ewan ko ba... why do I always anticipate seeing him on his uniform. Pakiramdam ko kasi ay mas gwapo at hot siya kapag ganoon.

"Are you sure na four ang arrival niya? It's already 4:25 pm o, hindi naman siya passenger para matagalan," reklamo ni Hershey.

Pinilit ko siyang sumama. Napapayag ko siya nang sabihin ko na baka may kasamang gwapong piloto si Sage.

"You know what? Just shut up, you're stressing me out." Inirapan ko siya bago nagtipa ng text message kay Sage.

To: Sage

Did you arrive na ba?

I grip on my phone tightly habang hinihintay siya sa labas ng terminal. Hinawi ko ang buhok ko at inayos ang suot na sunglasses. People are staring at us and some even asked for a picture with us. I'm wearing a white sleeveless blouse, black high-waisted skinny jeans, and beige stilettos kaya siguro agaw-atensyon kami? But, our clothes are simple.

Binalik ko ang tingin sa glass door nang bumukas ito. Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita si Sage. Nakadungaw siya sa phone niya habang ang isang kamay ay hatak-hatak ang itim na suitcase. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. I cursed inside my head.

"Your boyfriend's so hot," inunahan na ko ni Hershey.

Well, she's right. Sage looks so hot in his navy blue suit and pants. There are three gold stripes on his sleeves and a gold winged badge on his right chest.

Pasimple kong tinutok sa kaniya ang phone ko habang nasa malayo pa siya. Pagkapindot ko sa shutter ay lumitaw ang pangalan niya sa screen. He's calling me!

I answered the call but I was too dazed by him to even talk.

"I just got out, are you at home?"

Siniko ako ni Hershey habang laglag parin ang pangang nakatingin sa boyfriend ko.

"Nope." Kumunot ang noo niya.

"Where are you?"

"At three o'clock."

Tumuwid ako ng tayo nang lingunin niya ang gawi namin. He looked shocked when our eyes met.

"Tangina, ang gwapo," bulong ni Hershey at hinatak ako palapit kay Sage.

Pinutol ko ang linya habang papalapit kay Sage pero natigilan ako nang may humawak sa braso ni Sage. Kumunot ang noo ko para tingnan kung sino iyon.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang si Lia iyon. So, they were together the whole time. May sinasabi sa kaniya si Lia pero sa akin siya nakatingin. Bakas ang gulat at tuwa sa kaniya pero hindi ganoon ang nararamdaman ko.

Kahit alam kong kaibigan niya lang si Lia ay hindi ko parin maiwasang makaramdam ng inis. Bakit hindi niya sinabing kasama niya pala sa flight niya si Lia?

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now