Chapter 30

21K 289 106
                                    

Bother

Hindi ako kaagad nakabawi. Gusto kong iumpog ang sarili ko sa mesa o 'di kaya'y patayin nalang ang sarili ko sa harap nila. Hiyang-hiya ako sa sarili ko at mas lalo na sa kanila dahil sa ginawa ni Sage. He rejected me! I was never rejected! Oh, oo nga pala... siya lang pala ang nakakagawa noon but damn! I hate myself right now! Gusto kong paulanin ng mura ang sarili ko!

"I missed you, too, baby," sabi ko nang makabawi. He raised his eyebrow cockily and tilted his head lightly. He didn't answer na mas lalo kong ikinahiya. When I looked at his friends, they were all just staring at me.

Damn, I'm just embarrassing myself in front of them. Hindi siguro nila lubos maisip na ganito ang gagawin ko sa unang beses nila akong makikita simula nang umalis ako.

"K-kumusta Chant?" basag ni Blade sa katahimikan.

"I'm good now, kayo? It's been a while!" Hindi ko alam paano pa ko nakakangiti sa kanila kahit para akong aatakihin sa kaba. Paniguradong pulang-pula na ako ngayon, mabuti nalang at madilim.

"O-okay lang kami," he smiled awkwardly and looked at Sage. Tiningnan ko rin ito pero sa dance floor ito nakatingin. "Sit with us," he added. He scooted and I sat beside him and in front of Sage.

"Are you alone?" Skye asked.

I shook my head. "I'm with your wife." Lumingon ako kung saan ko iniwan si Hershey. She raised her glass at me and walked towards us. Steve stayed there para bantayan ako mula sa malayo.

"Hi, guys!" Hershey greeted. Skye tapped the space beside him but Hershey chose to sit between me and Blade.

"You alright?" she whispered. I nodded kahit na nanlalamig na ang mga kamay ko.

"Kailan ka nakauwi, Chant?" si Fuel.

"Noong Tuesday lang." He smiled and handed me a glass of vodka. "Thank you."

"Mabuti at nakauwi ka? You're not busy?"

"I am, but I have to take a break and do what I need to do..." tiningnan ko ang kaharap kong si Sage. Umawang ang labi ko nang mahuli itong nakatingin sa akin. He's looking at me with his cold eyes. He drank his whiskey without breaking eye contact with me. Halos hindi na ako makahinga sa bigat ng titig niya. His jaw clenched and he looked away.

Nagulat ako doon. A part of my hope for him... for us, collapsed. Is he mad at me? Hindi niya ako ganoon tingnan noon. He's always gentle to me. Kaya bakit? Dahil ba iniwan ko nalang siya bigla? Or baka dahil wala na talagang pakialam sa akin? Tinitingnan niya nalang ako kung paano niya tingnan ang ibang tao. Ibang tao... I guess 'ibang tao' na rin ako sa kaniya?

"Hala? Siya ata!"

"Sigurado ka? Baka kamukha lang?"

Siniko ako ni Hershey at nginuso ang dalawang tingin ko ay college students. They're standing near our table and they're both staring at me. Nang tingnan ko sila ay parehong nanlaki ang mga mata nila.

"OMG! Chant Andromeda!" one of the girls shrieked. I smiled at them and glanced at Steve behind them. Nandoon na siya kaagad. I shook my head to him dahil akmang pipigilan niya ang dalawa.

"Oh, shit... Y-you're here! Pwede papictu- I mean can we take a picture with you?!" I chuckled and nodded. Tumayo ako para lapitan sila at hindi na makaabala sa mga kaibigan.

"Okay lang magtagalog. I speak Tagalog, too."

Napakurap-kurap sila. Mangha at gulat ang mga ekspresyon, katulad ng palaging reaksyon ng mga nakakasalamuha kong fans.

"My gosh! Alam mo bang fan na fan mo kami? I really like you!" sabi naman ng isa.

"Thank you. Anong pangalan niyo?" I asked.

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now