Chapter 14

21K 337 104
                                    

Tulips

Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapag-gym. Hapon pa naman ako pupunta sa convention center para sa huling araw ng fashion week kaya naisipan kong mag-gym nalang muna para may pagkaabalahan sa umaga.

"Finally!" Bulalas ko nang matapos ang huling lunge ko. Nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil leg workout ang ginawa ko ngayon.

"Kailan niyan ang balik mo?" Tanong ni Jeric. I told him that I won't visit the gym to work out because I have to fly to New York for work.

"Hindi ako sigurado. I'll fly to New York on Monday eh, baka doon nalang ako mag-gym."

"Napapadalas na paglipad mo ah, any plans on living there?" Kumunot ang noo ko habang umiinom ng tubig. Binaba ko ang tumbler ko nang matapos bago siya sinagot.

"Wala, mas gusto ko dito." Ngumisi siya.

Mas dadami ang oportunidad na makukuha ko kung doon ako titira pero kasi... mas gusto ko dito sa Pilipinas. Mas sanay ako dito at nandito ang mga kaibigan ko. Siguro kapag dumami ang projects ko sa New York ay doon ko pag-iisipan ang tungkol doon?

"Bakit? Hindi mo maiwan yung boyfriend mo?" Inirapan ko siya. Ilang beses ko na bang sinabi sa kaniya na hindi ko boyfriend si Sage? Hindi ko na mabilang at hindi parin siya kumbinsido.

"Hindi ko nga kasi boyfriend."

"Sigurado ka? Ang talim ng tingin sakin noon eh akala ko bubugbugin ako." Natawa ako at nailing.

"Hindi nga kasi. Tsaka ganoon talaga siya minsan tumingin."

"Kung hindi boyfriend edi manliligaw mo?" Pinunasan ko ang pawis ko.

"Oo..."

Ngumisi siya at napailing. Tumayo ako at nagpaalam na aalis na, sa bahay nalang ako maliligo. Pagdating sa bahay ay nagbabad muna ako sa bathtub para magrelax. Pumikit ako habang nakikinig ng kanta. Nagtagal pa ko ng kalahating oras doon bago naligo.

"Hindi ka na naman nag-almusal."

Nilingon ko si Manang Celia na nakadungaw sa pintuan.

"Kakain naman po ako ng lunch, Manang." Sumimangot siya at tumango.

"Nga pala, tatawag ang Mama mo ngayon." Binaba ko ang hair dryer at pilit na ngumiti.

"Sige po." Malungkot siyang ngumiti bago isarado ang pintuan.

Tatawag ba kaya siya? Ilang beses niya na bang sinabi kay Manang Celia na tatawagan niya ko pero hindi niya naman ginawa?

Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang sarili kong repleksyon. Mariin akong pumikit bago tumayo para humiga sa kama. Hinintay ko ang tawag ni Mommy pero walang dumating hanggang sa magalas-dose na. Tumayo ako at bumaba para makapaglunch na.

Bakit pa nga ba ako umasa? Parang hindi naman na ako sanay sa ganito. They're always like that. They have time to give Manang a call but not to me. I mean... if they want to check on me, they should call me and not Manang, right?

"Tumawag na ba?" Bungad ni Manang Celia habang naglalagay ng pinggan sa table. Umiling ako at umupo sa palaging pwesto ko.

Natigilan si Manang Celia sa ginagawa. "Baka naging abala sa negosyo."

"Palagi naman, Manang, sanay na ko."

Malungkot siyang ngumiti at hinaplos ang likod ko.

"Mahal ka ng mga magulang mo, Hija."

"Hindi ko po maramdaman."

Minsan ko nga lang sila makausap eh. Si Manang Celia pa palagi ang kausap nila. Hindi ko alam kung naaalala pa ba nilang may anak pa sila. Dalawang taon na rin nang huli ko silang makita.

Games on Blazing Flames (Flames Series #1)Where stories live. Discover now