MIKA*bell*
Yessss! Finally, time na! Kumaripas naman ako ng takbo palabas ng classroom at nagmamadaling makaabot sa gate ng school. Makikita ko nanaman siya, hayyy. Pero bago yan, susunduin ko muna kapatid ko.
Ako nga pala si Mika Reyes, 4th year AB Psychology student sa isang kilalang university dito sa Manila. Sa tapat ng univ, ay may isang exclusive private school kung saan nag-aaral ang kapatid kong si Mikole, na susunduin ko ngayon. Hay salamat. Nakarating na rin ako sa tapat ng school niya at nakita ko naman siyang nakaupo sa waiting shed kaya nilapitan ko na.
"Ate Miks!"
"Oh kamusta school? May homeworks ka ba?" tanong ko.
"Ate naman. Yung totoo, kapatid po ba kita o nanay?" Aba't tinarayan pa ko ah.
"Ah ganon? Sige uwi na tayo. Akin na bag mo."
"Joke lang po ate! Di ka naman mabiro eh. Halika puntahan na natin!" sabay hila niya sakin.
May cafe kasi sa food strip ng school nila. At hindi siya basta bastang cafe; mamahaling cafe. Hindi naman afford ng allowance ko ang bumili doon araw-araw pero nakiusap naman sakin si Mikole kaya pinagbigyan ko na. Araw araw ko ako dumadaan dun sa cafe na yun at sige aaminin ko na, may sinisilayan ako dun. Hihi. Landi ko. Kundi pa dahil sa brutal na paghila sakin ni Mikole ay hindi ko mapapansin na nandito na pala kami.
"Ate! Punta na tayo sa counter. Sino ka ba kasi hinahanap mo diyan?"
"............"
"Ateeeee! Order na tayo dali, habang wala pang tao."
"............."
"HUY ATE! Nag-space out ka nanaman diyan!"
"Ah eh....sorry kala ko may nakita akong kakilala. Halika na." palusot ko. Tiningnan ko naman ang relo ko. Anong oras na ah? Hay.....nasaan na ba siya? Napalingon naman ako nang may nagsalita.
"Vanilla frappucino for Jess?"
Pagkakita ko sa taong nagsalita, biglang nag-slow mo lahat at para bang kaming dalawa lang ang tao dito. Panigurado kamukha ko nanaman yung emoji na may heart yung mata.
"Ate! Tayo na sunod dali." tawag sakin ni Mikole. Naman oh, nagmomoment ako dito eh. Sumunod na rin ako sa kanya at nag-order na ko para kay Mikole.
"Here's your receipt ma'm, present niyo nalang po pag-claim ninyo." ngiti sakin ng cashier.
"Ah sige thank you!"
Umupo na kami at inintay na matawag ang pangalan ko. Nagpaalam si Mikole na pupunta daw muna siya sa CR kaya ako nalang mag-isa dito.
"Cinnamon Dolce Latte for.....Mika?"
SINABI NIYA YUNG PANGALAN KO OHMYGAHD. KIKILIGIN NA BA KO????
"Nasaan po si Miss Mika??" natauhan ako nang ulitin niya ang pangalan ko at luminga-linga sa paligid. Agad naman akong lumapit sa counter para kunin ang latte ni Mikole. Pero bago ko pa man makuha ay bigla namang naramdaman kong may na tumutulo sa kamay ko. Ang init, napaso na ata ako. Sh*t!

BINABASA MO ANG
Our Story
FanfictionA compilation of Ara Galang and Mika Reyes (KaRa) one shots. Hope you like it! This is only for those who are open minded, so no hate please.